Chapter 5

1706 Words
CRISTINE Napabalikwas ako ng gising nang marinig kong walang tigil na nagriring ang phone ko. Inabot kong kaagad ang phone ko at mabilis na pinindot ang accept call nang makita kong si ate Celestine ang tumatawag sa akin. Sandali kaming nag kamustahan ni ate at pagkatapos ay agad rin nitong pinutol ang linya dahil narinig kong umiyak ang aking pamangkin. Pagkatapos kong makipag-usap kay ate, lumabas ako ng kwarto para uminom ng tubig. Nang nasa hamba na ako ng kusina ay napahinto ako sa aking paghakbang. Napa-atras ako ng isang hakbang nang makita kong mag-isa si kuya Edriel na nasa lamesa at umiinom ng beer. Biglang nawala ang aking uhaw nang makita ko si kuya Edriel. Tahimik akong pumihit patalikod, at nang akma ko na sanang ihahakbang ang aking mga paa palayo sa kinatatayuan ko, nagitla ako nang marinig kong nagsalita si kuya Edriel. “Gabi na, bakit gising ka pa?” malalim at halata ang lungkot sa tinig ni kuya Edriel. Napilitan na akong pumihit paharap sa kusina at naglakad papasok. “U-uhm. Iinom lang po sana ako ng tubig, kuya Edriel.” naiilang na sagot. Hindi ako makatingin ng diretso sa mukha ni kuya Edriel. Naiilang ako sa kanya, at iyon ang hindi ko maintindihan kung bakit. Noon naman, yung sila pa ni ate Celestine ay close naman kaming dalawa at nagbibiruan pa. Gustong gusto ko talaga si kuya Edriel para kay ate Celestine. Ang bait kasi nito sa amin ni ate. Kagat ang aking pang-ibang labi na lumapit ako sa fridge, binuksan ko iyon at kumuha ng malamig na tubig. Maingat akong umabot ng baso at nagsalin ng tubig. Si kuya Edriel naman ay hindi na muling kumibo pa. Sa can beer na iniinom nito ito naka-focus. Kasabay ng mabilis kong pagtungga ng tubig sa baso na hawak ko ay ang mabilis din naman na t***k ng aking dibdib. Nang matapos akong uminom, binalik ko ang pitsel sa loob ng fridge at hinugasan ang baso na pinag-inuman ko. “T-tulog na po ako, kuya Edriel.” sambit ko at mabilis na humakbang palayo sa kinatatayuan ko. Malapit kasi ako sa kinauupuan ni kuya Edriel dahil nagkataon na doon ito nakaupo sa tapat ng lababo. “Sandali, Cristine, may ibibigay pala ako sa ‘yo.” Tumingin ako kay kuya, bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang maliit na box na nilapag nito doon sa ibabaw ng lamesa. Inusad nito ang kulay itim na maliit na box papunta sa akin. “Gift ko para sa ‘yo,” tumungga si kuya ng beer at pagkatapos ay tumingin sa akin. “Sana magustuhan mo,” Ito na naman yung rambulan ng aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ito. Pero siguro dahil naiilang ako kay kuya Edriel. Sandali kong sinulyapan si kuya Edriel. Para akong napaso ng nagtama ang aming mga mata. Noon naman ay hindi ko nararamdaman ito kay kuya Edriel. Kahit pa nga magkatabi kami sa upuan ay hindi ganito ang pakiramdam ko. “S-salamat po, kuya Edriel.” pagkatapos kong magpasalamat sa kanya ay mabilis kong dinampot ang box at pagkatapos ay umalis na ako ng kusina. Kahit hindi nag-abala si kuya na ibalot ang gift niya para sa akin. Alam kong accessories ang laman ng maliit na box na ito. Necklace kaya or Bracelet? Agad kong binuksan ang box pagpasok ko sa kwarto. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang birthday gift ni kuya Edriel sa akin. “Gold Necklace!” nakangiti kong sambit. Personalize ang pendant ng necklace na regalo sa akin ni kuya Edriel. Initial name ko iyon. Letter ‘C’ for Cristine. Natuwa ako sa gift ni kuya sa akin. Kinuha ko iyon sa box at agad na sinuot sa aking leeg. Tumayo ako at tiningnan ang aking sarili sa tapat ng salamin sa ibabaw ng study table na binili sa akin ni kuya Edriel. Hinawakan ko ang pendant. “Ang ganda,” amused na sabi ko. Hindi ko mapigilan ang mapangit sa ganda ng gift ni kuya sa akin. Hanggang sa aking pagtulog ay tuwang tuwa ako. Panigurado na mahal ito kaya iingatan ko. *** “Sigurado ka na ba sa pasya mo, anak? Gusto mo talagang magtrabaho sa korea?” tanong ni nay Anissa kay kuya Edriel habang narito kami sa lamesa at kasalukuyan na kumakain ng almusal. “Opo Nay, Nasa akin na po ang visa ko. Sa makalawa na rin po ang alis ko. Kaya kayo na po ang bahala dito sa bahay, at sa… asawa ko.” Napaubo ako nang marinig kong tinawag ako ni kuya Edriel bilang asawa. First time kong marinig na sabihin ni kuya Edriel ang salitang ‘asawa’ sa harapan ko. Gulat na binitawan ni nay Anissa ang kutsara’t tinidor na hawak. “A-ano? Sa makalawa na? Bakit ang bilis naman anak,” “Nay, matagal ko na pong inaasikaso ang mga papeles ko.” “Oh, eh. Bakit ngayon mo lang sa amin sinabi ang tungkol dito? Tsaka, pumayag na ba ang asawa mo sa gusto mong pag-aabroad?” Tuluyan na akong napa-ubo ng malakas ng masamid ako sa aking sariling laway. Hindi ako nakapag handa sa ginawang iyon ni nay Anissa ang bagay na ‘yon. “Cristine, pinayagan mo na ba ang asawa mo na mag-korea?” Napalunok ako at bumuka-sara na lang ang aking labi sa tanong ni nay Anissa. “P-po? N-nay…” tanging nasambit ko at napatitig kay kuya Edriel. Napakamot ako sa aking ulo. “Uh, eh…” hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. “Kailangan ko pong mag-korea, Nay. Malaki ang sweldo doon. Isa pa, nakasanla ‘tong bahay at lupa sa banko. Kapag hindi ako nag-abroad. Matatagalan kong bayaran ang loan natin sa bangko.” tumingin sa akin si kuya Edriel. “Sa panahon ngayon, ang bigat rin pong magpa-aral sa college, hindi naman pwedeng mag-stop sa pag-aaral ang asawa ko.” Nakaramdam ako ng guilt dahil sa sinabi ni kuya. Kahit hindi nito direktang sinabi sa akin. Alam kong mabigat at magastos talaga ang kolehiyo. Tama nga ako. Dagdag pabigat ako sa kanya. “Oh, sige. Kung ‘yan ang desisyon mo anak, mag-iingat ka roon.” alam kong malungkot si nay Anissa at ayaw nito na umalis ng bansa si kuya Edriel. Pero buo na ang pasya ni kuya, gusto talaga nitong mag-abroad. Tulad ng sinabi ni kuya. Bumilang lang ng dalawang araw, flight na ni kuya Edriel. Ang kaibigan ni kuya Edriel na si kuya Mateo ang nag-drive papunta sa airport. “Mag-iingat ka doon, Anak!” hagulgol ni nay Anissa kay kuya Edreil habang yumakap ito ng mahigpit. Lumunok naman ako at kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang aking pag-iyak. Hindi naman ako dapat maiyak. Pero hindi ko mapigilan ang pagpatak ng aking luha. Mabilis akong pumihit patalikod kina kuya Edriel at nay Annisa nang maramdaman kong humapdi ang aking mga mata. Ayokong ipakita na naiiyak ako. Hindi naman ako totoong may bahay na mangungulila talaga sa asawa na mag-aabroad. At isa pa. Mabilis lang ang 3 years na kontrata ni kuya Edriel doon sa korea. “Mag-ingat din po kayo dito, Nay. ‘wag n’yo pong kalimutan na inumin ang maintenance nyo. Nasa tamang edad na po ako Nay, kaya ‘wag na po kayong mag-alala sa akin.” narinig kong sabi ni kuya. “Palaging n’yo pong i-lock ang mga pinto at gate, Nay. kayo po ang mag-doble ingat dahil wala ako sa bahay.” “Oo, anak. Mag-iingat kami ng asawa mo,” “Sige na po Nay, papasok na ako sa loob.” paalam ni kuya Edriel. Dahil naiiyak ako. Hindi na ako nagpaalam sa kanya. Pumasok na ako sa loob ng kotse ni kuya Mateo. “Wala naman dahilan para umiyak ka, Cristine. Ano ka, Nanay? Para umiyak ng ganyan!” hays. Nakakaiyak pala ang maghatid sa airport! Hanggang sa maglakad palayo sa kotse si kuya Edriel ay hindi pa rin pumapasok ng sasakyan si nay Anissa at kuya Mateo. Nangislap muli ang aking mga nang mapadako ang aking paningin sa nakatalikod na si kuya Edriel. Siguro kung hindi dahil sa akin, hindi mag-aabroad si kuya. Nakadagdag pa kasi ako sa gastusin sa kanya. “Salamat sa paghatid mo sa amin, Mateo.” ngiti na pasasalamat ni nay Anissa kay kuya Mateo nang ihinto nito ang kotse sa tapat ng gate. “Wala po ‘yon, Nay Anissa. Pamilya na rin po kayo sa akin,” “Ayaw mo ba munang pumasok sa loob para mag merienda?” “Naku, hindi na po Nay. Naghihintay pa sa akin si Misis sa bahay.” magalang na tanggi ni kuya Mateo sa alok ni nay Anissa. “Oh, sige. Salamat ulit sa paghatid mo sa amin. Mag-ingat ka.” naunang lumabas si nay Anissa ng kotse at sumunod naman si kuya Mateo. Akma ko na sanang bubuksan ang pinto sa gawi ko ngunit naunahan na ako ni kuya Mateo. “Salamat po kuya Mateo,” ngiti na pasasalamat ko sa kanya. Napatingin ako sa palad nito nang makita kong nilahad iyon sa akin. “Cell Phone number ko ‘yan, just incase lang na kailanganin n’yo ni Nay Anissa ng tulong. Tawagan mo lang ako.” ngiti nitong sabi. Kinuha ko ang maliit na papel sa palad ni kuya Mateo. “Salamat po,” binulsa ko ang papel sa aking suot na denim jumper skirts. Tinalikuran ko na ito upang sundan si nay Anissa. “You can also call me, kapag may boys na gustong manligaw sa ‘yo! As a representative of my friend’s Edriel. Ako na ang bahalang magturo ng leksyon sa kung sino man maglalakas loob na ligawan ka,” Rinig kong sabi ni kuya Mateo. Pero hindi na ako lumingon pa sa kanya. Binilisan ko pa ang aking paglalakad para makalayo ako ng tuluyan sa kanya. “Basta tandaan mo, Cristine. Bawal kang magpaligaw, okay! Magagalit ang asawa mo,” patuloy na bilin ni kuya Mateo sa akin. Hindi pa rin ako lumingon sa kanya. “At malalagot ako sa kanya! Kaya bawal kang magpaligaw habang wala siya dito sa pinas, okay!” iyon na ang huling narinig ko bago ako tuluyang makapasok sa pinto ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD