HINAHALUGHOG KO NA ang closet ko ngunit hindi ko makita ang tinago ko sa box. Napaisip ako at lumipat sa jewelry drawer at tiningnan ko kung doon ko ba nailagay, ngunit wala roon. Inipit ko ang tikas ng buhok ko sa tainga ko at nakapamaywang ako habang iniisip kung saan ko nga ba nailagay ang folder? Napabuntonghininga ako at napakagat ng labi. Kinakabahan ako. Hindi kaya ay nakita niya o nakuha niya? Umiling ako. Hindi. Hindi siguro niya nakita. Binuksan ko pa ang isang closet at hinawi ko ang mga dress ko na naka-hanger. “Ito ba ang hinahanap mo?” Agad akong napahinto sa paghalungkat sa closet ko at napalingon ako sa pinto. Muntik na akong ma-out of balance nang makita ko ang hawak niya. Ngumisi siya na lumakad palapit sa akin habang tinitingnan ako. Napalunok ako at napakapit

