.
.
Hindi ko na ipinakita ang passport at ibang documents rito dahil kasama ko siya. Binabati lang rin siya ng mga ito at diretso lang kami papasok. Ang iba rito ay nagtataka ang iba naman ay nakilala ata kami kaya panay ang picture sa amin.
Asa airport lounge na kami at nakaupo. Lumapit sa amin ang tatlong pinoy na staff nito sa amin.
"Good Evening Mr. Huxely and Miss" nanlaki ang mata nito ng makilala ako ang dalawa naman ay kanina pa nakatitig sa akin na para bang nakakita ng multo.
"Ms. I mean Captain Phoenix" saka ito nagbow sa akin. Nginitian ko sila.
"Miss na lang"
"O-okay po Cap-Miss po pala" utal utal nito sagot habang titig na titig pa din sa akin at abot tenga ang ngiti
Ganda yarn? Kaya napatikhim si Ethan.
"Your boarding pass?" tanong niya sa akin
"Uhm here" pakita ko sakanya kinuha naman niya ito. Tinignan niya ito at napakunot noo
"Why are you in economy class? Madami pa namang nakakakilala sayo baka pagkaguluhan ka nila at mapano ka pa" wika nito
"I'm fine with economy class people in here are kind and besides gabi naman na they can't recognize me anyway" sagot ko.
Iyan naman talaga ang kinukuha ko tuwing bumabyahe ako magisa o kaya naman ay hindi ako masusundo nila kuya. Meron din kaming private plane at jet kaso nga lang gamit ng dalawang kuya ko. Napatitig lang ito sa akin.
"Ipad please" utos nito sa Isang staff niya at may itinype ito rito ibinigay na din niya sakanila ang boarding pass ko kinuha narin ng mga ito ang mga gamit ko.
"Copy Mr. Huxely" sagot nito
"Delay ng 2 hours ang flight mo dahil late din ang pagalis nito roon"
"Uh okay wait I'll just text my mom" at kinuha na ang phone ko dahil baka mapuyat lang iyon dahil for sure inaantay niya akong nakauwi.
Hindi pa din pala umalis ang tatlong staff ni Ethan rito
"Yes?" takang pagtatanong ni Ethan sa mga ito
"Ah Mr. Huxely kakapalan na po namin ang mga mukha namin uhm kasi po pwede po bang magpapicture kay Miss Phoenix? Fan na fan po kasi niya talaga kami" wika nung isa sabay kamot nito sa batok
Napatikhim ito "It's your working hou"
"Sure it's okay Asher, I'm fine with that" ngiti ko sa kanya at tumayo na
Kinuha ko ang cellphone nila at ako na mismo ang nagselfie friendly naman kasi talaga ako depende na nga lang kung nagkataon na may kasama akong bantay or kaya naman ay sila Nic para din sa kaligtasan ko
"Wacky naman" wika ko
Nakita ko sa gilid ng camera ang mukha ni Ethan na nakakunot noo habang nakaupo
"Sama ka naman Ethan" tawag ko sa kanya
"I'm fine okay na ako rito" sagot nito kaya hinila ko nalang ito patayo wala na din naman siyang nagawa.
Napatitig nalang sa amin ang tatlong staff niya na para bang hindi makapaniwala sa ginawa ko. Nakalimutan ko sikat nga pala siya at CEO ng pinakamalaking airlines tapos hinihila hila ko lang inuutusan ko pa. Tumabi ito sa akin saka ako uli nagpicture
"Smile ka naman diyan Mr. Ethan" dahil nakaseryosong mukha lang ito akala mo naman pasan pasan nito lahat ng problema sa mundo
"Here" bigay ko staff na nagmamay-ari ng phone
"Thank you po Miss Phoenix pwede ko po bang ipost ito?" tanong nito
"Oo naman wag mo na lang isama yung picture natin with Mr. Huxely" ngiti ko sabay tingin kay Ethan he smirked
"You can post it too" sagot nito na ikinalaki ng mata nilang tatlo na para bang nagulat at nagtataka.
"Talaga po Mr. Huxely? Nako thank you po and Miss Phoenix have a safe flight with Huxely airlines" nag bow uli sila sa amin at umalis na.
"Are you serious?" tanong ko sakanya ng nakaupo na kami he just nodded
"Akala ko ba it's not allowed to -"
"It depends on my order" putol niya I just shrugged my shoulders
"By the way do you want to roam around first? How about dinner? 2 hours delay pa naman flight mo" tanong nito sa akin
"Yeah I'm okay with that" tango ko at nagsimula na kami maglakad
"By the way aren't you busy? Akala ko ba ay may kukunin ka lang na papeles?" tanong ko dahil baka nakakaabala na ako pero okay lang din para atleast makasama ko pa siya chariz I think he's not into commitments of what so ever kaya I need to move forward na
"Uhm yeah no need to worry sandali lang naman iyon. Para din may kasama ka" ngiti nito saka kumindat pa
.
We just roam around, tour yarn? and just eat dinner my treat kasi naabala ko siya kahit ayaw nitong magpalibre wala nadin naman siyang nagawa dahil inunahan ko na siya isenend ko na agad ang payment namin sa restaurant na to bago ko pa siya ayain dito alam ko naman kasing tatangi ito.
"Alam mo wala pa pala tayong picture, let's take a selfie naman" Aya ko habang naglalakad kami sakto rin na may mural wall na para ka padin asa city ng switzerland dahil sa ilang araw naming magkakasama ay sakanya lang ako walang picture kaya inilabas ko na ang phone ko kaso nalowbat na pala ito
"Phone mo na lang pala I forgot to charge my phone" wika ko
Nagdalawang isip pa yata ito saka niya ito kinuha sa bulsa niya. Nagpapicture na lang din kami sa isang staff na dumaan.
.
Pasakay na akong eroplano at hanggang dito ba naman ay inihatid niya ako
"Okay na ako dito. Thank you nga pala sa pag hatid Ethan" ngiti ko at mas lumapit pa rito para bumeso mas amoy na amoy ko na din ang pabango nito
"No worries Ms. Phoenix. Uhm have a safe flight" ngiti niya rin
"Bye salamat uli" kaway ko saka na ako tumalikod. Nakakilang hakbang palang din ako ng tinawag niya uli ako in the second time around sa pangalan ko
"Rae wait"
"Here nakalimutan mo" sabay abot sa akin nung paperbag na naglalaman ng binili niya food sa may convenience store kanina
"Oo nga pala" bahagyang tawa ko
"Thank you uli" ngiti ko nakangiti lang din siya at nakatitig sa akin mas lumapit pa
"Uhm till we meet again Rae" siya naman ngayon ang bumeso sa akin at mas nagulat ako ng yumakap pa ito wala sa sariling napayakap na din ako mas bumilis din ang t***k ng puso ko na para bang gustong kumawala
Hoy tumigil ka dyan sanay naman ako sa ganitong yakap at beso dahil ganito kami sa espanya at lalo na't clingy akong tao pero hindi ko alam kung bakit ganito kung makatibok ang puso ko nagiinit pa yata ang pisngi ko
"Till we meet again Asher" ngiti ko at humiwalay na sa yakap niya
"Always take care" dagdag pa nito
"You too" tawa ko saka na ako tumalikod at naglakad na
"See you soon" rinig ko pang sabi niya kaya lumingon ako tumango lang ako at kumaway na.
Alam ko nang first class ang eroplanong sasakyan ko at hindi na iyong kinuha ko noong una. Talaga nga naman Mr. Huxely kakaibabe ha. Okay lang naman sa akin safety ko lang din naman iniisip niya wag ka kiligin mamsh as close friends lang.
.
Natulog lang din ako buong byahe sinundo din ako ni tío hernan ang matagal na naming family driver. Nang makauwi ako ay mabuti na lang at tulog na si mommy tanging ang iilang la criada ang sumalubong sa akin.
"Welcome home Miss" bati nila sa akin pagbukas nila ng malaking pinto namin
Napangiti ako, home sweet home!
"Gracias! Nako napuyat pa tuloy kayo hindi niyo na sana ako inantay pa"
"Pwede ba yon hija?" lapit sa akin ni tía lucy ang asawa ni tío hernan. Niyakap ako nito
"Namiss ko po kayo" kayap ko rin sa kanila
"O siya ikay magpahinga na hija dahil maaga ka pang gigisingin ng mommy mo" ngisi nila
"Salamat po sa pag antay. Good Night" ngiti ko sa kanila at nagtungo ng hagdan.
Nagshower lang din ako pagkatapos ay nahiga na agad sa kama nang maalala ko nanaman siya I should stop thinking about it, about him dahil alam kong lahat ng yun ay wala lang.
"Nakakainis ka kasi ee bat ka kasi bumabanat sa akin ng ganun napakagentleman mo pa sa akin" para akong baliw na kinakausap ang hangin. Ginulo ko na lang din ang buhok ko kulang lang siguro ako sa tulog.