KABANATA 1

2355 Words
"GOOD JOB, MODELS. And also to you, Grace." Ngumiti ako kay Direk, ang photographer ng Lux Calisse Model Agency. Naupo ako sa high chair sa harap ng malaking salamin at napangiti kay Won nang lagyan niya ng balabal ang balikat ko. "Thanks, Won," pagpapasalamat ko at kinuha ang bag ko para kunin ang phone. "Grace, may gagawin ka ba today?" "Meron. Nag-aaya kasi si Daddy na magbakasyon daw kami sa Palawan." Nasaan ba iyon? Tsk. Palagi na lang nawawala ang phone ko. Bibili na naman ba ako? "Gano'n ba . . ." Hindi ko na pinansin si Won dahil busy ako sa paghahanap. "Hey, Won, may tawag ka!" dinig ko ang masakit sa taingang boses ni Benny, ang gay stylist. "Wait lang, Grace." Tinanguan ko lang siya at napangiti ako nang makita ko na ang phone ko. Ang kalat kasi ng bag ko, hindi inayos ni Daddy. Agad kong tinext si Dad na tapos na ako. Ayaw pa naman no'n na hindi ako nagte-text kapag susunduin. Nakakatakot kapag pinairal no'n ang pagiging protective father. Nang ma-text ko na si Dad ay tumingin ako sa salamin at inayos ang buhok ko. Napatingin ako kay Won na madilim ang mukha at tila lutang na naupo muli sa tabi ko. Siya ang naging kaibigan ko simula nang magsimula akong mag-model sa agency na ito. Siya ang unang nag-approuch sa akin at gumabay kung paano ako magsisimula. Tinutukso nga ako ng mga kapwa model ko dahil tingin nila ay may gusto raw sa akin si Won, but for me, wala lang iyon. "Anong problema mo, Won?" tanong ko sa kanya. Napahinga siya nang malalim at napahilot sa sentido. "My brother is now here." "Oh, edi mabuti. Siya ba 'yong general ng army sa ibang bansa na kinukwento mo?" Tumango siya at napahawak sa kamay niya habang nakakuyom na minamasahe iyon. "Oo, siya nga. Sana nga hindi na siya umuwi. Tiyak na puro kaguluhan lang ang hatid niya." "Grabe ka naman sa kapatid mo. Malay mo naman kaya siya narito ay dahil gusto niyang makatulong sa gulo ng Pilipinas ngayon." "Hindi makikisali sa gulo ng Pilipinas 'yon. May sarili siyang army sa Amerika na dadalhin dito. Sabi ay may kumuha sa kanilang private agency na pagagalawin para mas mabilis matugis ang mga kriminal sa bansa." Pinatong ko ang siko ko sa hita ko at pinatong ko naman ang baba ko sa likod ng palad ko. Tiningnan ko siya nang maigi at kita ko ang galit niya. "Mukhang matindi ang galit mo sa kanya? 'Di ba eldest brother mo siya?" "Half brother ko lang siya. Ang ina niya ay may lahing Griyego at ang ama niya ay ama ko rin. May dahilan kaya matindi ang galit ko sa kanya. Lahat na lang din kasi ng sa akin ay kinukuha niya. Pati nga ang dati kong kasintahan hindi niya pinalagpas." Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko akalain na may ganito pala siyang dinadalang sama ng loob. May nag-pop up sa phone ko kaya kinuha ko ulit ito sa loob ng bag ko. Nakita ko na si Dad ang nag-text at sinabing nasa labas na sila ng building. "Ah, Won, mauna na ako sa 'yo. Till next time." "Hatid na kita sa labas." Agad ko siyang inilingan sa nais niya. "'Wag na. I'm okay." Umalis na ako sa pagkakaupo ko sa high chair at bitbit ang hand bag ko na itim na naglakad palabas ng studio. Malaki rin ang studio na ito at sikat din sa mga artista at media. Minsan na akong na-feature sa isang show at nais nga nila akong kuning artista pero hindi ko tinanggap dahil ayaw ni Dad. Sa pagmo-model nga ay ayaw pa niya, kung hindi ko lang nilambing ay baka wala ako ngayon dito. Paglabas ko ay nakita ko na ang itim na Porsche ni Daddy kaya napangiti ako na lumapit. Binuksan ko ang pinto sa backseat at sumakay. "Hi, Mom." Bumeso ako kay Mommy na nasa front seat at saka ako bumaling kay Dad. "Hi, Dad." Bumeso rin ako rito. "Are you done to your photoshoot?" "Yes, Dad. Pero dapat may isa pa sa beach resort pero hindi ko na tinanggap dahil sabi n'yo po ay aalis tayo. Bakit n'yo nga po pala ako sinama ni Mommy?" "Magbabakasyon tayo. Hindi ka naman namin pwedeng iwanan dahil delikado." "Ginagawa n'yo akong bata, Dad. Dalaga na kaya ako." Ngumuso ako nang humalakhak silang dalawa. "Yes, you are. Kaya nga hindi kita pwedeng pabayaan." "Kaya pala pati manliligaw ko, tinatakot n'yo? Dad naman, eh, paano ako magkaka-boyfriend n'yan?" Napapreno si Dad sa sinabi ko kaya napakagat ako ng labi. Tumingin siya sa akin nang may pagbabanta. "Fifteen years old ka pa lang, baby. Hindi pwede ang boyfriend-boyfriend. At kung sino man ang lalakeng iibigin mo ay dapat na dumaan muna sa akin at sa mga kuya mo, maliwanag?" Humalukipkip na lang ako at napasimangot. Tawang-tawa lang si Mommy at hindi talaga niya ako ipagtatanggol dahil pabor siya sa nais ni Dad. God. Hindi ko alam kung anong taon ako pwedeng magka-boyfriend. Inaasar tuloy ako ng mga ka co-model ko na dalagang Filipina raw ako. Kapag nag-uusap sila about boys, hindi ako maka-relate. Kinuha ko na lang ang phone ko para malibang. Nag-text si Zylene at Alisson. Ang dalawang b***h friend ko from my all girls school na pinapasukan ko dati. Una kong binuksan ay 'yong kay Zylene. Hey! Bitches, want to go bar? Dami daw gwapo ngayon. Sunod naman ay kay Alisson. God. Bitches! May naka-one night stand ako. Yummy siya. Gusto niya na ma-meet din kayo. Sa kanila ko natutunan kung paano makipag-flirt, kaso hindi ko naman magawa nang actual dahil palaging nand'yan si Daddy para ihatid-sundo ako. Kaya silang dalawa na lang parati ang nakakalabas at nakakapag-bar. Can't go with you two, bitches. I'm going somewhere with my parents. Sorry. :( "Here we are." Napatingin ako sa labas nang sabihin ni Dad iyon. Narito kami sa isang paliparan. Sinilid ko na sa bag ko ang phone ko. Agad kaming pinagbuksan ng tauhan ni Dad na nauna pala rito. Bumaba ako ng kotse at tumingin sa paligid. Maraming eroplano at chopper na naka-park. May isa na chopper na buhay na kaya malakas ang hangin na tumatama sa amin. Mabuti na lang at naka-black shorts ako. Ang top ko naman ay spaghetti strap with white leather jacket. Sa pang-yapak ay naka-groove mallory black ankle boots ako. Buti na lang at hindi ko naisipang mag-skirt, kundi ay mahihirapan pa ako. Agad kaming inalalayan ni Mommy upang sumakay sa chopper. Nauna kami ni Mommy dahil may sinabi pa si Dad sa mga tauhan niya. "Mom, hindi po ba kasama ang mga bodyguard ni Daddy?" "Hindi, anak. Sabi ng Dad mo, magbabakasyon na rin tayo sa Palawan habang nandoon tayo. Kaya naman daw niya tayong protektahan kung sakaling magkaaberya." Napatango ako at tumingin sa loob ng chopper. Napangiti ako na kinuha ang earphone set para sa tainga ko. "Mom, bagay ba? Pwede na ba akong maging piloto?" Natawa siya sa tanong ko at tumango kaya napangiti ako. "Gusto mo bang maging flight attendant?" "Hindi po. I want to be a star. A shining star. But Dad will never let me to be a celebrity." "Grace, hindi ka naman pinipigilan ng Dad mo. Gusto lang niya na 'wag kang masyadong ma-expose sa media. Alam mo naman na maraming nakaabang na panganib sa pamilya natin kaya sa pagmo-model mo na lang siya pumayag para hindi ka magtampo." Napahinga ako nang malalim at sumandal sa balikat niya. Hindi ko alam kung maganda ba talaga ang maging anak ng mafia. Sa buong pamilya namin ay tradisyon na iyon mula pa lang kay Lolo. Pero minsan naiisip ko na sana ay hindi na lang ganoon ang trabaho nila. Minsan kasi ang iniisip ng iba ay masama ang mga mafia. Kasamahan daw ng mga illegal sindicate. Tumatahimik ako kapag nakakarinig ako ng chismis sa mga kaklase ko noon at sa ilang co-model ko. Minsan ay halata ko na pina-plastik lang ako ng ilang model. Alam kasi nila na anak ako ng mafia. Takot sila sa maaaring gawin ni Dad. Pero kapag nakakarinig naman ako ngayon ng may mga inosenteng nadadamay gawa ng mga masasamang tao ay hindi ko mapigilan na sumang-ayon sa kalakaran ng trabaho nila Dad. Legal ang agency nila. Private agency na madalas lapitan ng mga mayayamang businessman at ang ilan pa ay mga gobernador at senador. Malawak ang koneksyon ni Dad kaya siya ang palaging hinihingan ng tulong kahit pa ng mga mabababang mamamayan. "Mark, let's go," ani Dad nang makasakay siya at tumabi sa amin ni Mommy. Sumara na ang pinto ng chopper at ilang saglit lang ay umangat na. Tumingin ako sa bintana at napangiti dahil ang ganda ng tanawin. Ang sarap sa feeling na nasa taas. Kita ang bawat building at kabahayan sa Clark, Pampanga na tila mga bahay na lang ng langgam sa liit. "Baby, you want drink?" Tumingin ako kay Dad at tumango. Lumipat siya ng upuan sa harap at may kinuha siya roon. Napangiti ako dahil may baon pala siyang pagkain. "Thanks, Dad." Inabot ko ang milkshake na nasa bote na gawa ni Mommy. Inalog ko muna bago ko binuksan. "Wow! The best talaga ang milkshake n'yo, Mom. Sarap!" "Syempre, expert na ako d'yan. Favorite ng baby ko, e." Napangiti ako kay Mom sa sinabi niya. May cheese pie pa kaya kumuha ako at tumikim. Medyo diet ako. Tiyak na yari ako kay Direk kapag tumaba ako. "Mga ilang oras kaya tayo bago makarating doon, Dad?" "One hour na lang ang byahe mula sa Palawan." Napatango ako dahil saglit lang din pala, akala ko ay matagal. Sinulit namin ang bawat view na nakita namin. Hindi naman ako nabagot dahil nakakatuwa si Mommy kapag nakakakita ng maganda. "Alam mo, anak, nakapunta na ako sa Palawan dati. May mga kaibigan ako na nakilala ko na noon. Sila Tito Chris and Tita junior mo." "Oh, really? Sa Palawan sila nakatira noon, Mom?" Tumango siya at ngumiti. Hindi ko akalain na doon pala nakatira dati sila Tito chris at Tita junior. Ngayon kasi nasa ibang bansa si tito Junior dahil isa na itong sikat na stylist habang si Tito Chris naman, balita ko ay may asawa na. "Roger, one minute before we land in Palawan port." "Ano 'yon, Dad?" tanong ko. "Narito na tayo sa Palawan." Napatango ako sa sinabi niya at tumingin sa bintana. Bigla namang nakarinig kami ng pagtama sa chopper na sinasakyan namin kaya napamura si Dad. "f**k! Mark, anong nangyayari?" tanong ni Dad sa suot niyang mic sa head seat na nasa tainga niya. "May nagpatama sa atin ng isang machine gun, Lord. Babagsak na ang chopper in one minute." Nang sabihin ni Mark iyon ay hindi na kami mapakali ni Mom. Agad na lumipat si Dad palapit sa amin at may hawak siyang life vest. "Grace, sweetheart, wear this," pagmamadali niya kaya kahit na kabadong-kabado kami ni Mom ay nataranta kami sa pagsuot no'n. Nang maisuot namin iyon ay binuksan ni Dad ang pinto ng chopper kaya pumasok ang hangin. "Grace, come here." "But Dad, natatakot ako." Umiling-iling ako dahil kinakabahan ako sa nais ni Dad. "Grace, wala na tayong oras. Bilis!" Tumingin ako kay Mom na tumango habang bakas din sa mukha niya ang takot dahil sa pamumutla nito. Nanginginig ang tuhod ko na lumapit kay Dad. "Ano mang mangyari, tandaan mo na mahal na mahal kita, baby." "Dad, sabay-sabay na tayo." Umiiyak na ako pero umiling siya. "Ikaw muna, anak. Susunod kami ng mom mo," sabi nya. "Lord, hindi ko na makontrol!" Nang sabihin iyon ni Mark ay nabigla ako nang itulak na ako ni Dad. Napasigaw ako at napapikit sa sobrang takot. "Mom! Dad!" hiyaw ko nang dumilat ako at nakita ko ang pagsabog ng chopper. Napaluha ako pero agad ding napapikit nang bumagsak ako sa tubig. Hindi ako makahinga nang bumagsak ako sa pinakailalim ng tubig. Sinikap ko na makahinga at lumangoy para makaahon, pero napatingin ako sa life vest na suot ko na may nakakawit kaya hindi ako makaalis. Pinilit kong hinahatak ang life vest at panay na ang kampay ng mga paa ko dahil hindi na ako makahinga. Pinilit ko muling makahinga sa tubig pero halos makainom lang ako. Nanlabo ang paningin ko hanggang sa may nakita akong lalake na bumagsak sa tubig. "Please, help me!" hiling ko na sana ay marinig niya. Pumikit ako nang makita kong lumangoy siya patungo sa akin. Ramdam ko ang matigas niyang braso na humawak sa baywang ko. Pinilit kong idilat ang mga mata ko at nakita ko lang ang pag-igting ng panga niya. Hindi ko alam ang nangyari basta nagising na lang ako na walang kamuwang-muwang. Hindi ko alam kung saan lugar ba itong La Carlota. At hindi ko rin alam kung ano ba ang nangyari bago ako nagising. NAKATITIG SA AKIN ang mala-tsokolateng kulay ng mga mata niya na tila gaya ng mga mata ng isang mabangis na agila. Maputi ang balat at basa ang hanggang batok niyang buhok. Matangos ang ilong at mapula ang labi. Maganda rin ang hugis ng mukha niya na may cleft chin pa. Tumayo siya kung kaya napakurap pa ako dahil nawala siya sa paningin ko. Naupo ako at tumingin sa paligid. Napamaang ako nang makita na nakaupo ako sa maputing buhangin habang asul na asul ang karagatan. "Damn, don't do that again!" galit niyang sabi at tumayo. Tumingin ako sa lalake na ngayon ay naglalakad na palayo. Nakita ko ang hubad niyang katawan sa pang-itaas at may tattoo siya sa likod na isang baril habang may ahas na nakapulupot doon. Ang lapad ng balikat niya at ang bicep niya ay mabato. "Naku hija, ayos ka lang ba?" Biglang sumulpot ang medyo may-edad nang babae sa harap ko na si Aling Consuelo. Tinulungan niya akong tumayo bago niya ibalabal sa balikat ko ang dala niyang tuwalya. "Galit po kaya siya?" tanong ko habang nakatingin sa lalakeng sumagip sa aking buhay. "Oo, galit si General. Hinanap ka niya sa bahay pero wala ka, at nalaman niyang namangka ka. Ano bang nangyari sa 'yo at naisip mo iyon?" Nais ko lang naman na makita ang buong karagatan, pero hindi ko naman akalain na babaliktad ang bangka. Pero ang totoo ay may hinahanap akong kasagutan. Para bang malaki ang koneksyon sa akin ng dagat sa nangyari sa alaala ko, ngunit hindi ko naman mahahanap iyon lalo't pinagbabawalan ako ni Atreo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD