Chapter 3

1634 Words
Harper's POV, Patuloy lang ako sa pag mamaneho habang paminsan-minsan ay lumilingon sa dalawang ulupong na nag bibisekleta sa likod. Maya-maya ay nakita ko si Hazel na tumigil sa pag pidal at agad na natumba kasama ang bike niya. Agad kong ipinark ang kotse ko sa tabi ng kalsada at agad na bumaba sa aking sasakyan upang puntahan ang dalawang ulupong. "GAGO KA HARPER KASKASIN KO KAYA KOTSE MO." bungad sa'kin ni Perrie. Napakalas talaga ng boses nito. "Oh, anyare r'yan?", tanong ko nang makalapit ako sa dalawa. "AYAN MAMAMATAY NA.", sagot ni Perrie habang kinakalikot ang ilong nito. Ang dugyot kahit kailan. Tinignan ko naman si Hazel at kita ko ang nanunuyong labi nito. Nagkunwari pa itong mamamatay na at humilata pa sa kalsada. "T-tulungan mo ako, maawa ka.", Ginaya pa nito ang boses ng mga matandang kala mo ay mamamatay na. habang nakataas pa ang isang kamay nito sa ere at nakahiga sa kalsada. Marami na ang nakakakita sa'min na talaga namang nakakahiya, ewan ko nalang dito kay hazel na papikit-pikit pa. Agad kaming nagkatinginan ni Perrie at alam kong parehas ang iniisip namin. "Kawawa naman oh, mukhang nagbalabag sa bike niya tapos yung mga kasama hindi man lang tinutulungan.", rinig kong bulong ng isang babae na dumaan na kasama ata ang mukhang tuko nitong boyfriend. "Perrie, kilala mo ba yan?", Sabi ko sabay turo kay Hazel na nakahiga sa kalsada. Nakita ko namang iminulat ni Hazel ang isa nitong mata at agad na ipikit ulit nang makitang nakatingin ako sa kaniya. "Hindi e, sino ba yan?", Sagot naman ni Perrie. Lalong dumami ang mga taong nakakakita samin at sa hindi kalayuan ay nakita ko ang tatlong pulis na papalapit sa'min. Nag tatakang napalingon naman si Perrie sa tinitignan ko. "We're doomed...", Agad ko namang sinipa-sipa si Hazel na nakahiga sa kalsada at agad akong lumayo layo rito dahil na rin sa mga masasamang tingin sakin ng mga tao na nag uumpukan sa tabi namin. Inis at nagtataka naman itong nag mulat. "Gago, may pulis!", mahinang kong sabi dito sabay turo sa papalapit na tatlong pulis. "Ha? Ano?", sagot nito. mukhang hindi niya ako marinig dahil sa ingay ng mga taong nasa tabi namin, habang di pa rin siya tumatayo sa kalsada. Si Perrie naman ay hindi alam ang gagawin. Kung tatakbo na ba siya kasama ang bike niya o hihilahin sa paa si Hazel. Hindi ganoon kalapit ang kinaroroonan ni Perrie samin ni Hazel kaya naman kita ko ang pamumutla nito dahil sa hindi ito makapag desisyon agad. Konting-konti nalang ay makakapunta na rito ang mga pulis sa kinatatayuan namin at hindi pa rin mawala ang mga nakakatakot na tingin sa'kin ng mga tao. Hindi ko alam kung bakit sila ganoon makatingin, siguro ay dahil sa ginawa kong pag sipa-sipa kay hazel kanina. "GUNGGONG, TAKBO MAY PULIS!", Nagulat ako sa pag sigaw ni Perrie at pag lingon ko sa likod at humaharurot na ito habang nakasakay sa bisekleta niya. Hindi ko napansin na nakatayo na pala si Hazel sa kalsada at nakasakay na sa bisekleta nito at agad agad na pumidal palayo. "SIRAULO HINTAYIN MO AKO!", Rinig ko pang sigaw ni Hazel habang pumipidal. "Mga kabataan nga naman ngayon, wala na magawa sa buhay. Ayaw nalang mag-aral at nang makatulong sa mga magulang.", Rinig kong sabi ng isang ale na nasa umpukan kanina. lumapit naman ito sakin at may sinabi. "Ikaw, iha. huwag kang tutulad sa mga ganoong kabataan ha, mukha ka namang matino. mag-aral kayong mabuti.", inismiran pa ako nito bago naglakad papunta sa kaniyang tindahan. "A-ah oho, maraming salamat ho." Sagot ko rito ngunit hindi na ako nilingon nito. "Hindi ho talaga ako tutulad sa mga ulupong na 'yon." nasabi ko nalang ito sa utak ko at agad na tumakbo pabalik sa kotse ko. Ilang minutong byahe ay nakarating na ako sa bahay ni Venice. Nadaanan ko ang dalawang gunggong bago maka-liko rito sa kalye nila Venice. Nag doorbell ako at nakita kong lumabas ang kapatid ni Venice na si Sean, ka-age lang nito si Ellie. "Ikaw po pala 'yan ate Harper. Nasa kwarto po si ate puntahan niyo nalang po doon." Sabi nito pagkapasok ko sa gate nila. "Hindi pa ba nalabas sa kwarto niya si Venice?" Tanong ko rito. "Hindi po e, bakit po? may nangyari po ba?" Magalang na tanong nito. Napaka galang na bata, sana'y ganito nalang din ang kapatid ko ngunit hindi e, dahil kung umasta ito ay kala mo siya ang mas nakatatanda. "Ah wala naman, dadating din pala si ate Hazel mo at Perrie. Hintayin ko nalang muna sila rito." Sagot ko rito at pinat ang ulo nito. Tumango naman ito at inayos ang salamin bago tumungo sa garden nila. "HOY HARPER, NASAAN NA SI VENICE." Kahit di ako lumingon ay alam kong si Perrie ito. Hindi ko ba alam kung nakalunok ito ng mic noong sanggol pa lang siya o pinaglihi ba siya sa speaker ni Tita. "Nasa kwarto niya raw, Hindi raw lumalabas sabi ni Sean." Bored kong sagot dito. Tinignan ko si Hazel at kita kong nainom ito ng softdrinks at nakain ng waffle. Kung napapansin niyo ay mayroon akong mga kaibigan na isang matakaw, isang siraulo at ang pang huli ay si Venice na isang tanga. Ako lamang ata ang matino sa aming apat. Pero kahit ganiyan ang mga 'yan ay maaasahan sila sa lahat ng bagay. Matatalino at syempre ay magaganda. Naunang pumasok si Hazel sa bahay nila Venice. Agad itong nag tungo sa kwarto ni Venice at kumatok. Nasa harap ko naman si Perrie. Pagka-bukas ng pintuan sa kwarto ni Venice at biglang sumigaw si Hazel. "VENICE! ITIGIL MO YAN! HUWAG MO KAMING IIWAN, KUNG HINDI KA NA NIYA MAHAL LAGI MONG TANDAAN NA MAHAL KA NAMAN NAMIN!" Malakas na sabi ni Hazel. Binilisan ko naman ang pag akyat ko at nakita ko pa si Perrie na muntikan na masubsob sa hagdan dahil sa pag mamadali. Nakita ko si Venice na may hawak na mukhang isang matulis na bagay habang nakatingin sa'min. madilim ang kwarto niya kaya hindi namin maaninagan ang mukha nito at ang hawak na bagay nito. "HUWAG MO ITULOY YAN VENICE! MAY UTANG KA PA SAKIN!" Singit naman ni Perrie. Binatukan ko ito dahil sa kagagahan niya. Agad kong hinanap ang switch ng ilaw sa kwarto ni Venice at ini-on ito. Nakita ko ang iritang mukha ni Venice habang hawak ang toothbrush nito sa kanang kamay niya. Ibinato naman niya ang toothbrush na hawak niya nang makita ang mukha ni Perrie at tumama ito sa noo nito. "Buti nga." Asar ni Hazel dito. "HAMPAS KO KAYA SAYO 'TONG PINTUAN NI VENICE, HAZEL." "Ano ba para kayong mga bata, late na nga kayo akala ko ay ako pa ang papupuntahin niyo sainyo." Singit ni Venice at umirap. 18 na parehas si Hazel at Perrie ngunit kung umasta ay parang mga bata. "Eto kasing dalawang 'to bisekleta ang dinala imbis na kotse." Naiiling kong sabi habang dinuduro ang dalawa. "EH PAANO NAG INARTE PA SA KALSADA 'TONG GUNGGONG NA 'TO." Sabi ni Perrie at binatukan si Hazel. Nakita ko pang binatukan ito pabalik ni Hazel at sa sobrang lakas ay tumama ang noo ni Perrie sa gilid ng pinto. "Sorry, may lamok e pinatay ko lang." Agad kong hinila si Perrie papunta sa sofa sa loob ng kwarto ni Venice at pinaupo roon. Sinamaan ko naman ng tingin si Hazel at tinuro ang kabilang upuan para roon siya maupo. Para silang mga aso't pusa. "Oh, balita ko broken ka na naman." Paninimula ko sa usapan dahil baka mag p*****n pa ang dalawang gunggong. "Eh mahal ko e." Mahinang sagot ni Venice habang nakaupo sa kama niya at yapos yapos ang unan niya. "Ilang beses ko na iyan narinig Venice, ano ba nagustuhan mo sa mukhang s**o na lalaki na 'yon, pinainom ka ba ng gayuma no'n?" Pinaliitan ko pa ito ng mata. Nakita ko namang umiling-iling ito at ngumuso. "Eh kasi binigyan niya ako ng choco-choco, ang sweet niya kaya!" kinikilig pa nitong sagot. napatampal nalang ako sa noo ko. napakayaman ng pamilya nila at magkakagusto siya sa isang lalaking binigyan lang siya ng isang choco-choco? Kung tutuusin ay kayang kaya nilang bilhin ang factory ng chocolate na iyon. "Ang patay gutom mo naman Venice." Biglang singit ni Hazel na nakadekwatro pa habang nakaupo sa sofa. "ARAY!" Biglang daing nito ng batuhin ito ng tsinelas ni Venice sa mukha. Naramdaman ko namang nag pipigil ng tawa ang katabi kong si Perrie. "Wow ha nang galing pa sayo 'yan." Sagot ni Venice sabay irap. "MGA GUNGGONG, KUNG ANO-ANO INIISIP NIYO E MAG PAPASUKAN NA KUNG AYON NALANG INAATUPAG NINYO 'NO." Biglang singit na sabi ni Perrie. Feeling ko ay dudugo ang tainga ko sa boses ni Perrie. "Pwede bang hinaan mo ng konti ang boses mo." Nag titimpi kong sabi rito. agad naman itong nag sign na parang zinizipper ang mga labi. "Tama, ayon muna isipin natin dahil ipapasok tayo ng mga parents natin sa Stockholm University. hindi pwedeng paeasy-easy lang tayo dahil alam niyo naman kung gaano kahigpit sa academy na 'yon." Paalala ko sa mga ito. "Umayos kayong tatlo, dahil pangalan ng mga magulang natin ang bitbit natin para makapasok sa paaralan na 'yon." Dagdag ko pa. Nakita ko naman ang mga seryosong mukha ng tatlo bago sumang-ayon ang mga ito. Tago ang unibersidad na iyon pero ito'y sikat sa mayayaman na pamilya, ito rin ay sikat sa mga Royalties sa bawat bansa dahil ito ay nangunguna sa listahan ng mga sikat na International Universities. Nandito halos nang galing at nag tapos ang mga matatalinong tao, mayayaman at makakapangyarihan na businessman at woman sa buong mundo, pati na rin ang mga taong hindi maaabot ng batas o mafias. Kaya ang makapag-tapos sa paaralang ito ay talaga namang dapat lang na ipagmalaki. The Forgotten Savior
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD