PROLOGUE

1205 Words
MABANGIS AT MAKISIG ang kanyang mukha, at ang haba ng buhok niya ay hanggang batok na lalong nagpa-gwapo sa kanya. Nakaupo siya na tila hari sa isang magarbong uri ng upuan habang hubad ang pang-itaas niya na nagpapakita sa moreno niyang balat ngunit mamasel na katawan. Mabato ang tiyan at malapad ang balikat na siyang nagpapakita ng bato-bato niyang braso. Six foot siya at thirty years old na. Hindi ko alam kung bakit ako nagkagusto sa matanda sa akin nang siyam na taon. Lumapit ako sa kanya kaya napatingin siya sa akin. Agad siyang napatayo at lumakad palapit sa akin. Napangiti naman ako at umangkla agad sa leeg niya kaya hinawakan niya ako sa baywang at hinapit palapit pa sa kanya. “I miss you,” aniya at ngumiti habang tinititigan ako sa mukha. Napakagat ako ng labi at tumitig din sa napakakisig niyang mukha na siyang nagpapahulog pa lalo ng damdamin ko sa kanya. Hindi ko akalain na sa pagkapadpad ko sa lugar kung saan ako lumagi ay matatagpuan ko ang isang tulad niya. Nagtagpo ang aming mga labi na parehong sabik sa isa’t isa. Kahit ilang beses na niya akong nahalikan ay para pa ring nanlalambot ang katawan ko tuwing sasakupin niya ang mga labi ko. Binaba niya ang zipper ng dress ko kaya bumitiw ako ng yakap sa kanya at napakagat-labi nang tuluyang mahubad ang dress ko sa akin. Kaya, malaya rin ang mga mata niya na pagmasdan ang halos hubad kong katawan habang tanging panty na lamang ang tumatakip sa aking pang-ibaba. Muli kaming naglapit at muling dumampi ang kanyang labi sa akin. Gumapang ang kanyang kamay sa aking pang-upo kaya kusang tumaas ang mga binti ko para ipulupot ang mga ito sa baywang niya. Gumapang ang halik niya sa gilid ng labi ko, patungo sa likod ng tainga ko hanggang magtungo naman sa panga ko. Napalunok ako at napatingala nang gumapang ang labi niya sa leeg ko nang maihiga niya ako sa napakalambot niyang kama. “Ahhhh . . .” Napahalinghing ako nang paikutin niya ang dila sa dibdib ko. Napakagat ako ng labi at hinawakan ang ulo niya para mas ipagduldulan ko pa siya sa dibdib ko. “This is mine,” aniya nang bitiwan ang dibdib ko at dilaan ang cleavage ko patungo sa leeg ko, hanggang muling niyang sakupin ang labi ko. Napangiti ako nang magbitiw kami ng mga labi. Mahal na mahal ko talaga siya. Kahit pa masyado siyang misteryoso para sa akin ay gusto ko nang makasama habambuhay ang lalakeng ito. Napaarko ang katawan ko at napakapit ako sa balikat niya nang gumapang ang kamay niya pababa sa puson ko at pinasok iyon sa loob ng panty ko para paglaruan ang p********e ko. “It’s hot inside,” aniya habang dinadama ng daliri niya ang kalooban ko. Hinawakan ko siya sa mukha at hinalikan na ikinangiti niya bago tumugon sa halik ko. Inalis niya ang daliri niya at hinawakan ako sa baywang bago pagpalitin ang posisyon namin. Napabitiw ako ng halik at ibinaba ko ang panty ko. Bumaba naman ako sa pagitan ng hita niya at ibinaba ko ang boxer niya. Tumingin ako sa kanya nang makita ko kung gaano kasabik ang kahabaan niya na ngayon ay galit na galit na. Hinawakan ko iyon na nagpanganga sa bibig niya. “You like it?” tanong ko. Namula ang mukha niya habang tinitingnan ang ginagawa ko sa kahabaan niya. Ngumisi ako at sinubo sa bibig ko ang kanya na lalong napamura at nagpanginig sa katawan niya. “f**k! f**k!” Napangiti ako at mas ginalingan ko pa para mas maligayahan siya. Hinila niya bigla ang ulo ko habang nakasabunot sa buhok ko. Huminto naman ako sa pagsubo sa kahabaan niya at naupo sa tiyan niya. Inangat niya ako kaya napahawak ako sa dibdib niya habang sinesentro ang kahabaan niya. Pareho kaming napaungol nang sumagad siya sa kaloob-looban ko. Gigil na nilamukos niya ang pang-upo ko habang nagsisimula na akong gumiling sa ibabaw niya. “Ahh! You’re still tight, baby.” “You like it?” malandi kong tanong sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako sabik na sabik sa kanya. Hindi ako ganito . . . pero simula nang makuha niya ang kainosentehan ko ay parang biglang may dumaloy sa dugo ko na gusto kong akin lang ang lalakeng ito. “Yes, let’s say I f*****g love it,” aniya kaya napangiti ako. Tumagal kami sa ganoong posisyon at bigla akong naligayahan nang marating ko ang tunay na sarap. Pinagpalit niya ang posisyon namin at siya na muli ang nasa ibabaw. Tinukod niya ang kamay sa gilid ko at wala siyang habas na gumalaw sa ibabaw ko. “Ohhh! Fa-faster please!” “I can’t hear you, baby . . . ” Nanunukso pa siya at binagalan ang paggalaw habang puno naman ng diin siyang pumapasok. Hinawakan ko ang pang-upo niya para mas sumagad pa siya. “Sige na, bilisan mo . . . ” Natawa siya at ngumisi, pero alam kong atat din siya kaya napangiti ako nang gigil na ang mukha niya. “Masusunod, baby . . .” aniya at bumilis muli ang galaw niya. Habang wala siyang kasing bilis na gumagalaw ay walang kasawa-sawa niyang hinahalikan ang labi ko. Gusto ko ito. Gusto kong ibigay sa kanya ang lahat. Siya ang lalakeng nagparamdam sa akin ng kakaibang pakiramdam na ito. At dahil doon ay alam kong lubos akong masasaktan oras na iwanan niya ako. Kaya gagawin ko ang lahat para ako lamang ang babaeng gustuhin niya at maging perpekto para sa kanya. Napayakap kami sa isa’t isa at napanganga ako nang isagad niya ang kahuli-hulihang lakas niya. Napahinga ako nang malalim at tinanggap ang mainit na likidong nilabas niya sa kaloob-looban ko. Muli kaming naghalikan at napangiti sa isa’t isa. Hinugot niya ang kahabaan niya at umalis siya sa ibabaw ko. Tumabi siya sa akin at niyakap ako kaya sumandal ako sa dibdib niya at pumikit. “Malandi!” Nagising ako nang may humablot sa buhok ko kaya napangiwi ako sa sakit lalo na nang hatakin pa ako nito pabagsak sa kama. “Suzane!” “Hayop kayo! Hayop ka, Atreo!” Naguguluhan ako habang pinupulupot ko ang kumot sa hubad kong katawan. Tumingin ako sa babaeng maganda, sopistikada, maganda manamit, at siguro ay kaedaran na nila Kuya. “Suzane, please, ’wag dito.” Napatingin ako sa kanilang dalawa dahil hindi ko maunawaan kung bakit umiiyak ’yong babae. Tumingin sa akin ang babae nang tumayo ako. Nabigla ako nang sampalin niya ako kaya napahawak ako sa pisngi ko at tumingin dito. Kita ko ang pagluha niya at galit sa mukha niya. “Malandi ka! Nagawa mong makikabit sa lalakeng asawa ko na!” Halos matulos ako at hindi makahinga sa sinabi niya. Asawa? Asawa niya si Atreo? Napatingin ako kay Atreo . . .  Atreo Ripler Alvarez—ang lalakeng akala ko ay single . . . ang lalakeng akala ko ay puwede kong angkinin. “Grace, let me explain . . .” Napaiyak ako at halos gusto kong lumubog sa lupa sa sitwasyon ko. Diring-diri ako sa sarili ko. Tumakbo ako palabas habang tanging kumot lamang ang tumatakip sa kahubaran ko. Halos hindi ko makita ang daan dahil sa bumabaha kong luha na nagpapalabo sa paningin ko. “Malandi ka! Nagawa mong makikabit sa lalakeng asawa ko na!” “Malandi ka! Nagawa mong makikabit sa lalakeng asawa ko na!” “Malandi ka! Nagawa mong makikabit sa lalakeng asawa ko na!” Paulit-ulit na nag-e-echo sa isip ko ang sinabi ng babae. Napaupo ako sa isang bato at napayakap sa sarili ko habang panay ang hagulhol ko. “You are nothing but a mistress, Grace,” bulong ko sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD