bc

Nothing

book_age16+
662
FOLLOW
2.0K
READ
others
dark
drama
tragedy
sweet
humorous
heavy
lighthearted
serious
kicking
like
intro-logo
Blurb

Nothing series #1

A 29 years old woman, wanting her life to be stable. Working here and there to provide for her family.

She has no time for love, she didn't think of it actually, but all of a sudden, a boy came..

Who's gonna turn her life into a roller coaster ride, making her experience the things she didn't experience..

#StarrywritingAcademy

But will happen if she did!'t really love him? how will she be able to tell him the truth?

Fall for a billionaire-Billionaire-Romantic suspense

chap-preview
Free preview
One
#StaryThanksreading Hi Debeez! How are you? i hope you guys are okay. Anyway.. I would like to thank you guys for reading my stories and supporting me. I sm really happy to know that there is someone reading my works, i thought, wala. I am super happy to know that my stories are existing in someone's mind. I love you so much, Debeez! One Kahit labag sa kalooban ay nmaaga akong gumising ngayong araw. Ngayon kasi ang general check up ng boss ko, at gusto niya magpa check up na rin ako. Ang weird. Boss ko siya sa pinagtatrabahuan kong publishing comp, si Mr. Ching. Okay lang naman na isama niya ako sa check up, kaso nga lang kaylangan talaga ganito kaaga? 7am pa lang ng umaga, alas singko na ako natulog kanina! DiyoskoLord! Wala ng ligo ligo, nag suot na lang ako ng tshirt na kulay dilaw na may drawing na babae sa harap at nag maong short ako na hindi maiksi, tsaka nag sandals. Lumabas na ako sa condo na pag mamayari ng company. Pahiram nila ito sa mga writer nila. Pero ako yung nag babayad ng bills. Masyado ng pinagpala kung sagot pa rin nila. Hinintay ko yung boss ko sa ibaba ng condo, dahil sabi niya susunduin daw niya ako. Lord! Parang ayaw ko talagang tumuloy na samahan si boss. Hanggang ngayon naduduling pa rin ang nga mata ko sa antok, baka pag inexamine ako sa hospital puro sisig at kape ang makita. Napairap ako ng makita ko yung sasakyan ng boss ko pero ngumiti din pag harap. "You done?" tanong niya. "Opo." sagot ko. Habang nagdadrive siya ay akala ko makakaidlip ako, pero hindi, chicka pala ang nais ni boss. "Alam kong naiinis ka na sa akin Dell, pero alam mo naman na itinuturing na kitang anak hindi ba? Napaka unhealthy ng lifestyle mo-" "Ang dami niyo pong deadlines.. sir." "Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin anak. Yung mga kinakain mo, yung pag sosoftdrinks mo." "Sir, anong oras po kayo matatapos yung check up?" "See? Wala pa nga tayo sa ospital. Ikaw lang yung empleyado ko na pag sinasama sa check up ay aburido, yung iba natutuwa dahil libre!" Hindi na lang ako sumagot. Hahaba e. Tinatamad na akong mag salita. Kaya laking pasalamat ko ng makarating na kami sa hospital. "Follow me," ani ni boss. Nagkibit balikat na lang ako. Ewan ko ba, naiirita talaga ako! Inaantok ako! Gusto ko pang matulog. Hindi Ko ba alam kung bakit ako umoo sa kanya kahapon. "May appointment ako kay doc Eugene." sabi ni boss doon sa nurse na sumalubong sa amin. Umupo naman ako. "Ah okay, sir. Just a moment po." "Okay thank you." Sinubukan kong pumikit pero na didistract naman ako sa mga taong palakad lakad. Hindi ako makatulog. "Dell, let's go!" si boss na kanina pa pala ako tinatawag hindi ko lang pinapansin. "Maupo ka po muna dito maam," sabi nung nurse at tinuro yung mahabang upuan na kulay pula. "Thank you." nang makaupo ako ay agad akong nagong MASA, MASAndal tulog. Dahil sa totoo lang nakakakita na ako ng stars kanina pa. Hindi ko alam wala pa atang 10 minutes akong nakaupo ay may tumapik sa balikat ko. Naduduling na sinubukan ko siya kilalanin. Yung nurse. "Maam, sorry po sa istorbo pero kayo na po yung next." aniya "Next saan?" taas na kilay na tanong ko habang pinupunasan ang gilid ng labi ko ko. "Sa check up po," napapikit ako ng maalala na nasa hospital nga pala ako. Tumayo ako at sinuot ulit ang rattan na sling bag sa aking balikat. "Okay. Saan ba miss?" "Follow me, maam." Tumango at sinundan siya. Napatingin pa nga yung nurse sa akin nung pinatunog ko yung braso ko, lumagutok kasi. "Hehe..sorry." Tumigil kami sa isang pinto. "Pasok po kayo maam," "Thanks." sabi ko sa kanya. Pagharap ko doon ay nakita kong nag susulat yung doctor. Mukhang bata pa base sa hitsura, well.. hindi ko pa naman nakikita yung mukha, kaya medyo hindi ko sure. "Gandang umaga po!" bati ko sa kanya. Natigil naman siya sa pag susulat at napatingin sa akin, sinubukan ko siyang bigyan ng smile kahit pa inaantok na ako. "Hello po.." sabi ko ulit ng hindi siya mag salita at nakatingin lang sa akin. Ilang minuto pa ang pagpapasensya ko ay tumaas na ang kilay ko. Anyare dito? "Doc!" sabi ko at pumalakpak ng isang beses sa harap niya. Baka kasi wala pang tulog si Doc at kailangan lang ng kaunting pampagising. Alam mo na, yung mga doctor.. Nakakalimutan na nila gawin ang salitang tulog paminsan. "Oh! sorry.." aniya at inayos yung hindi naman magulo na salamin niya. "Okay lang po. Upo na po ako," sabi ko at hindi na siya hinintay na sumagot. "Goodmorning Miss?" aniya "Dell po. Dell Samonte." Sabi ko kahit pa hawak naman niya yung finill-upan ko kanina. "Kamusta ka naman? Ano bang nararamdaman mo ngayon?" "Actually doc, wala naman po talaga akong nararamdaman. Si boss ko po, si Mr. Ching po talaga yung magpapa check up. Sinamahan ko lang." sabi ko at bigla ko na lang nakagat ang labi ko, naramdaman ko kasing mag hihikab ako. Pero mahirap, lumabas ata sa tenga ko yung hangin. "Ahem! Okay, might as well, check na lang din natin tutal nandito ka na." Tumango na lang ako. Umupo siya sa harap ko. Kita ko naman na nilagay na niya yung stetoscope sa tenga niya. At inilapit na sa akin yung bilog, nilagay niya 'yon sa tapat ng baga. "Okay, hinga.." Everytime na sasabihin niyang inhale at exhale ay gagwin ko naman, hanaggang sa likod naman. After naman nun, ay sinilip niya rin ang mata ko. Gusto pa nga niya i check yung bawat parte ng loob ko ay tumanggi na agad ako. "Okay na po sa ginawa niyo kanina, ayoko na po gawin yung iba pang check up. Ayoko po ng karayom e." panggap ko na lang. Para matapos na. At pasalamat na bumukas ang pinto at niluwa nun si Mr. Ching. "Oh, are you done?" tanong niya sa akin. "Opo, sir." sagot ko. "Thank you ulit, Doc." si Sir na nakipag shakehands pa. "No problem sir." sagot naman nung isa. "Maasahan ba kita mamaya sa party?" This time hindi ko na napigilan ang hikab ko kaya yumuko na lang ako. "Yes sir. I'll be there." "Good." tawa ni sir. "So paano? Kita na lang tayo mamaya. Again, thank you." Tumayo na ako. Binuksan na ni boss yung pinto pero nilingon ko pa ulit si doc, dahil hindi pa ako nkapag thanknyou. "Thank you po.." "No. Thank you." mariin niyang sabi habang nakatingin sa akin. Hindi ko na pinansin. Inaantok na ako. Habang nasa sasakyan kami ni boss ay nag salita ulit siya. "Alam ba, bata pa 'yung doctor na 'yon, 27." "Ah.." sagot ko. "He was 14 nung nakuha niya yung degree niya, well hindi naman siya genius na maituturing, pero napakasipag niya kasing magbasa kaya siguro tumalino ng ganon 'yong bata na 'yon." "Salamat po sa paghatid boss." ani ko ng nasa condo na. "'kay. Umattend ng party Dell ha, last year hindi ka na umattend." "Yes sir. Beauty rest na po ako." sabi ko at tumalikod na. Hindi na ako nagbihis at agad na sumalampak sa higaan ko. Kailangan ko ng matulog. Alas otso na ng gabi ako nagising. Hindi na na naman ako nakapag lunch. Haay! Sobrang saya ko! Ang haba ng tulog ko tapos diretso pa. Sa dami kasi ng ginagawa ko ay parang prize na sa akin ang pagtulog. Nitong mga nakaraang araw kasi ay panay akong nasa office dahil kasalukuyang ine-edit ang pinasa kong manuscript, at sabi nila by september.. 8 months from now, january pa lang kasi ngayon, ay maipupublish na yung libro ko. Pero ang iniisip ko ngayon ay latae na ako sa party ni Mr. Ching. DiyokoLord, katakot takot na sermon na naman ito mamaya. Mabilis akong naligo at nagbihis ng kulay itim na dress. Sphagetti strap lang 'yon, at hanggang above the knee ang haba. Plain lang iyon. Sinuotan ko 'yon ng kulay puting rubbershoes at yung bag na sinuot ko kanina. Naglagay lang kaunting foundation at lipstick, nilugay ko ang aking buhok at gora na. Pagdating ko doon, tulad ng inaasahan nag umpisa na yung party. "Dumating ka pa?" salubong sa akin ng kaibigan kong si Diane pag kaupo ko doon sa may table namin. Inirapan ko siya. "Aga mo ah?" di pa siya tumitigil. "Pwede ba? Tumigil ka, baka mamaya mapansin pa ako ni boss dahil sayo e," "Bobo ka, alam na niya. Kanina ka pa hinahanap nun." Kinuha ko yung iniinom niyang avocado shake at uminom doon. "Hala, kapal talaga. Kumuha ka doon!" Tinignan ko siya ng masama. "Ito naman parang tanga, alam kararating ko lang pagod ako. Tsaka ang daming tao, nakakahiyang tumayo." nilibot ko ang paningin ko, ang dami palang tao. May party ngayon dahil naka receive kasi ng award si Mr.Ching. Ang daming bisita at mukhang masaya sila sa party, hindi naman sinasadyang nahagip ko yung sa kaliwang table banda sa unahan. Shet. Si boss! Mabilis akong nag iwas ng tingin at ininom yung kakalapag pa lang na baso. "Hoy! Ano ba akin 'yan!" Tangina, nakita ako ng boss ko, panigurado ipapatawag na naman ako nun. "Oh bakit?" tanong ni Diane. "Nakita na ako ni boss," "Syempre nasa iisang lugar lang kayo, tsaka lahat kami pumunta sa table niya para i-congratulate siya, malamang hahanapin ka niyan, ikaw pa naman yung pinaka polite, thoughtful,giving at respectful na empleyada niya." "Bwisit ka." sabi ko sa kanya. "Oh, ayan na. Tinatawag ka na ni boss..lumapit ka na don, i congrats mo lang tapos tapos na." Napaisip ako. Sabagay.. mabilis naman kausap si boss minsan. I congrats ko lang, tapos babalik na ako ulit dito sa table namin. Edi good na, makaka kain na ako. "Sige na nga, wait lang ha." sabi ko. "Dalhin ko na 'tong shake ah." "May magagawa pa ba ako, nilawayan mo na yan e," Nakabend ang katawan kong naglakad papunta sa table nila boss, may nag peperform kasi sa taas ng stage. "Hello boss," bati ko at umupo doon sa bakanteng upuan sa tabi niya. Buti na lang nga may tatlong bakanteng upuan. "Boss congrats po!" bati ko ulit. "Late ka na," "Sorry po. Nagbawi po kasi ng tulog." "Alright. Thank you. Kumain ka na ba?" "Ahm-" "Let's give him a round of applause!" Tinawag na pala si boss paakyat ng stage. Buti na lang. Lumimgon ako doon sa waiter na ang iikot ikot na may hawak ng dessert. Nag hinye ako ng isa doon. Kasabay naman non ay ang pag upo ng kung sino sa tabi ko. Mabilis kong nakilala kung sino 'yon. Si doc kanina. Naka kulay puti lang siyang polo at slacks na black. May black din siyang relo. Ang neat. "Hi dell!" aniya at nginitian ako. "Hello po.." sabi ko at nag cellphone na. And dami ko kasing hindi natapos kanina dahil sa sobrang antok. Kaya sa cellphone ko na alang gagawin. May mga hindi pa ako na edit na parts kanina. Nakita kong nilapit niya ang kamay niya sa akin. "Im Eugene." "Oh nasaan sila Alfred?" wala sa sariling tanong ko. Mukha naman siyang nawala sa sagot ko. "What?" "Wala." sabi ko. "Pwede ba huwag mo muna akong kausapin? May ginagawa kasi ako." "Ano bang ginagawa mo?" tanong niya. "Work." "Can i have your number instead?" Napabaling ulit ako sa kanya. "Di ko pinamimigay ang number ko sa hindi ko kilala." "We knew each other, nag meet na tayo kanina." "Kanina lang. Isa pa, mukha kang pakboy." walang preno na sabi ko. Halatang nagulat siya s a bunganga ko pero ayos lang. "Yan ang tingin mo sa akin? Im not a fuckboy." "Oh bakit? Na offend ba kita? Kung na offend ka, umalis ka na." "Ang taray pala ni ganda." "Don't call me names." sabi ko iniwan na siya doon. Ayos na ako for tonight. Nabati ko na naman si boss nakita na niya akomg umattend. So pwede na siguro akong umuwi, para makatulog. Ang dami ko pang trabaho na dapat tapusin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.1K
bc

His Obsession

read
74.1K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
96.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook