Ngayon ang sinasabing party ni Sir Syche, I've been thinking what to wear for the past three days! Nakaka ilang balik ako sa stall na ito at wala pa rin akong makitang damit! "God, Aurora! It should be expensive! Kung binigay sayo ni Sir Syche ang card niya ay dapat mong gamitin iyon sa paraang gusto niya!" Naririnig ko pa ang boses ni Yel sa aking isip. Tinawagan ko rin siya nung araw na 'yon para ibalita ang nangyari. Hindi ko na nga iyon nakwento kay Ervin, he was just happy telling what happened to him in school. Sabi niya ay sila daw ang napiling Best Research sa Practical Research 2. Sa loob loob ko ay masaya talaga ako. Buti ay nararanasan niya ang mag-aral ng ganoon. Tumigil na kasi ako dahil nga mas gugustuhin ko nalang din ang magtrabaho. And my parents are busy to my

