"What? Did he really do that? Ano? Anong level na kayo?" Kahit nasa telepono ay parang kitang kita ko na ang ngising aso ni Yel.
We're talking about Mikael, I can't sleep so I decided to call Yel mabuti nalang at hanggang ngayon ay gising pa rin siya.
"Um. Hindi ko pa alam? Pero we're okay naman.." Ayokong umasa. What if he's really like that? Friendly? Er.
"Umasa ka! Hangga't may buhay may pag-asa!" Narinig ko ang pagtawa ni Yel sa kabilang linya, "Ay! Anong oras nga pala tayo ulit kina Cadence?"
Pumikit ako at bumaling sa wall clock. "8am."
"Nandun si Mikael?" Tanong niya.
Napasadal ako sa headboard ng kama. "Siguro?"
"Alamin mo!"
Well he's gonna be there. Celebration yun para sa kasal nila Cadence at Stan, lahat silang magpipinsan ay nandoon tapos ay kami lang na mga malalapit na kaibigan ni Cadence ang pinapunta.
"Maiba nga 'ko, ano naman ang sinabi sayo ng bruha mong kapatid? Si Avinia?"
Great! Naalala ko nanaman yung nangyari kaninang pag-uwi ko. She's bitchin' out at ako nanaman ang napagbuntungan niya.
"Well, as usual.." Muli ay humugot ako ng isang malalim na hininga at pinakawalan iyon.
"Akala ko ba sa puso lang may tama yang ate mo? Bat pati sa utak?"
Natawa nalang ako kay Yel. Dalawa kaming magkapatid at ako ang bunso, yung kasabihan na madalas paborito ang mga bunso? No. Ang Ate ko ang pinakapaborito sa aming dalawa. Hindi ko nga alam kung anak ba ang turing sa akin ng mga magulang ko o ano.
Nang malaman namin na may sakit sa puso si Ate ay parang nawala ang dating atensyon na binibigay nila sa akin. I'm not jealous nor insecure. I can perfectly understand that ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kailangan ipilit sa akin ang mga bagay na dapat ay si Ate ang gumagawa.
"You gonna fetch me here?" Kinuha ko ang unan sa aking tabi at inilagay sa akin para mayakap.
"I don't know? Text Cadence, sabihin mo pasundo ka kay Mikael!" Nilayo ko ang phone sa aking tainga dahil nabingi ako sa biglaan niyang pagtili!
Umiling ako sa aking sarili. "Are you insane? He's not my driver! Saka nakakahiya! We're not that close."
"Ows? Sa kwinento mong 'yon hindi pa kayo close?" Nanunuyang tanong ni Yel na nagpa-iling nanaman sa akin.
Hindi ko alam kung naging magandang ideya ba ang pagsabi ko sa kanya nang mga nangyari kanina o ano. Napangisi ako sa naisip.
"Oo nga no, Yel? We can text Cadence and tell her if Lorcan can fetch you?" Now it's payback time!
"Hoy, Umayos ka Aurora ha! Sinasabi ko sayo, ngungudngud kita sa nguso ni Mikael!"
Parehas kaming nagtawanan na dalawa. Isn't it illegal? We're fantasizing the Arrhenius' and it's kinda funny. Kasalanan nila iyon. Masyado kasi silang mga gwapo, e!
Natapos ang tawagan namin ni Yel at lumipas ang umaga. Mornings. Isa sa mga pinaka ayaw ko. Tuwing ganto ay nagiging plastic ako na tao.
"Oh? May lakad ka?" Ang pagtaas agad ng kilay ng aking kapatid ang nabungaran ko. Yeah, right. I should get used to it.
"At alam kong wala kang pake." I murmured, kasabay nang pagkakita ko sa aking kapatid ay ang pagkita ko rin sa aking mga magulang.
What a nice morning, Patricia!
"Patricia, you're late. Kung magising ka akala mo amo ka rito and why did you dressed like that? May lakad ka? Sabado ngayon ha? Huwag mong sabihing may trabaho ka?" My father hissed at me.
I secretly rolled my eyes and sit. Nasa harap kami ng pagkain pero ganyan siya kung makapagsalita, I looked at mom. She's just eating and pretending that she's not hearing anything.
"Ganyan naman talaga yan, Dad. Nag 18 lang naging gala na." Ate Avinia said and gave me a sharp bitchy look.
Gustong gusto kong ihampas sa kanya 'tong plato sa aking harap.
"Hindi ko alam kung saan ka nagmana, Patricia. Hindi naman ganyan ang Ate mo, bakit hindi mo siya tularan?"
I shut my eyes and clenched my fist. Yes, always. Always comparing me to her.
Tahimik kong ginalaw ang aking pagkain at hindi nalang sila pinapatulan labas sa tenga nalang ang ginagawa ko. They're always like that. Always talaga, kung pwede nga lang i record ang mga sasabihin nila at iplay nalang kung kelan nakikita ko sila ay ginawa ko na.
Tahimik akong tumayo at inayos ang aking sarili. Walang pasabi akong umalis, hindi ko na kailangan magpaalam pa sa kanila dahil wala naman silang paki. I fisted my phone out of my bag and texted Yel,
Ako:
Nasa labas na ko. Ang tagal mo.
Napag-usapan namin na siya na ang susundo sa akin. Natext ko na rin kay Cadence na medyo malelate kaming dalawa ni Yel.
"So where are you going again?"
I almost rolled my eyes. And why she's here? Hindi ko siya hinarap. Nangangati na ang nga paa kong makaalis dito. Where are you, Yel?
"Last night umuwi ka na ng late tapos ngayon, aalis ka nanaman? You have a boyfriend? A dirty old man to be exact?" Pumantay siya sa akin, nakita ko siyang humalukipkip sa gilid ng aking mga mata.
"Are you pertaining to me or to you?" Hinarap ko siya.
She was about to say something nang biglang tahasang tinabi ni Yel ang sasakyan niya malapit sa amin. Binuksan niya ang bintana at kumindat.
"Gotta go." I waved my hand at Avinia's face at sumakay na sa frontseat. Nilakasan ko talaga ang pagsara para ramdam niyang bwisit ako sa kanya.
"Epal talaga niyang kapatid mo no?" Ani Yel habang pinasibad ang sasakyan.
Nagkibit balikat nalang ako at hinintay na makarating sa aming destinasyon. Naramdaman ko na lang ang biglang pagbigat ng talukap ng aking mga mata.
Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog at naramdaman ko ang pag-alog sa akin ni Yel.
"Aurora, tara na. They're waiting. Tayo na lang ang hinihintay."
Kinusot ko ang aking mata. Oh. Nandito na pala kami sa Syferath. Bumaba na kaming dalawang ni Yel. Inayos ko muna ang aking damit at sarili. Mas nauna na sa akin si Yel because I need to retouch. God! Dapat ay hindi ka na lang natulog Patricia!
Mag-isa akong naglalagay ng lipstick sa harapan ng bahay nila Cadence. Lahat ng tao ay nasa loob na at pinagmamasdan ko ang aking sarili sa maliit na salamin.
"You're busy.."
Halos mapatalon ako sa narinig!
Nilingon ko ang boses at mabuti nalang at napahawak ako sa aking panga na muntik nang malaglag.
The man standing infront of me is none other than Mikael Thai Arrhenius wearing his usual devilish smirk!
"A-Anong... Anong ginagawa mo dito?" Damn it, Patricia! Why are you stuttering?
Nagkibit balikat siya. Ito na ata ang tamang pagkakataon upang mapagmasdan ko ang kanyang hitsura. His perfect features! His soft lips, narrow nose, deep dark eyes and perfect jaw.
Jusko! Akala ko ba nobody's perfect?
"Earth to Patricia?"
Halos magbalik ako sa huwisyo sa aking narinig! I need to focus! I need to stay focus! Hindi laging ganito. Hindi dapat ganito na kapag kausap niya ako ay nawawala ako sa aking sarili.
"Did you eat the food that I gave to you last night?" Lumapit siya sa akin.
Tumango ako. Kahit na common na sa akin ang lasa ay parang iba ang recipe lalo na't si Mikael ang nagbigay.
"Are you done?" Tanong ni Mikael sa akin.
Noong una ay hindi ko siya gets pero nang kalaunan ay nakuha ko rin, nahihiya kong tinago ang aking lipstick at salamin. Tumango ako.
"Let's go? Baka naghihintay na sila."
Gusto ko sanang mauna na siya ngunit nagulat ako nang bigla siyang ngumuso. Kumunot ang noo ko.
"A-Ano?"
Ngumuso ulit siya at nagbaba ng tingin sa labi ko.
Aba putangina talaga!
Nang muli siyang ngumuso ay ngumuso na talaga ako, nagulat ako nang bigla siyang yumuko at umiling. Suot suot pa rin niya ang kanyang ngisi. Humakbang siya palapit sa akin at doon na ako kinabahan.
What? Is he going to kiss me?!
Pumikit ako at muling ngumuso, I was waiting for his lips nang may maramdaman akong pinunasan niya. Pagdilat ko ay nakita kong pinupunasan niya ang gilid ng aking labi.
"Lipstick." Ani Mikael at kumindat bago ako iniwang hiyang hiya sa sarili.
WHAT THE ACTUAL f**k?!