“JOHN, KUMUSTA ANG paghahagilap mo?” Niluwagan niya ang kurbata niyang suot at inilapag niya ang attaché case na hawak niya. May kinuha siya roon at nilabas ang ilang papel na naka-stapler. “Wala siya sa ibang bansa, dito lang siya nagtatago.” Napakuyom ang kamay ko sa sinabi niya. Pero pinakalma ko ang sarili ko. “Saan siya nagtatago kung gano’n?” “Here.” Napatingin ako sa papel na inabot niya kaya kinuha ko iyon. “D’yan nakasaad ang address niya.” “Sigurado ka ba rito?” “Oo.” Anong ginagawa nito doon? “Oh, kape mo, dude.” Agad kong naibilot ang papel at tumingin ako kay Atreo na sumingit na naman. Kanina pa siya. Nand’yan na dito pa talaga sila naglaro ni Aallotar at napakalakas ng tawa niya kaya halos ma-distract si John sa pag-uusap namin. Napataas ang kilay ko nang maupo si

