Lizzie's POV,
Ilang araw na kaming hindi nag-uusap nang maayos ni Tita Fe at nakaenroll na rin ako sa Interhigh Academy. Napabuntong hininga nalang ako sa mga isiping iyon at isinara ang hawak kong libro. Nagkulong lang ako rito sa kwarto ng ilang araw at nag basa ng mga libro para sa pasukan ay may alam naman ako kahit papaano.
Knock
Knock
Knock
"Iha, pinag dala kita ng tanghalian mo." Rinig kong usal ni tita Fe sa labas ng kwarto ko. Hayst siguro ay lalabas na ako ngayon alam ko namang nahihirapan din si Tita Fe, Ayoko na itong dagdagan pa.
Tumayo ako sa pagkakaupo sa harap ng study table ko at nagtungo sa pintuan. Huminga muna ako ng malalim bago ko buksan ang aking pintuan.
"Iiwan ko nalang siguro dito sa harap ng pinto mo, kumain ka anak ha." rinig kong sabi ni tita Fe sa labas ng kwarto.
Agad kong pinihit ang doorknob at kita ko ang payukong si tita Fe para ibaba sana ang mga hawak nitong pagkain.
"Hindi na po kailangan Tita Fe, sasabay po ako kumain sainyo." Nahihiya kong sabi habang inaabot ang mga hawak na pagkain ni Tita Fe.
"Ganoon ba? oh siya sige tara na bago pa lumamig ang mga pagkain." Agad na nag liwanag ang mukha ko ng makita ko itong ngumiti. Akala ko ay papagalitan ako nito ngunit kabaliktaran ang nangyari.
Habang pababa kami sa hagdan ay medyo hinangin ang buhok ni tita Fe, parang may nakita akong isang itim na marka sa batok ni Tita Fe, ngunit hindi ko ito nakita nang ayos dahil sa nakaharang na ang mga buhok niya. Siguro ay birthmark lang ni Tita Fe iyon.
Nang makarating kami ni Tita Fe sa dinning room ay nakita ko doon si Tito Mart na naka-upo. Hindi ko alam na naka-uwi na pala ulit siya. Napayuko ako dahil sa hiya. Hindi ko alam na naka-uwi na siya dahil sa pag-kulong ko sa sarili ko sa loob ng kwarto.
"Oh iha bakit ka pa naka-tayo tara na at kumain mas masarap ang lasa ng luto ng Tita Fe mo pag mainit pa ang mga ito." Sabi ni Tito Mart, hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mahiya dahil sa hindi sila parehas galit sa'kin. Dahan-dahan akong umupo sa aking upuan at ngayon ko lang napansin na ang mga paborito kong pagkain ang inuluto ni Tita Fe.
"Kailan pa po kayo naka-uwi, Tito Mart?" magalang kong tanong dito.
"Kani-kanina lang iha, bakit? namiss niyo ba ako ng tita Fe mo?" tanong nito habang may nakakalokong ngiti sa mga labi. napatawa naman ako ng mahina nang makita kong hinampas ito sa braso ni Tita Fe.
"Puro ka kalokohan Itok, kumain ka na lang dyan at ika'y mabubusog pa." Sagot ni Tita Fe rito habang umiiling-iling pa.
"Sus Marife, ayaw mo laang umamin na ako'y iyong namiss." Pag pupumilit pa ni Tito Mart. Habang tinitignan ko silang dalawa na masayang nag bibiruan ay para bang bumabalik lahat ang lakas ko sa katawan. Bakit ko pa ba ipinipilit na hanapin ang mga magulang ko kung meron naman akong sila.
Naka-ngiti akong nag simulang kumain at totoo nga namang mas masarap ang luto ni Tita Fe pag ito ay mainit pa. Lasang lasa ang mga rekado rito.
"Ang sarap niyo po talaga mag luto Tita Fe, hindi ako mag sasawang kainin ang mga luto mo." Nakangiti kong sabi. Nakita ko rin ang pag ngiti nito at nasulyapan ko rin ang pag taas ng kilay ni Tito Mart at nakangiting nakatingin kay Tita Fe na para bang sinasabi na tama ang sinasabi niya kanina.
Natapos namin ang aming tanghalian na puno nang tawanan. Pag nandito talaga si Tito Mart ay sobrang mabuhay ang paligid. Naikwento sa'kin nila Tito Mart na mayroon silang anak ni Tita Fe ngunit ito'y nawala at patuloy pa rin nilang hinahanap hanggang ngayon. Naniniwala silang buhay pa ang anak nila na nag ngangalang Ashera, parehas lang kami ng edad ni Ashera dahil pinanganak kami sa parehas na taon.
"Tito Mart, kailan ang balik mo sa trabaho mo?" Tanong ko rito habang tinitignan ang uwi nitong halaman na may mapupulang bulaklak nakalagay ito sa isang boteng garapon.
"Next week siguro." Mabilis nitong sagot at lumapit sa kinatatayuan ko.
"Gusto mo ba ang halaman na 'yan?" tanong nito sakin. Nahihiya akong tumango dahil napaka ganda ng halamang ito kahit sino ay magugustuhan ang ganitong bulaklak.
"Hindi iyan basta-bastang halaman lamang anak." Nagtataka naman akong lumingon kay Tito Mart baka kasi nag bibiro lang ito.
"Huh? kung ganon ano po meron sa halaman na 'yan?" Kunot noo kong tanong dito. Nakita ko naman itong natatawa. Sabi na e binibiro na naman ako nito.
Sinimangutan ko ito at inalis ang tingin sa halaman na nasa garapon. maglalakad na sana ako palayo nang marinig ko ang sinabi nito.
"Ang halaman na ito ay nakakapatay dahil sa taglay nitong lason ngunit maaari ring makatulong sa taong nalalason." Lalo lang ako naguluhan sa sinabi ni Tito Mart. Baka naman ay trip lang talaga ako nito. hindi naman mukhang wolfsbane ang halaman na iyon.
"Ah ganoon po ba hehe." kunwaring naiintindihan kong sagot.
"Balik na po muna ako sa kwarto mag-aaral po ako." Dagdag ko pa.
"Galingan mo anak!" Energetic na sabi ni Tito Mart habang nakasaludo pa. Sinulyapan ko pa ng isa pang beses ang halaman na nasa garapon bago maglakad papunta sa kwarto.
"Nakakapatay dahil sa taglay na lason pero nakakatulong sa taong nalalason? katulad ba ito ng mga venoms?" Bulong ko sa sarili ko habang humahakbang pataas sa hagdan.
Nasa gitna pa lang ako ng hagdan ng mapansin ko na parang may kulang sa mga kwarto. Dahil ang nakikita kong kwarto na nasa taas lang ay dalawa. Isa para sa'kin at Isa para kila Tita Fe. May isa pang kwarto sa baba para naman sa mga bisita pero parang may kulang talaga. Nag madali akong bumaba sa hagdan at lumabas ng bahay. Imbis na sa kwarto ako pumunta at mag-aral ngunit ito ako nababaliw sa mga naiisip ko. lumabas ako ng gate at tinignan ang bilang ng mga bintana sa bahay namin.
"Tama nga ako! May tatlong bintana kami sa bahay pero bakit sa loob ng bahay ay may dalawang bintana lang? Isa sa kwarto ko at Isa sa kwarto nila tita Fe." pagtatanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa tatlong bintana sa labas ng bahay.
"BOO!"
"AHHHH" Irit ko ng biglang may gumulat sa'kin mula sa likod. Pag lingon ko dito ay pinag hahampas ko ito sa mukha at sinipa sa katawan.
"A-aray ako to si Harper, ouch!" Nang marinig ko ang sinabi nito ay agad akong tumigil sa pag hampas. Nakita ko na namumula ang braso nito at may kalmot sa pisngi.
"S-sorry, ikaw kasi kasalanan mo 'yan." Paninisi ko pa rito. Tumawa naman ito habang kinakamot ang batok. Lalo siyang gumaganda pag tumatawa siya.
"Baka matunaw ako n'yan ha." Biglang sabi nito at ngumisi. Binabawi ko na ang sinasabi ko dahil isa siyang assumera.
"Anong ginagawa mo rito?" Pag iiba ko sa usapan.
"Wala napadaan lang, e ikaw bakit ka nasa labas? mabuti naman at nakakalakad ka na nang ayos." Nakangiting sagot ni Harper.
"May tinitignan lang ako, btw sorry pala sa sinabi ko noon ano kase... nag hahanap lang talaga ako ng dahilan." Nahihiya kong sabi dito. Nakita ko namang natatawa na naman ito.
"Ano ka ba ayos lang yon."
"Tara sa loob na lang tayo mag-usap medyo maaraw pa ngayon e baka mangitim ka." Pag bibiro ko pa rito. Nag nod naman ito at sumabay na sakin papasok sa gate.
The Forgotten Savior