Rae's POV
.
.
Panglimang araw na kaming nagbabakasyon dito. Sa ilang araw na nakasama ko sila ay mas nakilala namin ang bawat isa, they really are friends for keeps wala kang masasabi dahil sobrang saya nilang kasama, humble lang din kahit sikat at mayayaman kaya mas naging komportable at panatag agad ako sakanila.
Sa ilang araw din na iyon hindi ko namalayan na paunti unti na din palang bumubukas yung puso kong matagal ko na ding pinagpahinga. May nabubuo na palang paghanga being with him all the time hindi din naman mahirap mahulog sa kanya dahil physical appearance palang niya mamsh bet na bet na pak may nanalo na ganorn idagdag mo pa na napakagentleman niya. Sa araw araw na lagi ko siyang nakakasama't nakakausap idagdag mo pa mga araw araw na banat niya at asaran namin dalawa.
Nagstay kami sa burgenstock resort, namasyal sa belvoir park, sumakay ng goldenpass belle epoque train at kung ano ano pa. But as much as I still wanted to stay pero kailangan ko nang uwi dahil may kailangan akong attendan na importanteng meeting bilang proxy ni daddy at bilang isa sa mga head din ng company. Nagkasakit kasi si daddy kaya I told him to rest na muna si kuya Jael kasi asa Pinas siya ang nagmamanage dun at ang iba pa naming branch sa ibang bansa since siya ang eldest si kuya Jasper naman as Maldives may important meeting din.
Asa dinning kami para magalmusal dahil after lunch pa naman alis ko malayo layo kasi ang airport dito kaya kailangan ko makaalis ng maaga .
"Sis wag kang mawawala sa wedding namin ha kasama na ako sa sched mo" wika ni Sofia
"Of course, promise" ngiti ko sakanya
"Promise yan ha, kawawa naman itong si Ethan kung walang partner" sagot ni Sofia
"I'll book your ticket and send you the invitation and gown na lang just send me your details" dugtong pa niya sigurista talaga natawa nalang ako
"No need, ipadala mo nalang din kay Ashton uuwi nadin naman ako this year"
"Really? tawagan mo ko mamsh ha para naman you know na" sabay wink niya
"Nic isabay mo na lang kaya to para sure na talagang uuwi to" suggestion pa niya lalo na lang din ako natawa
"Ipasundo mo nalang kay Ethan yan para mas sure" sabat ni Luke
"Sure akong hindi busy si Ethan pag ganun" asar ni David
"Yeah sure, I mean no problem sunduin ko kayo ni Nic" biglang sagot nito at ngumiti ito sa akin.
Halata naman ang gulat sa mga mukha namin dahil kahit ako hindi ko din naman ineexpect na sasagot siya dahil nagaasaran lang naman sila at isa pa alam kong mas busy siya dahil siya ang nagpapatakbo ng kumpanya nila
"Oh gag* sineryoso nga, totoo bang hindi nanliligaw sayo to?" wika ni Nic
"Pero why not diba less hassle baka pagakaguluhan uli tayo sa airport" pagsangayon niya lang din napailing nalang ako
"No need nakakahiya. I swear, I'll be there" ngiti ko
Napatango nalang din si Sofia
Pasado ala una na ng ibaba ko ang mga bagahe ko dinala narin sa sasakyan ang mga ito ng caretaker ni Luke. Sila na rin ang maghahatid sa akin ngayon dahil may pupuntahan pa sila at sayang din ang ipinabook nila roon kung malalate lang sila dahil lang sakin. Okay lang naman sakin iyon ako at ako nadin ang nagsuggest na mauna na sila.
Dinouble check ko muna ang kwarto baka may naiwan ako, matapos nun ay bumaba na din ako at nagpasalamat sa mga kasama ni Luke dito sa bahay. Lumabas na ako at naglakad papuntang sasakyan habang nagrereply ng sa assistant ni daddy.
Ilang minuto na akong nakasakay sa sasakyan pero hindi pa ito umaalis kaya nagtataka akong napatingin sa harap.
Nagulat ako ng makita si Ethan si driver seat at nakatitig ito sa rear view mirror kung saan kita ako dito sa likod. Nanlaki ang mata ko.
"Why are you- Bat ka andito akala ko ba kanina pa kayo nakaalis? Or hala sorry, wait lang maling sasakyan yata napasukan ko" kaya napalinga ako sa paligid kung may iba pa bang sasakyan pero nagiisa lang naman ito rito. Lalabas na sana ako ng sumagot siya
"Ako na ang maghahatid sayo si manong na ang nagdrive sa kanila. Sa airport lang rin naman ako pupunta e may kukunin akong papeles " sagot niya
Napatango nalang din ako nalang din ako pero hindi pa din ito umaalis kaya at nakatingin lang din ito sa akin? o baka naman sa likod kaya napatingin nako sa relo ko aabot pa kaya ako
"Aren't you going to seat in front? I look like a hell hot handsome driver here if you're going to sit in there" tanong niya
"Akala ko kasi may kasabay pa tayo. Lo siento" sagot ko saka ako umupo sa harap.
Nagseat belt na ako saka nadin niya pinaandar ang sasakyan. Nagkwekwentuhan lang rin kami habang asa daan medyo malayo layo pa kasi ang airport dito ayaw ko din namang tulugan siya.
Humito lang rin kami saglit sa may convenience store para bumili ng snacks. Siya na lang din bumaba at bumili hindi naman ako mapili. Naisipan kong lumipat ng driver seat para naman palitan siya alam ko naman pagod na rin siya.
Nagulat siya ng buksan niya ang pinto sa passenger seat at wala na ako rito iaabot niya lang sana sa akin iyong pinamili niya.
"I'll drive alam kong pagod kana" tango ko sa kanya
"I'm fine it's okay" pagpupumilit niya
"I insist magdadrive ka pa uli mamaya pabalik ee sakay kana" sagot ko sabay seatbelt no choice siya sumakay na rin at nagsimula nadin ako magdrive.
Inilabas na din niya mga ipinamili niyang snacks food trip yarn?
"Uhm I guess this one is your favorite right?" pakita nito ng strawberry drink
"Uy nice" tango ko sa kanya
"Naalala ko lang nung asa balcony ka. How will you drink it kung nagdadrive ka?" tanong uli niya
"Put the straw" utos ko ginawa naman niya ito saka ko hinawakan ang kamay niya na ikinagulat niya saka inilapit sakin para makainom ako habang nagdadrive
"Thanks"
"Seriously? Don't tell me pati sa pagkain susubuan din kita" taas kilay nitong tanong
Yup close na talaga kami dahil ang nagmamay-ari ng pinakamalaking airlines ay inutusan ko lang naman chariz
"If you want why not diba" tawa ko na ikinatawa na din niya
"Bumili na din pala ako ng snacks na babanuin mo sa plane though may food dun" sabay taas ng isa pang paper bag nako jusme ano bang naisipan nito baka kung ano nanaman pinagbibili nito sirang sira na talaga diet ko besh
"Nako thank you pero okay na ko kainin mo nalang yan pabalik" sagot ko
"No it's really for you" ngiti niya
Enebe bat ka ganyan chariz friends lang talaga. Yata?
"Oh okay salamat nagabala ka pa" ngiti ko
Pasado ala sais na ng makarating kaming airport sakto lang din naman ang dating namin. Ibinaba na rin niya ang maleta ko sa trunk inaantay ko nalang siya dahil mukhang may hinahanap ito sa sasakyan.
"Do you have cap?" tanong nito sa sakin
"Yeah I have here w-why?" kunot noo kong tanong
"Uhm can I borrow it? Nakalimutan ko kasi sa kabilang sasakyan. Kasi uhm kasi sa loob baka ano"
"Ah yeah sure no problem" pagputol ko sakanya dahil hindi niya ata masabi ito sa akin.
Hirap talagang maging sikat no kailangan mong magtago well not really you can show yourself naman without hiding mahirap lang dahil kaliwat kanan ang mga matang nakabantay sayo at gagawan ka ng issue.
Kinuha ko ito sa maleta ko kulay khaki ito at may nakaembroidered na Rae sa likod nito regalo ito ni kuya sa akin at nang galing pang ibang bansa kaya kakaiba ang desenyo at details nito.
"Here" suot ko sakanya abot ko naman siya dahil matangkad din naman ako mas angat lang naman siya ng konti.
Nakatitig lang din ito sa akin kaya tinanguan ko ito
"Um thanks, let's go?" ngiti niya saka hinila ang maleta ko habang papasok sa loob ng airport.