ATREO’S P.O.V. PAKIRAMDAM KO AY napakalas ng pwersa na nakapalibot sa paligid ko. Inaamin ko na kumakabog ang dibdib ko, pero nilakasan ko ang loob ko habang pinapakiramdaman ang mga Esteban. Si Sir James, Gab at Jam Esteban ang nasa harap ko. Siguro ay napanood nila ang nangyari kagabi sa premiere night ng movie ni Grace. Kaya umagang-umaga ay agad silang napasugod dito. “Anong intensyon mo ngayon sa kapatid namin, Alvarez?” Tumingin ako kay Jam na nakatingin sa akin nang seryoso habang nakadekwarto at nakahalukipkip na nakaupo sa sofa. “Wala akong intensyon na masama kay Grace. Gusto ko lang na makasama siya at ang anak namin, at mabuo ang pamilya namin.” Napahalakhak ang kambal at tila ba isang biro ang sinabi ko. “C’mon, hindi lang sinasabi iyon, ginagawa iyon. Baka kapag hinay

