Chapter 5

1438 Words
Lizzie's POV, Nang makapasok kami sa bahay ay pina-upo ko muna siya sa living area dahil ikukuha ko siya ng maiinom at meryenda. Pagkasalin ko ng Orange Juice sa baso ay agad kong kinuha ang tray at ipinatong doon ang cookies at Juice. "Nako nag-abala ka pa." Nahihiya nitong sabi nang makita ang bitbit ko na tray. "Bisita ka kaya tama lang na may makakain ka." Sagot ko rito. "Aish sige salamat sa pagkain." Sabi nito at umayos ng upo. "Hindi ba't next week na ang pasukan? Nakaenroll ka na ba?" Biglang tanong nito. Umupo ako at kinuha ang isang juice na nakalagay sa tray. "Oo, ikaw ba?" Tanong ko rito at uminom ng juice. "Yes, saan ka mag-aaral?" tanong pa ulit nito at kinuha rin ang juice niya sa tray at uminom. "Inenroll ako ni Tita Fe sa Stockholm University, hindi ko naisip na tutuntong ako sa unibersidad na talamak ng mga taong anak ng matatalino at makapangyarihang pamilya." Straight kong sabi rito. Nabuga naman nito ang juice na nasa bibig niya. Agad ko itong inabutan ng tissue at kumuha na rin ako para tulungan siyang mag punas. "Hindi ba masarap yung juice sa panlasa mo? Teka papalitan ko nalang ng flavor." Kinuha ko ang baso nito sa lamesa ngunit pinigilan ako nito at sinabihang umupo ulit. Nag punas pa ito ng konti bago mag salita. "Hindi mo na need palitan yung juice, masarap naman e, nabigla lang ako na parehas pala tayo ng papasukang unibersidad sa kolehiyo. Doon din nag tapos ang mga magulang ko kaya't tiyak kong talagang maganda sa unibersidad na iyon., Maraming tao ang pinapangarap na pumasok sa unibersidad na iyon!" Mahabang lintanya ni Harper habang nakangiti. Hindi ko na nabigyang pansin na parehas pala kami ng papasukan ni Harper ang tanging nasa isip ko lang ay ganon ba talaga kaganda ang paaralang na ipinatayo ng mga ancestors ko para kabaliwan ng mga tao? "Ganoon ba." mahina kong sagot. "Oo! tsaka pala nasaan si Tita Fe hindi ko ata siya nakikita ngayon." Tanong nito habang inililibot ang paningin sa bahay na para bang hinahanap si Tita. "Lumabas lang siya saglit, mamaya-maya ay babalik na rin iyon." Sagot ko. "Oh, may bisita ka pala Ish hindi ka nag sabi na may maganda ka pa lang kaibigan." Si Tito mart habang humahakbang pababa sa hagdan. "Ah Good afternoon po." Magalang na sabi ni Harper at tumayo sa pagkaka-upo. "Aba ang galang naman ng kaibigan mo, Oh siya sige mag-usap lang kayo r'yan at ako'y magtitimpla lang ng kape." Sabi ni Tito mart at nag tungo sa kusina. tanghaling-tanghali magkakape? ay nako ka Tito Mart. Ibinalik ko ang tingin ko kay Harper at nakita ko itong kinakalikot ang phone niya. "Aish, Ish uuwi muna ako ha tinext kasi ako ng kapatid ko, emergency lang." Sabi nito habang kinakamot ang batok. "Sige lang unahin mo na yan emergency naman 'yan." Nakangiti kong sagot dito. "Ah sunduin kita mamaya gala tayo sa park, mukhang lagi ka lang nandito sa loob ng bahay niyo e." Pagyayaya nito. "Wala rin naman kasi akong pupuntahan kaya nandito lang ako lagi, ayoko rin namang maka-agaw ng pansin sa labas." Alam kong naiintindihan nito ang sinasabi ko. "Ano ka ba, huwag mo silang pansinin, para ka ngang girl version ni Gojo satouro." Nagsalubong ang kilay ko sa sinasabi nito. sino nga ulit yon? Gonjo situro? "Ah ano character siya sikat na anime na jujutsu kaisen, kulay puti na buhok at asul na mata, parang ikaw lang." Sabi nito at kumindat pa. "Oo na oo na umuwi ka na." Sabi ko rito at itinutulak ko pa ito palabas ng bahay. kulay grey ang mga mata ko. "Sama ka mamaya ha!" Pag papaalala pa nito. um-oo nalang ako dito at hinatid palabas sa gate namin. Sakto namang dumating si Tita Fe na nakasakay sa kotse nito. "Nakita ko sa daan yung babaeng naghatid sa'yo rito ah, dito ba siya galing?" tanong nito habang ibinababa ang mga pinamili na gulay. "Ah si harper po iyon, opo napadaan lang dito." Sagot ko at kinuha ang ibang paper bag kay tita. "Ganoon ba, mukhang may kausap siya sa phone e ang seryoso ng mukha." Sabi pa ni tita Fe, siguro ay kapatid niya ang kausap nito. "Pupunta po pala kami sa park mamaya." Pag papaalam ko ng makapasok kami sa kusina. "Mabuti 'yan, mag-ingat kayong dalawa ha tumingin sa daanan." Pag papaala ni tita Fe. "Opo tita Fe, hindi rin po ako papagabi." Sagot ko habang inilalagay ang mga gulay sa ref. "Oh siya maligo ka na doon, ako na ang bahala rito." Kinuha nito ang mga hawak ko at pinalabas na ako sa kusina. Napakamot nalang ako sa ulo habang naglalakad papunta sa kwarto. Andriette's POV, "Hi miss, mag-isa ka lang ata gusto mo bang samahan na kita." Hindi ko pinansin ang lalaking kanina pang sumusunod nang sumusunod sa'kin. I know that there's lot of thugs and thiefs here. So, it's not a surprise if there's a lot of assholes like him in here too. "Hey miss, tinatanong kita huwag kang bastos!" Hinawakan ako nito sa balikat na agad namanf ikinainis ko. Umikot ako at hinawakan ang kanang braso nito kasabay sa pag pilipit dito. Rinig na rinig ang mga cracks galing sa buto na nabali sa braso ng lalaki. Sisigaw pa rapat ito ngunit bago pa nito magawa iyon ay pinilipit ko na patalikod ang leeg nito. "Eh, Dad said don't be so short tempered, keep your cool sissy." It's Roxie. my little brother I'm a year older than him. He's looking at the man that i just killed a moment ago. Naka-itim itong damit katulad ko, bagsak na bagsak ang itim na itim na buhok nito. "Why are you here, Rox." I asked, without looking at him. Naglakad lang ako papasok sa lungga ni Rosales. Isang boss ng malaking gang. May kailangan silang pag bayaran. "We have the same reason." Sinipa nito ang pintuan ng lungga ni Rosales. Alam naming pinaghandaan na nila ito dahil pagka-sirang pagka-sira ng pintuan ng lungga nila ay maraming tauhan si Rosales na nakaabang habang may mga hawak na armas. "Eh, that piggy bastard. does he really want to die that early?" Roxie said while grinning. hinagis ko rito ang dagger ko dahil alam kong wala itong dalang kahit anong armas. sinambot naman nito agad at walang inaksayang oras. Wala itong takot na sumugod sa nagkukumpulang mga lalaki. "You're the one that should keep your cool, Rox.", Nakita ko naman itong ngumisi habang isa-isang ginigilitan sa leeg ang mga lalaking sinusubukang lumapit sa kaniya. "SA AKIN KA!" Sigaw ng isang lalaki na papalapit sakin habang may hawak na kutsilyo. "Really?" Bored kong tanong dito, nilingon ko ito at walang ingay na tumalon pabaliktad at agad na kinuha ang hawak nito. Nagulat naman ito ng nawala ang kanina'y hawak hawak lang nitong kutsilyo. bago pa ito makalingon sa likod ay nalaglag na ang kaniyang ulo sa malamig na sahig. Sinipa ko ang ulo nito na nasa sahig at tumama ito sa isa sa mga kasamahan niya. Namumutla itong tumingin sakin ngunit bago pa ito makareact ay dali dali kong kinuha ang puso nito sa loob ng kaniyang katawan. kita ko ang pag-agos ng dugo galing sa kaniyang bibig. Tinignan ko ang puso ng lalaki na nasa kamay ko. Mainit ito at pumipintig pintig pa. "Oops, I got your heart." Walang emosyon kong sabi at hinulog iyon sa sahig at inapakan. May palapit sa'king lalaki sa likod at nakita kong may hawak itong baril. Nag kunwari akong walang nakita at tuloy tuloy lang sa pag lakad hanggang sa may nakita akong isang dagger sa lamesa. itinaas ko ito na para banag iniinspeksyo at nakita ko ang reflection ng lalaking may hawak na baril sa dagger. "What are you waiting for... Shoot me before i kill you." Nagulat ito nang magsalita ako na naging dahilan ng pagkahulog ng baril sa sahig. Nilingon ko ito at nginitian. Kita ko ang panginginig nito. "Eh, are you nervous? let me teach you how to properly use a gun." tinutok ko ito sa noo niya at walang emosyong ipinutok ang baril. "Did you found him?" Alam kong naubos na niya ang mga tauhan ni Rosales dahil wala na akong naririnig na putok ng baril. "Yes." Paglingon ko ay puro dugo ang braso ni Rox mukhang galing ito sa mga pinatay niya. "Did you kill him already?" Tanong ko ulit rito. "No, Nox want to do it." "Then, take that pig as a gift to Nox." I said. "Clean all this mess Rox, I have something to do." I said at walang ingay na umalis. The Forgotten Savior
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD