Prologue
"One tequila please."
Mabilisan kong tinungga ang laman ng baso ko. Napapikit ako nang maramdaman ang saglit na init na dumaloy sa aking lalamunan.
Nandito ako ngayon sa Styx. Mas gugustuhin ko pa na manatili dito kaysa marinig ang sermon ni Daddy sa akin.
"Patricia, come on, dance!"
I smiled at them. Nang maibigay na sa akin yung tequila ay diretsya kong ininom iyon at tumayo para daluhan sila.
"Yuhooo!" I put my hands up high, sumasabay ako sa mabilisang beat ng music.
"You go, dance!" Ani Christine at sinabayan ang pag grind ko.
Nasilaw ako sa iba't ibang uri ng lights na tumatama sa aking mata. Bigla tuloy umikot ang sikmura ko. Damn!
"Excuse me."
Mas nahilo ako nang makipagsiksikan ako sa alon ng mga tao. Dammit, pwede bang tumabi kayo sa dinadaanan ko?
Halos matumba ako ng isang matabang babae ang tumabig sa akin. Buti na lang at may nakasalo. I was captivated by the smell. Ang bango niya!
Tumingin ako sa lalaking nakasalo sa akin. My eyes widened when I saw his face and his dark deep eyes. f**k, after 2 years?!
"Mi-Mikael?"