CRISTINE
"Kamusta ka naman d'yan, anak? Kami, okay lang naman dito ng asawa mo." rinig kong pakikipag-usap ni Nay Anissa sa video call kay kuya Edriel.
Tatlong buwan na rin ang lumipas simula ng umalis si kuya Edreil papuntang korea. Ni-minsan ay hindi nag-reach out sa akin si kuya Edriel para kamustahin ako, kay Nay Anissa lang talaga ito nagbi-video call.
Kasalukuyan naghuhugas ako ngayon ng plato dahil katatapos lang namin kumain ng hapunan ni Nay Anissa nang tumawag si kuya Edriel. Kaya naman dinig ko ang pagkukukwentuhan nilang mag-ina.
Hindi rin naman ako nagkaroon ng lakas ng loob para mag-reach out kay kuya Edriel, feeling ko kasi, hindi rin ko rin naman kailangan pa na gawin ang bagay na 'yon since he never done that to me.
Nang matapos akong maghugas ng plato ay nagpasya na akong pumasok ng silid.
"Ito ang asawa mo, Anak. Gusto mo ba s'yang makausap?"
Narinig kong sabi ni Nay Anissa nang makita ako nito na naglalakad papunta sa kwarto. Tinapat sa akin ni Nay Anissa ang screen ng phone nito. Pero napayoko na lamang ako at nakagat ko ang aking pang-ibabang labi nang marinig kong nagsalita si kuya Edriel.
"Hindi na po Nay, kailangan ko na rin pong maligo, male-late na po ako sa pagpasok sa trabaho. Sabihin n'yo na lang po sa kanya na mag-aral ng mabuti, para hindi masayang 'yung pinapa-baon ko sa kanya." tanggi ni kuya Edriel na kausapin ko.
Nginitian ko lang si Nay Anissa at pinagpatuloy ko ang paglalakad patungo sa kwarto. Matamlay akong nahiga sa kama at napatitig sa kisame. Ayaw talaga akong kausapin ni kuya Edriel. Sabagay, ano naman ang sasabihin n'ya sa akin? Wala naman 'di ba?
"Sabihin n'yo na lang po sa kanya na mag-aral ng mabuti, para hindi masayang 'yung pinapa-baon ko sa kanya."
Tama naman si kuya Edriel. At iyon din naman ang ginagawa ko, nag-aaral ako ng mabuti. At promise ko na hinding-hindi masasayang ang pera nito sa pagpapa-aral sa kin.
***
"A-ano ang mga 'yan, Cristine?" manghang tanong ni Nay Anissa sa akin. Bumili kasi ako ng bale na 'ukay-ukay' para i-live selling ko mamayang gabi. Since ayaw akong payagan ni kuya Edriel na um-extra ng trabaho para magkaroon ako ng side income. Ito na lang pag-li-live selling ang papasukin ko. Internet at phone lang ang gamit ko ay makakabenta na ako. Ang kagandahan, nasa loob lang ako ng bahay.
Napakamot ako sa aking ulo. Pawisan rin ang aking mukha dahil nahirapan akong i-travel pauwi ang 2 sako ng bale na nabili ko.
"Gusto ko po kasing mag clothing business, Nay Anissa. I-la-live selling ko po sa online," ngiti at excited kong sagot. Malakas ang pakiramdam ko na kaya kong maubos ang dalawang bale na nabili ko. Kikita ako dito ng malaki-laki.
"G-ganoon ba? P-pinaalam mo ba sa asawa mo ang tungkol sa negosyong gusto mo?"
"O-opo, Nay." ngiti na sagot ko. Kumilos na ako para hilahin papasok sa loob ng bahay ang bale na nabili ko. Siguro naman hindi na babanggitin ni Nay Anissa ang tungkol dito kay kuya Edriel. Nagsinungaling kasi ako ng sabihin ko na pina alam ko kay kuya ang tungkol sa clothing business na gagawin ko.
"P-pinayagan ka n'ya?" sa boses ni Nay Anissa, halatang hindi ito konbinsido ng sabihin ko na pinayagan ako ni kuya Edriel na mag clothing business.
Tumango-tango ako. "Opo, Nay. Sinabi ko naman po kasi sa kanya na hindi po ako aalis ng bahay, sa online ko lang po ibebenta at may rider lang na mag-pi-pick up ng mga pa-order ko. Kaya pumayag naman po siya," tama 'yan, Cristine. Galingan mo ang pagsisinungaling para mapaniwala mo si Nay Anissa.
Ang lukot at nangangamba na mukha ni Nay Anissa ay unti-unting umaliwalas. Tsk! Napaniwala ko na ito sa kasinungalingan ko!
"Oh, siya, sige. Maiwan na muna kita at baka masunog ang niluluto ko,"
"Sige po, Nay."
Nakahinga ako ng maluwag nang tumalikod na si Nay Anissa. Muntik na ako 'no, ah!
Ang tanging laman ng isip ko, ang maibenta kong lahat ang dalawang bale na ukay. 1500 ang bawat bale. 3000 ang puhunan ko. Plus transfo fee na 200. So, 3200 ang puhunan ko. Nilabhan ko na agad ang mga napili kong damit na ili-live selling ko. Mabebenta ng magandang presyo ang nga ito!
Yung punan ko na 3200. Pwede ko ngang ma-double iyon! Walang imposible basta sisipagan ko ang pag-li-live selling!
Naging abala ako ng mga sumunod na araw sa aking pag-li-live selling. Pag-uwi ko ng bahay, home work ko agad ang ginagawa ko at pagkatapos namin kumain ng hapunan ni Nay Anissa, saka naman online selling ang pinagtutuunan ko ng oras.
EDRIEL
Mateo; Hey, pare, ang galing pala mag online selling ng asawa mo!
Napatuwid ako ng upo nang mabasa ko ang chat sa akin ng kaibigan ko. Tungkol kay Cristine. Kaya naman mabilis akong nag-type para replyan ito.
Ako; Online selling?
Mateo; oo, pare. Ang galing ng asawa mo magbenta. Bumibili nga sa kanya si Misis.
Ako; What do you mean, Mateo? Anong binebenta ni Cristine? I have no idea what she's up to. Wala naman sinasabi si Nanay sa akin.
Mateo; Bakit? Hindi mo ba chini-check ang social media ng asawa mo---wait, s**t, pare. Don't tell me hindi kayo friend ni Cristine?
Sending videos.
Loading...
Mateo; Oh, 'yan pare, panoorin mo kung gaano kagaling mag online selling ang asawa mo!
I immediately click the video para malaman ko kung ano ang sinasabi ni Mateo about my wife.
"Oh, ito mga Mhi, super ganda! Ang shala ng atake nito pagsinuot n'yo. Bigay ko na lang ng 150. Paunahan na lang po. Ang code nito mga Mhi, maputi. For only 150 pesos, Mine, maputi, mine maputi mga Mhi,"
Halos mag isang linya ang aking magkabilang kilay habang nakatitig ako sa video na senend sa akin ng kaibigan kong si Mateo. Sa video, she was showing the dress which was no longer than her knee.
Hindi ko gusto na isuot nito ang above the knee na dress na iyon. She's just showing her legs rather than the dress!
Bakit hindi ipinaalam sa akin ni Nanay ang tungkol dito? Kung hindi pa nag chat sa akin si Mateo, wala akong kaalam-alam sa ginagawa ni Cristine. Sapat naman ang budget na pinapadala ko sa kanila ni inay, kaya bakit pa siya magpapakahirap mag online selling!
"Okay, Mhi, yours na po. Mommy, Rose Ann, pa-ssd po. 123, 123. Pa-send na lang po ng address kung saan ipapa-ship ang item, mhi."
Matapos hubarin ang kulay puting dress. Ang backless casual dress naman ang sinuot ni Cristine. My jaw automatically clenched watching her wearing that dress in front of the camera!
Shit! Bakit ginagawa niya 'to? Almost showing her skin on social media? Is that what they called it online selling? Ang halos ipakita ang katawan sa camera?
I can't believe this!
Pinayagan ni nanay si Cristine na gawin ang bagay na 'to!
What made me even more angry was when Cristine wore another dress. Litaw na litaw ang cleavage nito dahil sa v-neck style ng dress na siyang pinapakita nito sa harap ng camera.