NAPAINOM AKO NG tubig at halos mabasag ang baso nang ibaba ko ito sa kitchen bar matapos kong uminom. Taas-baba ang dibdib ko at hindi ko mapigilan na panginigan ng kamay dahil sa nangyari. God. Why did she tell that to him? Hindi niya dapat malaman. Ayokong magkaroon siya ng dahilan para lapitan muli ako o ’di kaya ay si Aallotar. Huminga ako nang malalim at seryoso ang mukha na lumabas ako ng kusina. Umakyat ako sa taas at tinungo ko ang kwarto namin. Nakita si Aallotar na hawak ang cellphone ko kaya agad akong lumapit sa kanya at inagaw ito na kinagulat niya. “Ito ba? Ito ba ang ginamit mo para tawagan siya? Kailan ka pa natutong gumamit nito? At bakit ba napakatigas ng ulo mo?!” “I want to know him more, Gracy. He’s my father.” “He’s not your father, okay?! He’s not!” Tumulo a

