Third Person's POV,
Sa isang madilim na pasilyo ay may nagpupulong na mga taong nakarobang itim.
"Nahanap niyo na ba sila?", tanong ng isang babae na nakasuot ng itim na roba at maskara habang nakaupo sa isang gintong upuan na para bang nag sasabing siya ang reyna, pinaglalaruan nito ang isang maliit na espada gamit ang mga daliri lamang nito.
"Patawarin mo kami, Death. ngunit hindi talaga namin sila mahagilap, siguro nga ay wal-", Hindi na naituloy nito ang sasabihin pa ng tumarak sa leeg nito ang espada na kanina lamang ay pinaglalaruan ng nag ngangalang DEATH.
"Wala kayong kwenta, kung gayon ay ako nalang ang mag hahanap sa kanila.", sabi nito sa malamig na tono at iniwan ang malamig na katawan ng lalaking kausap niya lang kanina. ang ibang mga kasamahan nito ay nakayuko at luhod habang nanginginig sa takot.
"Let's play hide and seek, kitty.", bulong nito sa sarili habang naglalakad palayo sa madilim na pasilyo.
Lizzie's POV,
"Tita Fe, sigurado na po ba talaga kayong ipapasok niyo ako sa college kahit na limang taon akong tumigil dahil sa nangyari sa'kin dati?!", Anong school o University ang magpapapasok ng isang student na walang kaalam alam sa course na kukunin niya lalo na sa taong tumigil ng limang taon?! T^T
"Ano ka ba matalino kang bata at ang eskwelahan na sinasabi ko ay pag mamay-ari naman ng iyong mga magulang.", Sabi ni tita Fe kaya napalingon agad ako rito habang nanlalaki ang mga mata.
"Atsaka ang eskwelahan naman na iyon ay hindi bumabase sa edad, halimbawa nalang ay may isang batang dapat ay grade 7 pa lamang pero ang kanyang IQ ay pang college, agad itong ililipat sa kolehiyo. Dahil iyon ang abot ng kaniyang katalinuhan. Kaya anak huwag kang mag alala. matalino ka katulad ng iyong mga magulang.", Mahabang paliwanag ni tita Fe sa akin. Hindi ko alam na may ganoon na eskwelahan at magulang ko pa mismo ang may ari?!
"Tita Fe, gaano ba kayaman ang mga magulang ko? Sino sila? Bakit pa kailangan nilang mag hanap ng bagong pamilya? Dahil ba akala nila ay mamamatay na ako?" Naguguluhan kong tanong kay Tita Fe nakita ko namang nag-iwas ito ng tingin. Bakit ayaw mo akong sagutin tita Fe?
"Akala ko ba ay matalino sila? Bakit hindi nila inisip na may anak na nag aantay sa kanila? buhay pa ako oh.", hindi ko na napigilan ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko alam kung sino at anong klaseng tao ang mga magulang ko, sana hindi nalang ako nabuhay kaysa nagising nga ako ngunit may iba na pala silang pamilya. anong klaseng mga magulang sila.
Pinunasan ko ang mga luha na nag uunahan umagos sa pisngi ko at sinulyapan ko muli si tita Fe, nakita kong naiyak din ito pero iniiwas pa rin nito ang tingin niya sa'kin. kinuyom ko ang mga palad ko at naglakad paakyat sa hagdan para tumungo sa kwarto ko.
"Sana naman sa susunod ay sabihin mo na sa'kin ang totoo tita Fe.", nakatalikod ako rito at nag simula na muling humakbang papunta sa aking kwarto.
Nang marating ko ang kwarto ko ay agad akong pumasok at isinara ito. Napasandal na lamang ako sa pintuan habang pinipigilan pa rin ang mga luhang kanina pa muling gustong lumabas.
"Sana ay bumalik nalang ang mga alaala ko ng hindi na ako mag tanong pa sa iba tungkol sa mga magulang ko.", tumungo ako sa kama at niyakap ang aking mga tuhod.
FLASHBACK
"Liz, let's go bahala ka iiwan kita r'yan.", may nakikita ako na isang imahe ng batang babae. ngunit hindi ko makita ang kaniyang mukha hanggang sa unti-unti siyang nawawala.
"n-no!"
"Irish anak! DOC! DOC!"
may naririnig akong mga boses ng tao... pag mulat ko ng mata ko ay una kong nakita ang puting kisame nasa loob ako ng isang puting kwarto. may mga nakaturok din saking mga bagay, malabo pa ang paningin ko pero may naririnig akong mga taong nag sasalita sa tabi ko.
"who am i?"
"where am i?"
"what is this place."
"why I am here..."
"Iha, naririnig mo ba ako?", tanong ng isang lalaking nakasuot ng puti sa'kin? tumango ako rito at inilikot ang mga mata ko. nanghihina ako hindi ko magalaw ang katawan ko. mamaya ay hinawakan ng lalaking nakaputi ang mata ko at inilawan ito parehas.
"Isa itong himala ma'am dahil nagising pa ang pasyente sa pagkakatulog sa loob ng limang taon!", limang taon? ano ang sinasabi mo.
"S-salamat, Doc.", rinig ko ang mga hikbi ng isang babae. Kulay black ang buhok nito ngunit di ko maaninagan ang kaniyang mukha dahil pakiramdam ko ay gusto pang matulog ng katawan ko.
"Kailangan lang muna ng pasyente ng pahinga para unti-unting bumalik ang kaniyang lakas.", Rinig ko ang patuloy na hikbi ng isang babae hanggang sa mawala na ang ingay sa paligid.
---
Nagising ako sa sinag ng araw at nakita ko ulit siya. ang babae na umiiyak sa tabi ko noon. Nakahiga pa rin ako ngayon sa puting kama na ito at siya naman ay nakangiting nag babalat ng mansanas sa aking tabi. Tumingin ako sa labas ng bintana at nakita ko ang asul na kalangitan. Napaka ganda nitong pag masdan.
"Ito anak, kain ka para bumalik na ang lakas mo.", sabi nito habang inilalapit ang maliit na piraso ng mansanas sa aking bibig. Dahan dahan kong ibinuka ang aking bibig at isinubo niya sa'kin ang prutas. Matamis ito at napaka sarap.
Nginuya ko ito nang dahan-dahan at tsaka tumungo. Nakita ko ang papalapit na kamay nito upang subuan muli ako.
"S-sino ka? Ako, sino ako?", mahina kong tanong habang nakayuko pa rin. nakikita ko ang mga hibla ng mahabang puti kong buhok na nasisinagan ng araw habang ako ay nakayuko.
"Ang pangalan ko ay Marife Santiago, I'm your tita Fe.", napataas naman ang mukha ko at tumingin dito. may katandaan na ito dahil nakikita ko na ang mga puting buhok nito at wrinkles sa mukha.
"T-tita...", mahina kong ani nakita ko naman itong ngumiti. Agad na nag init ang pisngi ko dahil doon. siguro ay dahil na rin nahihiya pa ako rito.
"At ikaw naman si Lizzie Gomez, napaka gandang pangalan bagay na bagay sa iyo.", Ani nito.
"liz...", pamilyar ito sa akin na para bang narinig ko na ito galing sa ibang tao.
"oh siya Ish, kain ka pa nito para sa susunod ay pwede ka na lumabas dahil malakas ka na.", Sabi nito at sinubuan ulit ako ng mansanas.
"D-do I have parents?", tanong ko muli rito nakita ko naman ang pag babago ng reaksiyon ng mukha nito na para bang naiiyak. ibinaba nito ang plato na pinaglalagyan ng mansanas at tumayo.
"B-bibili lang ako ng tubig Ish, antayin mo ako ha.", Sabi nito. Sinundan ko lang ng tingin si Tita Fe hanggang sa makalabas na ito sa pinto.
Siguro ay tatanungin ko na lang siya sa susunod.
Lumipas pa ang mga ilang araw ngunit walang ibang bumibisita sa akin maliban kay Tita Fe at Tito Mart. Asawa siya ni Tita Fe, sabi niya ay kaya wala siya noong mga nakaraang araw ay dahil sa trabaho at nadestino siya sa ibang lugar. May katandaan na rin si Tito Mart. Sa mga araw na iyon ay kahit si Tito Mart ay hindi sinasagot ang tanong ko kahit pangalan lamang ng mga magulang ko ay hindi nila sinasabi. Lagi silang may dahilan at alam kong iniiwasan nila ang tanong na iyon.
"Tita Fe, bakit niyo iniiwasan ang mga tanong ko tungkol sa mga magulang ko? gusto ko lang po malaman bakit hindi nila ako binibisita rito." sabi ko habang pinag lalaruan ang daliri ko.
"A-ah kasi nasa ibang bansa sila at may ibang pamilya...", Nagdadalawang-isip na sagot ni tita Fe. Hindi ko alam kung bakit parang ayaw maniwala ng puso ko sa sinabi ni Tita Fe pero bakit hindi ako maniniwala? siya ang nag-alaga sa'kin dito sa loob ng limang taon.
"A-ah g-ganon po ba.", nakatungo kong sagot.
"Gusto ko po munang mag pahinga Tita Fe, kayo rin po mag pahinga muna kayo.", Sabi ko atsaka ako tumalikod ng higa kay tita Fe.
"S-sige Ish anak.", dali-daling tumulo ang mga luha ko nang marinig ko ang salitang iyon. anak
Kung totoo talaga ang sinasabi ni Tita Fe ay matagal na nila dapat 'to sinabi pero paano kung hindi talaga nila ito sinasabi sakin dahil ayaw nila akong masaktan?
Narinig ko ang pag bukas at pag-sara ng pinto. Ibig sabihin ay nakaalis na si Tita Fe. Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa makatulog ako.
End of Flashback
---
Salamat tita Fe... pero siguro ako nalang ang hahanap ng kasagutan sa mga tanong ko.
The Forgotten Savior