KABANATA 2

3496 Words
DINALA AKO NI Aling Consuelo sa two-storey nipa house. Nasa isang private beach resort ito sa La Carlota na pagmamay-ari ni Atreo. “Hija, suotin mo muna ito at baka lamigin ka. Matagal ka pa namang nababad sa tubig.” “Salamat po.” Inabot ko ang isang bestidang bulaklakin na madalas ay paboritong kong suotin. Tumingin ako sa loob ng kubo. Malinis ito dahil masyadong masipag si Aling Consuelo. Hindi man karamihan ang gamit pero masasabi ko na maganda ang bahay nila Aling Consuelo at ang asawa nitong si Mang Feliciano na isang mangingisda. Malamig din sa loob ng kubo dahil gawa sa kahoy ang buong kabahayan tapos ay sa tabi pa ng dagat nakapwesto. Pumasok ako sa banyo upang magpalit ng damit. Nakakatuwa talaga ang de-slide na pinto nila sa banyo pero gawa rin sa kawayan. Tiningnan ko ang bestida ko ngunit napagtanto ko na wala nga pala akong underwear kaya binuksan ko nang kaunti ang pinto. “Aling Consuelo! Aling Consuelo!” Narinig ko ang pag-akyat nito. May dala siyang tuwalya. “Bakit?” “Aling Consuelo, wala na po pala akong isusuot na underwear na tuyo.” “Sige, kukunin ko ang panty mong basa pa at nang mai-dryer sa rest house. Ibigay mo rin sa akin ’yang panty mong suot nang malabhan ko muna at maisama sa papatuyuin ko.” “Gano’n po ba, sige po, salamat po.” Sinara ko na ang pinto at inayos ang pagkakatali ng bestida. Nakakailang, bakat sa tela ang katawan ko, pero si Aling Consuelo lang naman ang kasama ko kaya ayos na iyon. Lumabas ako ng banyo at binigay kay Aling consuelo ang basa kong damit. Inabot niya ang tuwalya kaya tinapis ko iyon sa akin para kahit paano ay matakpan ang bakat kong katawan. “Maiwan muna kita, hija. Dumito ka muna at ’wag lalabas. Ayaw ni General na makitang palisaw-lisaw ka sa beach resort niya kapag nagpaplano siya ng operation.” Tumango ako rito at pinanood na lumabas ito ng kubo. Napahinga ako nang malalim at naupo sa isang matigas na higaan. Sabi ni Aling Consuelo sa akin nang magising ako mula sa aking pagkakatulog nang matagal, halos seven years at half month daw akong comatose. Himala nga raw at nagising ako sa pagkaka-coma ko. Sabi niya rin, si Atreo daw ang sumagot sa life support ko at si Aling Consuelo ang nag-alaga sa akin habang coma ako. Kaya naisip ko na sobrang laki ang pagpapasalamat ko at utang na loob sa kanila. Tumayo ako at naglakad-lakad. Lumapit ako sa bintanang nakataas lang habang may tukod na kahoy. Pumangalumbaba ako at dinama ang sarap ng simoy ng hangin. Kitang-kita rito ang mabuhanging lupa at isang rest house. Napanganga ako nang makita ko ang mga lalakeng naglalakihan ang katawan habang nakasuot lamang ng pantalon ng army. Sila ang Vipers na tauhan ni Atreo. Ang gaganda ng katawan nila at may packs of abs. Banat na banat ang katawan sa gym. Nagwa-warm up sila na palagi nilang nakakaugalian. Napaayos ako ng tayo nang makita ko si Atreo Ripler Alvarez. Nakasuot siya ng black army pants habang naka-black sando kung kaya ay kitang-kita ang mabato niyang biceps at triceps. Nakatali rin ang buhok niyang may kahabaan na mas nagpagwapo sa kanya. “Escueta, one thousand push ups. Ferer, five hundred sit ups.” Pinanood ko kung paano siya mag-commmand sa tila mga tauhan niya. Seryoso lamang ang kanyang mukha habang pinapanood ang pagwa-warm up ng mga ito. Nakita ko si Aling Consuelo na dumaan sa kanila. Nakita ko rin ang pagtawag ni Atreo rito at tila may tinatanong ito kay Aling Consuelo. Nang ambang mapapatingin sila sa kubo ay agad akong nagtago. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan kapag nahuhuli niya akong nakatingin. Umiling-iling ako at napakagat ng labi. Napahinga ako nang malalim at nilibang na lang ang aking sarili sa pagtingin sa mga display sa bahay ni Aling Consuelo. Hinawakan ko ang kurtina sa pinto na yari sa sea shell na may mga beads pa na ang pinakatali ay nylon. Hinawi ko ito at bumaba ako sa hagdang gawa rin sa kawayan. Nakita ko ang pinakakusina ng bahay at malapit lang din sa sala. Simple pero maaliwalas. Mahilig si Aling Consuelo sa paged-design. Halos puro gawa sa sea shell ang mga design ng bahay niya, at masasabi ko na maganda talaga. Napatango ako habang sinusuyod ko ng tingin ang buong kabahayaan. Naisipan kong lumabas ng bahay kahit nakayapak lang ako. Tinahak ko ang daan kung saan nag-eehersisyo ang grupo ni Atreo. May nakita akong malaki at mahabang makinis na kahoy na pormang upuan. Naupo ako roon at pinanood sila kung paano mag-warm up. Napatingin sa akin ang ilan hanggang lahat na ay nakatingin sa akin. Napaayos ako ng upo nang makita kong tumingin rin siya. Lumakas ang t***k ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan. “Focus, Vipers!” Agad na umiwas sa akin ng tingin ang Vipers dahil sa maawtoridad na suway ni Atreo. Bakit ganoon, kahit galit siya ay napakalakas pa rin ng impact niya sa akin? Ang pag-igting ng panga niya, ang pamumula ng mukha niya, at pati ang pagsalubong ng kilay niya ay napaka-sexy ng dating para sa akin. My god. My crush na yata ako sa kanya. Love na ba ito? “Hija, bakit ka nand’yan?” Napatingin ako kay Aling Consuelo na hindi ko namalayan na narito na pala sa gilid ko. Dala niya ang mga damit ko na pinatuyo. “Nainip ho ako sa loob kaya lumabas ako, Aling Consuelo.” “Gano’n ba. Halika sa loob, natuyo agad itong underwear mo nang isalang ko sa dryer. Isuot mo ito at nang makomportable ka sa suot mo,” sabi pa niya. “Naku, salamat po.” Kinuha ko ang underwear ko na nilagay pa ni Aling consuelo sa plastick. Nauna siyang naglakad kaya sumunod ako. “Oo nga pala, hija, wala ka pa bang naaalala? Hindi pa ba nakaka-recover nang paunti-unti ang alaala mo?” “Hindi pa nga ho. Tuloy, parang nakakabaliw pong isipin kung sino nga po ba ako talaga? Grace lang po ang alam kong pangalan ko.” Kita ko na hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. “Napakahirap ng sitwasyon mo. Natagpuan ka kasi ni General sa dagat na bumagsak kung saan. Iyon lang ang alam niya.” Naupo siya kaya naupo na rin ako. “Baka po sakay ako ng eroplano or chopper.” “Baka nga, hija. Pero hindi tayo sigurado.” Napatango ako dahil sa sinabi nya. Paano ko kaya malalaman ang nangyari sa akin? O kung may pamilya pa ba ako? “Kung gusto mo ay tatanungin ko si General kung nakahanap na ba siya ng lead tungkol sa pagkatao mo . . .” Para namang nag-init ang pisngi ko sa sinabi ni Aling Consuelo, pero hindi ko pinahalata rito. “Nakakahiya po. Hindi po kaya isipin niyang inaabuso ko na siya?” sabi ko at napahawak sa dulo ng bestidang suot ko. “Hindi ’yon, hija. Hindi naman siguro ganoon ang iisipin ni General . . . Mano, mamaya ay matanong ko siya. Hindi pwedeng istorbohin ngayon ito dahil kapag may seryoso siyang gagawin, lalo’t konektado sa trabaho niya ay nagagalit siya. Mamaya na lang natin siya gambalain.” Tumango ako dahil tama siya. Seryoso nga sa ginagawa si Atreo at sa pagte-training sa mga tauhan niya, kung kaya nagalit siya no’ng mawala ang pokus ng tauhan niya nang mapatingin ang mga ito sa akin. “Aling Consuelo, ilang taon na po ba si Atreo?” Nabitin ang pagtayo niya nang magtanong ako. Nakita ko na naniningkit ang mata niya sa akin pero hindi ko pinahalata na interesado ako. “Bakit nais mong malaman?” “Syempre po, baka matanda na po siya sa akin kaya dapat na malaman ko po kung igagalang ko po ba siya sa salita o hindi. At isa pa po sa dahilan ay gusto ko ho mahulaan kung sa anong mga edad na po ako.” Napatango si Aling Consuelo na tila nawala ang pagdududa niyang tingin. Tumayo siya at lumapit sa isang estante. “Trenta anyos na ang General.” Trenta. So it means na nasa bente anyos mahigit na siguro ako. At ibig sabihin din, para ko na rin siyang kuya. “Bakit nga po pala general ang tawag n’yo sa kanya imbes na Atreo? Mas matanda naman po kayo sa kanya.” “Nakasanayan ko na iyon lalo’t siya rin ang amo ko. At isa rin siyang heneral ng army mula sa ibang bansa kaya nababagay na iyon ang itawag ko sa kanya.” Oo nga, general ito kaya gano’n na lang ang tindig niya. Sundalong-sundalo kung kumilos. At ang katawan niya ay nakakatuyo ng laway at dugo. “Matanong ko lang po, paano po kayo nagsimulang maging katiwala ni Atreo?” Lumapit siya sa akin at nakita ko na may hawak siyang pamusod sa buhok. Pinatalikod niya ako sa kanya na sinunod ko naman. “Bago pa mabili ni General itong isla, nakatira na kami ni Feliciano rito. Hindi pa siya general noon nang bilhin niya ito at doon ko lamang siya unang nakilala. Binili lang niya ang lupaing ito dahil nais niya na malayo sa siyudad at para na rin magkaroon ng training area para sa trabaho niya. Hindi rin naman palakwento ang General, kaya limitado lang din ang alam ko sa kanya.” Napatango ako habang sarap na sarap sa pagtitirintas niya sa buhok ko. “Alam mo, pangarap ko ang ganito, ang magkaroon ng anak na babae na maaayusan ko.” “Talaga po? Wala po kayong naging anak ni Mang Feliciano?” tanong ko. “Hindi kami biniyayaan ng anak dahil matanda na kami nang kami ay magkatuluyan . . .pero okay lang iyon, masaya naman kami basta’t magkasama . . . Ayan! Ayos na,” aniya. Nang maayos na niya ang buhok ko ay humarap ako sa kanya. “Gusto n’yo po, ako na lang ang anak n’yo?” Nakita ko na nagliwanag ang mukha niya at napangiti siya kaya napangiti rin ako. “Napakabait mo naman, hija. Napakaganda mo pa.” “Hindi naman po masyado.” Inipit ko pa kunwari ang buhok ko na tila nahihiya na ikinatawa naman niya. “Maganda ka nga, hija. Para kang may lahing banyaga.” “Talaga po?” Tumango siya. “Baka banyaga ang parents mo at may lahi rin na Pilipino. Kulay blue kasi ang mga mata mo . . .” aniya at napangiti. “Nakakatuwang titigan ang mga mata mo. Tapos ang tangos ng ilong mo at ganda ng hugis ng iyong mukha.” “Masyado n’yo naman po yata akong binobola, Aling Consuelo. Pumayag po ako na maging anak-anakan n’yo pero hindi ibig sabihin no’n ay mabobola n’yo na ako.” Natawa siya kaya natawa na rin ako. Masarap kausap si Aling Consuelo. Ramdam ko na hindi siya ’yong tipo ng tao na paplastikin lang ako. Tumayo na kami dahil dadalhin lang daw niya ang damit sa damitan nila ni Mang Feliciano. Ako naman ay nagtungo sa banyo para isuot ang panloob ko. Tinali ko pa ang dulo ng bestida para maging fit sa akin. “Hija, pupunta ako sa rest house para magluto. Kaya mo bang mag-isa muna saglit dito?” Bigla naman ay napalabas ako ng banyo sa sinabi niya. May dala na siyang basket. “Sama po ako.” “Sigurado ka? Kukuha pa kasi ako ng gulay sa taniman.” Lalo naman akong na-excite kaya tumango ako na ikinangiti niya. Pinasuot niya sa akin ang extrang tsinelas. Malaki sa akin pero ayos lang. Lumabas kami ng bahay. Kinabahan pa ako dahil madadaanan namin ang grupo nila Atreo. Humawak ako sa braso ni Aling Consuelo na kinatingin niya pero ngumiti lang ako. Ngumiti na lang din siya bago muling tumingin sa daan. Tumingin ako kina Atreo at napatingin din sila sa amin nang dumaan kami, maging siya. “Hi po!” bati ko sa kanila. Agad namang napaubo ang mga ito na kinataka ko habang si Atreo ay seryoso lang ang mukha. “General, isasama ko lang ho siya sa pagluluto. Tsaka itatanong ko lang ho kung nakahanap na po kayo ng lead sa pagkakakilanlan ni Grace?” “Wala pa. Bakit Aling Consuelo, naiinip na ba ’yan? Kaya gusto nang tumawid ng dagat para umalis nang wala man lang pasabi.” Ang swabe ng boses kahit napakasungit. Nakakahalina. “Hindi naman ho sa gano’n ang nais niya, General. Gusto lang niyang malaman kung sino po ba talaga siya. Naiintindihan ko naman po siya dahil mahirap sa sitwasyon niya na mawalan ng alaala.” Tumingin sa akin si Atreo kaya lihim na napalunok ako dahil nakakangatog ng tuhod ang tingin niya na hindi ko mabasa. “Okay, pero sa susunod na gawin niya ang ginawa niyang pagsuong sa dagat, hindi ko na siya ililigtas pa. Maghintay siya kung kailan ako makakahanap. Kung naiinip na siya, bahala siya sa buhay niya.” Napakasakit naman niyang magsalita. Tsaka bakit ayaw pa niyang iDirekta sa akin, nagpapasaring pa siya na akala mo ay hindi ako kaharap. Napatikhim si Aling Consuelo at tila siya ay nanlalambot sa kasungitan ni Atreo. “Sige ho, General. Pagpasensyahan n’yo na ho ang batang ito.” Tumango lang ito at umiwas na ng tingin. Kung hindi lang siya gwapo, naku! Agad na akong inaya ni Aling Consuelo kaya sumunod ako. Sa isang two-storey rest house na halos puting-puti ang mga pintura kami pumunta. Maganda siya at malaki rin. May mga kagamitan na mga brand new appliances. “Ayos ka lang ba, hija? Pasensya na at tila mainit lang ang ulo ni General.” Tumingin ako kay Aling Consuelo na nilapag ang basket sa kitchen bar. Tumingin din ako sa kusina. Masyadong malungkot ang bahay na ito. Ang sungit kasi ng nakatira. “Ayos lang ho, Aling Consuelo. Ang mahalaga ho ay hindi pa rin niya ako pinapalayas at patuloy pa rin siya sa pagligtas sa akin. Kaya balewala lang po ang pagsusungit niya.” Naupo ako sa high chair habang tinitingnan siya na may kinuhang matatalas na guting. Ngumiti siya sa akin at inabot ang isang guting. “Ang mabuti pa ay pumitas na tayo ng gulay bago dumilim at nang makapagluto na ako. Tiyak na kakain na sila General kapag natapos sila sa ginagawa nila.” Tumango ako at na-excite na bumaba ng high chair. Ngayon ko lang mae-experience ang mamitas, dahil mula nang magising ako ay palagi lang akong nakahiga sa bahay ni Aling Consuelo para magpagaling pa at sanayin ang sarili ko na galawin ang mga katawan ko upang magising. Lumabas muli kami at dumaan muli sa grupo nila Atreo. Nakaupo siya ngayon sa isang sun-lounger habang pinapanood ang mga tauhan niya. Napatingin siya sa akin kaya ngumiti ako. Iniwas niya ang tingin kaya napanguso naman ako. Suplado talaga! Hmp! Napatingin ako kay Aling Consuelo na nauuna sa akin. Nagmadali ako sa pagsunod sa kanya dahil napabagal pala ang paglalakad ko nang tumingin ako kay Atreo. Sa likod ng bahay ni Aling Consuelo ay nilakad namin ang daan na may mga harang na kawayan bilang pagbabahagi rito. Sinuong namin ang mahabang daan na puno ng halaman ang makikita. Habang tinatahak namin iyon ay nakita ko na ang mga tanim na iba’t ibang klase ng vegetable. “Wow. Ang daming vegetable, Aling Consuelo.” Natawa si Aling Consuelo sa reaksyon ko. Nilapag niya ang dalang basket sa lupa. “Marami talaga dahil ito at ito lang din ang parati naming kinakain ni Feliciano . . . Ilagay mo rito ang makukuha mong gulay.” “Kaya pala po puro gulay ang nakakain ko mula nang magising ako,” sabi ko na ikinatawa niya. “Ikaw talaga.” Napailing siya habang napapangiti. Napangiti rin ako at napatingin sa mga gulay. “Paano po ba malalaman kung alin ang dapat kong kunin?” tanong ko. Lumapit ako sa kanya nang magpunta siya sa taniman ng egg plant. “Kapag ganitong makinis, katamtaman ang laki, at walang anumang kagat ng hayop ay pwede mong kunin.” Napatango ako sa mga tinuturo niya. Maging sa iba pang vegetable. Nang matandaan ko lahat kung paano ay nagpunta ako sa parte ng tomato. Ganadong-ganado ako sa pagkuha kaya hindi ko namalayan na napadami pala ang kuha ko. Natawa na lang si Aling Consuelo. “Aling Consuelo, ano pong tawag dito?” Ngayon ko lang kasi nakita itong mahaba at matabang gulay. Maputlang berde siya na makinis. “Ah, ’yan ba . . . upo yan! Hija, ’wag kang masyadong lumayo at baka mapano ka!” hiyaw pa niya. Hindi ko naman alam kung pwede na ba itong pitasin kaya nilagpasan ko na lang. Nakita ko ang taniman ng mga orange kaya tila nangislap ang mga mata ko. Naglakad ako patungo doon at napangiti nang maluwag. “Aling Consuelo, meron palang puno ng orange dito.” Tumingin ako sa likod ko at napatingin pa ako sa paligid dahil biglang nawala si Aling Consuelo. Nasaan ako? Sinubukan kong lakarin ang dinaraanan ko kanina pero bakit parang iba naman ito. Patungo na yata ako sa gubat. “Aling Consuelo! Nasaan po kayo? Ouch!” napaupo ako nang maapakan ko ang madulas na bato. Napahawak ako sa pang-upo ko dahil masakit ang pagkakabagsak ko. Tatayo na sana ako nang mapatingin ako sa mahabang bagay na unti-unting gumagapang palapit sa akin. Namutla ako at hindi makagalaw nang mapagtanto ko kung ano iyon. Ahas! “A-Aling consuelo! Tulong! Tulungan n’yo ako!” Napaiyak ako dahil sa sobrang takot lalo pa’t hayan na ang ahas. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko dahil baka mamaya ay sugurin ako nito. Napapikit ako nang gumapang ito sa paa ko pero nakarinig ako ng putok ng baril kaya napaigtad ako. “Tsk.” Agad akong napadilat nang marinig ko ang asik na iyon. Napatingin ako sa paligid at nakita ko si Atreo na may hawak na baril. Bumaling ako sa ahas at nakahinga ako nang maluwag dahil patay na ito. Agad akong tumayo at pinagpag ang kamay pati ang pang-upo ko. “Salamat.” Ngumiti ako sa kanya. “Sa susunod ’wag kang lalayo kung hindi mo kaya protektahan ang sarili mo. Pinag-aalala mo pa si Aling Consuelo.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumalikod na siya kaya napasimangot ako. Ang sungit talaga niya. Agad akong sumunod sa kanya. “Paano mo ako nahanap?” tanong ko habang nakasunod sa kanya. Hindi niya ako sinagot kaya lalo akong napanguso. Napatingin ako sa likod niya na medyo kita ang tattoo sa suot niyang black sando. Kita ko nang malapitan ang guhit sa katawan niya na alam mong matigas kapag hinawakan. “Juskong bata ka! Saan ka ba nagsusuot?” Napatingin ako kay Aling Consuelo na agad lumapit sa akin nang makabalik kami. “Salamat ho, General. Pasensya na sa istorbo.” Hinawakan ni Atreo sa balikat si Aling Consuelo at sinabing ayos lang. Tumingin siya sa akin bago siya tumalikod. “Aling Consuelo, muntik na akong makagat ng ahas, mabuti na lang po at dumating siya.” “Sabi ko kasi sa ’yo, ’wag kang lalayo. Kagubatan na kasi ang kasunod at tiyak na may mga ahas na ligaw d’yan,” sermon niya ngunit puno ng pag-aalala. “Pasensya na po. May nakita ho kasi akong orange tree.” “Dapat sinabi mo at ako na ang kumuha. Sa susunod, ’wag kang lalayo dahil delikado.” Tumango ako sa bilin niya at naglakad na kami patungo sa basket. Tinulungan ko siya sa pagbuhat ng napunong basket. Nilakad muli namin ang daan pabalik. Padaan namin kung saan nagwa-warm up sina Atreo at hindi ko na siya nakita roon. Hindi ko na pinansin ang mga tauhan niya at sumabay ako kay Aling Consuelo patungo sa rest house. Pagpasok namin ay nabigla pa ako dahil nandito pala sa loob si Atreo. Nakaupo sa sofa habang nakasandal ang ulo. Nakapikit siya kung kaya malaya kong napagmasdan ang mukha niya. Nang mapapadilat na siya ay umiwas ako ng tingin. “Aling Consuelo, gusto ko ng adobong manok n’yo,” sabi niya. Napahinto si Aling Consuelo nang magsalita si Atreo kaya napahinto rin ako at napatingin dito. Tumingin siya sa akin at nagkatitigan kami nang malalim. “Oh sige, General. Ipagluluto kita.” Umiwas ako ng tingin dahil baka makahalata si Aling Consuelo. Tumingin pa ako nang isang beses sa kanya pero hindi na siya nakatingin. Pagdating sa kusina ay napailing ako. Nababaliw na talaga ako. Shocks! May gusto talaga ako sa kanya. Ang gwapo niya kasi talaga, tapos mas lalo pa akong humanga nang iligtas niya muli ako. “Hija, pakikuha mo nga ’yong manok d’yan sa ref.” Nakapangalumbaba ako habang napangiti na ini-imagine ang gwapo niyang mukha. “Aling Consuelo, may girlfriend na po ba si Atreo?” “Bakit mo naman natanong?” bakas sa boses ni Aling Consuelo ang pagdududa. “’Wag mong sabihin na may pagtingin ka sa General? Naku, bata ka pa.” “Hindi po. Kasi ’di ba po nasa right age na siya. Baka po may girlfriend na siya.” Naniningkit ang mga mata ni Aling Consuelo habang nakatingin sa akin, pero napahinga siya nang malalim at sinagot din naman ako. “Hindi ko pa siya nakikitang nagdala ng babae rito. Hindi ko lang alam kung may nobya o asawa na siya.” Baka wala pa. Pero sa gwapo niyang iyon ay imposible naman na hindi siya nagkaroon ng nobya. Argh! Nakakainis naman kung gano’n. Nakakawalang gana tuloy. Paano kung may nobya na nga siya? Tumingin ako sa ref para hanapin ang manok. Tiningnan ko sa ibaba pero wala doon. Tumingin din ako sa itaas at nakita ko na nandoon ang frozen chicken kasama ng ilang frozen food. Kinuha ko iyon at humarap ako para ibigay agad kay Aling Consuelo dahil ang lamig, pero nagulat pa ako nang mabunggo ako sa matigas na katawan. Napaangat ako ng tingin at nakita ko ang pagkibot ng labi ni Atreo. May kinuha siya sa gilid ko at napasinghap ako nang hawakan niya ako sa likod palapit sa kanya. Napatingin ako sa kanya na seryoso lang ang mukha. “Aksaya sa kuryente,” aniya at doon ko lang napagtanto na sinara niya ang refrigerator kaya niya ako hinatak palapit sa kanya. Binitiwan niya ako at umalis na siya sa harap ko habang bitbit ang maliit na bote ng mineral water. Napakurap pa ako at napalunok dahil natulala ako roon. Ramdam ko ang lakas ng t***k ng puso ko nang masinghot ko ang napakabangong panlalake niyang amoy. “Hija, anong nangyari sa ’yo? Tsaka bakit mo niyakap ’yang manok? Nabasa ka tuloy.” Napatingin ako sa manok na kinuha ko at yakap-yakap ko nga ito na kinainit ng mukha ko. God. Nakakahiya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD