"Ito na ba ang ganti mo sa amin, ha? Patricia?!" My father slammed the door behind me. Kanina pa namamaga ang aking mga mata sa pag-iyak. Hindi ko naisip na magiging ganito kasama ang araw na ito. Akala ko matutuwa sila. Akala ko ngayong araw ay ipagmamalaki nila ako. Hindi pa rin, e. Hindi. "At ipinahiya mo pa talaga ang kapatid mo sa maraming tao?!" Napapapikit na lang ako sa bawat sigaw ni Dad sa akin, pinahiya? Hindi ko naman pinahiya. She was shouting at me! Hindi ko ugaling hayaan na lang ako na apak-apakan at insultuhin gayong wala naman akong ginagawang masama! Iminulat ko ang aking mga matang pagod na sa kakaiyak para lang makita ang mga mata nilang gusto na akong itakwil sa tahanang ito. "Hindi rin niya sinabi sa atin na sa kompanya siya ng mga Arrhenius n

