Roxie's POV,
"Clean all this mess Rox, I have something to do."
"Hmm." Nang maka-alis na ito ay inikot ko ang tingin ko sa Hideout ni Rosales na puno ng mga bangkay na nakahandusay sa malamig na semento. May nakita akong isang lalaki na nakasandal sa pader sa labas ng Hideout nila. Butas ang dibdib nito at sa di kalayuan ng kaniyang bangkay ay nakita ko ang puso nito.
It's one of our clan's special assassination technique.
"Ah, I forgot the piggy bastard is in the second floor, baka makatakas pa ito." Usal ko sa sarili ko habang dinidial ang numero ng tauhan ko sa cellphone. Sinagot naman agad nito ang tawag ko at sinabing pupunta agad sila.
Nang makataas ako ay nakita ko si Rosales na pinipilit alisin ang pag kakagapos ko sa dalawang kamay nito. Gising na pala ito at balak pa talagang tumakas.
"Hey piggy, how's your sleep." Nakangisi kong tanong dito, Nanlaki ang mga mata nito ng makita akong nasa tabi ng pintuan at naglalakad palapit sa kaniya. umiiling-iling pa siya habang nasipa paatras. Hindi rin ito makapag-salita dahil sa nilagay kong busal sa bibig.
Lumapit ako at tinutok ang dagger ni andriette sa bibig ni Rosales.
"I badly want to kill you right now." Sabi ko dito at hiniwa ang tela na nasa bibig niya. Agad na dumaloy ang dugo nito galing sa kaniyang pisngi pababa sa kanyang baba.
"M-maawa ka." Napa-ngiti ako ng marinig ito. Yes, beg for your life. Gustong-gusto ko talagang naririnig ang mga salitang ito lalong-lalo na sa mga katulad ni Rosales.
"Should I cut your limbs one by one?" Namumutla na ito sa takot at nanginginig ang panga habang nakatingin sa akin. Umupo ako sa harap nito habang hinihiwa-hiwa ng dahan-dahan ang kanyang kanang binti. Pinipilit niyang pigilan na lumabas ang ingay sa kanyang bibig habang kagat-kagat ang ibabang labi dulot ng sakit na nararamdaman.
"Ah I almost forgot, you're my gift to Nox. You should play with him, Okay?" Kung hindi lang hiniling ni Nox na iuwi ko ang gagong ito ay hindi ko na papatagalin pa ang buhay nito.
"S-sa batang iyon? P-patayin mo nalang ako ngayon p-palang! ANAK KAYO NG DEMONYO!" Buong lakas nitong ani. Napa-iling nalang ako sa mga sinabi nito sinabi nito. Tumayo ako sa pagkaka-upo at tinignan ito sa mga mata.
"Yes, you're right." Sabi ko at binigyan ito ng malawak na ngiti. Kita ko ang mga pulang ugat na nag-lalabasan sa gilid ng mga mata nito habang nakatingin sa akin.
"Kaya antayin mo nalang ang pamilya namin sa Impyerno, Rosales." Nakangisi kong sabi rito at tumalikod.
"Pakisabi sa ancestors ko na we're doing good here." Natatawa ko pang ani bago pumasok ang mga tauhan ko sa pintuan.
"Dalhin niyo na siya kay Nox." Utos ko sa tatlong lalaki na nasa harap ko. Tumango naman ang mga ito bago lumapit kay Rosales.
"B-BITAWAN NIYO AKO!" Malakas na sigaw nito sa mga tauhan ko habang nag pupumiglas.
"ISINUSUMPA KO ANG PAMILYA NIYO, PAG BABAYARAN NIYO-" Bago pa nito matapos ang sasabihin ay agad na pinatulog ito ng isa sa mga nakahawak sa kaniya. noisy piggy bastard tch.
Lumabas ako sa kwartong iyon at nakita ko ang mga tauhan ko sa baba na nililinis ang mga bangkay sa sahig. Inihahagis nila ang mga bangkay sa black na plastic na para bang ang mga bangkay na 'yon ay isa lamang basura.
"Gusto kong malinis ang trabaho niyo at walang palya. Kayo na ang bahala r'yan." Walang emosyon kong sabi sa mga 'to yumuko naman silang lahat bago bumalik sa gawain nila. Naglakad ako palabas sa Hideout ni Rosales at sumakay sa kotse ko. Rosales Hideout is located at the center of the forest, malayo sa City kaya ayos lang kung mag p*****n kami rito dahil wala naman makakarinig dahil tago ang Hideout na ito. Bago ko mapaandar ang kotse ko ay naamoy ko ang aking sarili. Malangsa ito dahil sa dugong pumalibot sa mukha ko pababa sa leeg at kanang braso.
"I need to take a bath. I smells like shit."
Lizzie's POV,
It's almost 6pm at nakasakay ako ngayon sa sasakyan ni Harper pauwi. Kita ko ang sunset dito sa bintana ni Harper at ang ganda nitong pagmasdan.
Sinulyapan ko si Harper na busy sa pag mamaneho, tinignan ko ang pisngi nito na may gasgas dahil sa nangyari kanina.
FLASHBACK
Lumabas ako sa kwarto na nakasuot lang ng puting dress na hanggang tuhod ang haba at nag-ipit ng kulay pulang ribbon sa buhok ko. Bumagay naman ito dahil sa kulay ng buhok ko.
"Nandyan na pala ang kaibigan mo sa labas, kadarating lang niya. mag-ingat kayong dalawa ha. huwag papagabi Ish." Pag papaalala ni Tita Fe sa'kin.
"Opo, tita Fe. huwag po kayo mag-alala kasama ko naman po si Harper." Sabi ko rito at bumeso. Nag babye na ako rito at lumabas sa bahay. Nakita ko si Harper na nakasandal sa puti nitong kotse. Naka-suot lang ito ng sky blue na damit na may print sa harap na Nike habang nakatuck-in ito sa puti niyang short.
"Hey." Tawag pansin nito dahil parang may katext ito sa cp.
Lumingon ito at ipinasok sa short niya ang hawak hawak niyang phone kanina. Napatitig pa ito sakin ng ilang segundo bago mag salita.
"O-oh hi, you look so good." Bati nito sa'kin. Napatawa naman ako ng mahina at sinabihan din siya na bagay sa kaniya ang suot niyang damit.
"Mukha kang anghel." Sabi pa ulit nito at binuksan ang pinto sa may passenger seat. Napailing nalang ako at pumasok sa loob ng kotse.
"Thank you." Sabi ko rito nang maka-upo na ako. Nginitian lang ako nito at isinara ang pinto.
Mamaya-maya ay pumasok na rin ito at binuksan ang makina. Bago pa nito paandarin ang kotse ay tinignan ako nito. Napakunot naman ang noo ko ng dahan-dahan itong lumapit.
"Pfft, seatbelt." Natatawa nitong ani, gosh akala ko kung ano na. hinila nito ang seatbelt na nasa gilid ko at inilock ito, sa loob ng ilang segundo na 'yon ay naamoy ko ang vanilla scent sa katawan niya. Hindi ko gusto ang amoy ng vanilla kaya inopen ko ang bintana sa tabi ko. Mukhang hindi naman niya nahalata na ayaw ko sa scent na 'yon kaya ayos na rin.
"Ayan, ayos na." Usal nito pagkatapos naman niyang isuot ang seatbelt niya. Tinanguan ko lang ito at ngumiti. Tumingin lang ako sa labas ng bintana habang nasa byahe pa kami. Hindi siya naimik kaya hindi rin ako umiimik.
Nakalipas ang 30mins at mukhang malapit na kami sa park dahil madami na ako nakikitang mga nag lalakad na tao.
"Malapit na tayo sa park." Sabi nito habang tutok sa pag mamaneho.
"Ngayon pa lang ako nakapunta rito." Sabi ko habang nakatingin sa labas.
"OH! THAT'S GOOD! ililibot kita." Ganado nitong sabi atsaka ako kinindatan.
"Okay, libre mo na rin ako." Biro ko rito.
"Of course! Libre ko lahat." Bigla nitong sabi kaya napatingin ako rito.
"I'm just kidding, may pera naman akong dala." Sabi ko rito atsaka ko itinaas ang shoulder bag ko.
"It's okay, treat ko ngayon dahil pinakain mo ako kanina sa inyo." Bumuntong hininga nalang ako saka ako pumayag. Mukhang hindi ko naman siya mapipigilan.
Ipinark nito ang kotse niya sa parking lot atsaka kami bumaba. Madami ang taong nagpupuntahan at halos lahat ay mukhang magkasintahan.
"Tara, ilibot muna kita tsaka tayo mag laro." Sabi ni Harper tsaka ako hinila ng biglaan papunta sa mga nagkukumpulang mga tao.
"Uh excuse me, sorry po." Ayan nalang ang mga nasasabi ko sa mga taong nadadanggil namin ni Harper. Inilibot niya ako sa park at ang daming mga palaruan sa gilid. Marami ring mga tao na halos nakukuha ko ang atensyon.
"Tara, bili muna tayong Ice cream doon sa ice cream stall." Nakangiting sabi ni Harper. Hindi pa ba siya napapagod.
"Okay!" Ganado ko ring sabi dahil nakita ko na may strawberry flavor na ice cream doon.
"Manong, isang order nga pong vanilla ice cream at- uh ano sa'yo Ish?" Tanong nito sakin.
"I want strawberry ice cream, kuya." Sabi ko sa lalaking nag titinda. Tumango naman ito.
"You like strawberries?" Harper asked.
"Sobra." Sagot ko rito at sakto naman na ibinigay na sa'min ni manong ang ice cream namin.
"Pagkatapos nito punta naman tayo roon." Sabi ni Harper habang may itinuturo. Sinundan ko naman ng tingin ang tinuturo nito at nakita ko na isa itong shooting game. May pailan-ilang nag lalaro rito at ang iba ay nakakakuha ng stuffed animals pag napatumba ang lahat ng targets.
"Sure, gusto ko makuha yung black na pusa." Sabi ko habang nakaturo sa malaking stuffed toy na pusa. Agad kong inubos ang ice cream na hawak ko at pinunasan ang labi ko ng panyo.
"Ako na sana mag pupunas akala ko hindi mo alam na may ice cream ka sa labi." Naghihinayang na sabi ni Harper. Natawa naman ako nang marinig ito.
"Sarili mo nalang punasan mo." Sabi ko sabay turo sa pisngi nito. Amoy na amoy pa rin ang pabango niya. Nakakahilo ito para sa'kin.
"Hmp, tara na nga." Sagot nito pagka-punas sa kaniyang pisngi.
Hinawakan ko ito sa kaniyang braso at hinila papunta sa palaruan na iyon.
"Kuya tag-isa nga po kaming baril." Sabi ni Harper kay manong. Binigyan naman kami agad ni manong ng tag-isang pellet gun at may limang bala sa loob.
"Ilan po ba ang papatamaan?" Tanong ko napatitig naman sa'kin si manong na ikina-ilang ko.
"Ehem, Ilan ho?" Seryosong tanong ni Harper dito. Napalipat naman agad ang tingin nito kay Harper.
"A-ah, tatlo lang." Sabi nito habang napapakamot sa batok.
Tinignan ko naman si Harper at seryoso talaga ito na naka-tingin kay manong. Hinawakan ko ito sa laylayan ng damit para maagaw ang pansin nito. Napatingin naman siya agad sa'kin at nag bago bigla ang mood nito.
"Tara na, bilis baka maagawan ka pa." Sabi nito habang naka-ngiti. Kinasa ko ang hawak kong baril at itinutok ito sa target. Bago ko pa ito maputok ay nakita kong napatumba na ni Harper ang isa niyang target. Kaya agad akong nag focus at ipinutok ito pero hindi ito tumama sa target.
"Okay lang 'yan, may apat ka pang bala." Rinig kong sabi ni Harper. Kinasa ko ulit ang hawak ko baril at itinutok sa target. Tumama ito pero hindi naman ito natumba.
"Uh isa pa." Sabi ko at kinasa ulit ang laruang baril pinapatukan ko ito at tumama ang bala sa target at napatumba ko ito.
"Nice one, Ish!" Ganadong sabi ni Harper.
"Ilan na napatumba mo?" Tanong ko kay harper.
"Dalawa, isa nalang bala ko." Sabi nito.
"Wow." manghang sabi ko rito at binigyan ako ng malaking ngiti.
"Give me one of those toy guns too." Napalingon ako sa gilid ko ng marinig ko ang malamig na boses na iyon, galing sa isang babae na naka-itim na hood at naka-suot na itim ding palda. Nakaturo ito sa mga baril. Ibinaba nito ang hood ng jacket niya at bumagsak ang itim na mahaba nitong buhok. Maputi at mahahaba ang pilik-mata.
Binigayan naman siya ng baril ni manong. Nasa gitna nila ako at parehas silang matangkad ni Harper.
"WITWIW, ANG DAMI ATANG CHIX NGAYON!" Rinig kong hiyawan ng mga tao sa likod ko. Naalis ang tingin ko rito nang marinig ko ang mga iyon.
Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa nilalaro ko, ngunit nanginginig ang mga kamay ko.
"Aish, wala na akong bala sayang isa nalang sana." Nakangusong sabi ni Harper sa'kin.
"May dalawa pa akong bala, Ikaw nalang maglaro para sa'kin." Pilit na ngiti kong sabi rito.
"Sure." Agad nito itong tinanggap at itinutok sa target. Umalis ako sa pwesto ko at medyo umipod palikod dahil baka madanggil ko siya.
Tinignan ko ang babaeng naka-itim na jacket at ngayon pa lang niya ikinasa ang baril niya.
"Watch me, Ish. Sisiguraduhin kong makukuha ko yung gusto mo." Sabi ni Harper habang focus na focus sa target.
Sabay silang nagpaputok at parehas nilang napatumba ang target nila. Last one nalang at makukuha na ni Harper ang Stuffed animal na iyon. Mabilis na nagkasa ang babaeng naka-itim at pinaputukan ang bago niyang target. Napatumba niya ulit ito.
"Aish, manong andaya naman niyan natamaan ko naman bakit hindi natumba." Rinig kong sabi ni Harper sa may-ari.
"Shut up." Malamig na sabi ng babae na naka-itim habang nakatingin kay Harper, nakita ko na nag seryoso ang mukha ni Harper dahil sa sinabi nito. Kinasa nito ang baril at pinatamaan ang target kahit hindi ito nakatingin doon. Tumumba ang target at tumingin ito sa'kin. Bigla nitong ikinasa ang laruang baril at itinutok sakin. Napapikit nalang ako inantay ang balang tatama sa katawan ko.
"GAGO KA AH!" Napamulat ang mata ko nang marinig ko ang sigaw ng isang lalaki sa likod ko. Nakita ko na doon nakatutok ang baril ng babae at nakita kong hawak-hawak na ng lalaki ang kamay nito.
"This place is not a bar for you to play, Bastards." Sabi nito at itinutok ulit ang baril sa lalaking nasa likod ko. Hinila ako ni Harper papalapit sa kaniya pero nakita ko na tinamaan sa noo ng bala ng pellet ang lalaking nasa likod ko.
"UMALIS KAYO RITO KUNG MANG BABASTOS KAYO MGA GAGO!" Rinig kong sigaw ni Harper at sinuntok sa mukha ang lalaking dalawang beses pinatamaan ng laruang baril. Napa-upo ito sa sahig habang hawak ang ilong na dumudugo.
Hinila ko agad si Harper bago pa siya gantihan ng lalaking iyon. Kita ko sa mukha nito ang inis.
"Ouch, wth!" Napahawak sa pisngi si Harper at masamang tumingin sa babaeng naka-itim. Nakita ko na nasa paahan ni Harper ang laruang baril.
"Sorry, It slipped in my hand." Malamig pa rin nitong sabi habang naka-tingin ng deretso kay Harper. Hindi ko alam pero parang pamilyar ang mukha ng babaeng naka-itim. Tumalikod ito at kinuha ang malaking stuffed animal na pusang itim atsaka nag lakad palayo.
"Hoy teka lang! sa'min 'yan! HOY!" Susundan pa dapat ito ni Harper ngunit pinigilan ko ito.
"No, It's okay." Sabi ko pa rito atsaka hinila na rin siya papalayo. Nakita ko ang malungkot na mukha nito bago nagpahila sa'kin pabalik sa parking lot.
End of Flashback
Nasa loob na kami ng village at malapit na sa aming bahay.
Maya-maya pa ay hindi ko napansin na nasa harap na pala kami ng bahay namin. Lumabas ito sa kotse niya at pinag-buksan ako ng pinto. Lumabas ako at tinignan siya sa mukha.
"Salamat pala sa pag tanggol sa'kin kanina." Sabi ko rito, tumingin naman ito sa baba at nag pout.
"Para kang bata." Sabi ko at tumawa. Binuksan ko ang shoulder bag ko at kinuha ang bandaid doon.
"Tingin ka sakin." Pagkasabi ko nito ay nagtataka itong tumingin sakin agad kong binuksan ang band aid at inilagay ito sa pisngi niya.
"Ayan mas okay, baka masira mukha mo e." Natatawa kong sabi. Nakita ko naman itong ngumiti na.
"Buti naman ngumuti ka na, mas bagay sa'yo 'yan." Sabi ko sabay nag thumbs up pa rito.
"Sorry, unang beses mo pa lang nakapunta roon and muntikan ka pang mabastos." Nakayuko nitong sabi. Pinat ko naman ang ulo nito at sinabing ayos lang. Mag gagabi na rin kaya pinauwi ko na ito.
"Ingat sa pag mamaneho." Sabi ko rito at inantay munang maka-alis ang kotse niya. Kumaway pa ako rito bago pumasok sa loob ng bahay.
Hayst yung stuffed animal ko wala na hmp.
The Forgotten Savior