Chapter 7

1436 Words
EDRIEL I don't feel like watching Cristine's live selling. Hindi ko gusto ang ginagawa nito. Ano na lang ang iisipin ng ate Celestine nito sa akin? That I don’t have balls to support her sister? That she made the right decision by choosing his boss over me? Because I am poor and he was rich?! “So, kaya naman pala ganun mo na lang ako kabilis hiniwalayan, dahil sa boss mo? Kaya pala halos ipagdukdukan mo sa akin na pakasalan ko ang kapatid mo kahit ilang beses ko na sa ‘yong ipinaliwanag na walang nangyari sa amin ni Cristine! For God sake, Tine! Kapatid ko na kung ituring ang bunsong kapatid mo. Sa tingin mo ba gagalawin ko siya? At hindi pa ba sapat sa ‘yo na sinabi ng kapatid mo na hindi ko siya ginalaw ng gabi na ‘yon?” Tuluyan na akong sumabog sa aking galit, sama ng loob nang puntahan ko ang babae na sana ay nakatakda kong pakasalan at hindi ang babae na kasama ko ngayon sa aking bahay. Pero kaya pala. Kaya naman pala hindi niya ako pinapakinggan. Dahil ginamit lang nito ang pagkakataon para hiwalayan ako, at sumama sa Clyde na iyon. Sa boss nito. Sobrang sakit sa akin na makita ang babae na mahal ko, yakap ng ibang lalaki. Ang tagal ko siyang niligawan. Nagtiyaga ako, at naging magalang sa kanya. Nilagay ko siya sa pedestal. Ganoon ko siya minahal, iningatan, ginalang. Pero sa may pera lang pala siya kakapit. Sabagay. Hindi ko kayang ibigay sa kanya ang marangyang buhay na kayang ibigay ng boss nito. “I-It’s not what you think, Edriel. H-hindi ganoon…” her voice cracked. Kita ko ang kaba at pagkabigla sa kanyang mukha na makita ako ngayon dito sa labas ng mansyon ng lalaking pinagpalit sa akin. “L-look, Edriel. H-hindi dahil may pera si Clyde kaya ko siya pinili—--” “Damn it, Tine! Stop lying to me!” sigaw na putol sa kanya kasabay ng pagpatak ng aking luha. “Minahal kita, Tine. Sobra. Sobra-sobra kitang minahal. Pero mali pala ako ng mahalin ka. You're a damn materialistic woman! Mukha kang pera—--” Napatigil ako sa aking pagsasalita ng malakas na padapuin ni Celestine ang palad sa aking pisngi. She slapped me. Pero kahit sobrang lakas ng pagkakasampal nito sa mukha ko. Manhid na yata ako at hindi ko naramdaman ang sakit. “Wala kang karapatan para husgahan ako, Edriel! Hindi ko pinili si Clyde over you, dahil sa pera n’ya. Gustong lumaki ang anak ko na may isang buo at masayang pamilya. At hindi mo sa akin kayang ibigay ‘yon—” “But I will, Tine! I will. Hindi ba, sabi ko sa ‘yo. Ako na ang tatayong tatay ng anak mo. Ganoon kita kamahal, Tine. tanggap ko ang anak mo—---” “Hindi mo naman kailangan na ikaw ang tumayong ama ng anak ko? Kung buhay naman ang totoong tatay n’ya ‘di ba?” I get it. Walang buhay akong nagbaba ng paningin. So hindi lang pala mas mapera sa akin ang Clyde na ‘yon. Ito pa ang biological father ng anak niya. Anong laban ko? Wala… “Small world. So he was the father of your child.” mapait kong usal at pekeng ngumisi. “Galing, timing ang pagkakataon para sa inyong dalawa.” “Edriel… I’m… I’m sorry…” Mabilis kong tinabig ang kamay nito nang makita kong akma niya akong hahawakan sa aking braso. “No need to say sorry, Tine. Tanggap ko na. Dahil kung talagang minahal mo ako, kahit siya pa ang biological father ng anak mo. You will choose me over him. Pero mas pinili mo siya, kaysa sa akin, dahil ang totoo. You love him, Tine. Iyon ang totoo.” Hinding-hindi ko makakalimutan ang tagpong iyon. Ang masaksihan ng sarili kong mga mata kung paano yakapin at halikan ni Celestine ang Clyde na iyon. Mas mayaman ito kaysa sa akin. Kaya mas pinili ng nobya ko. Dahilan na lang talaga nito na ang lalaking iyon ang tunay na ama ng anak niya. But bullshit! Anong tingin niya sa akin, tanga? Sa tingin niya maniniwala ako sa kanya na ito ang biological father ng anak niya? Ano ‘yon? Parang teleserye lang sa tv. Na hindi mo alam ang mayaman mong boss ang tunay na ama pala ang anak mo. Damn it! I’m not stupid para paniwalaan ko siya! Magpapayaman ako, ipapakita ko sa kanya na kaya ko din umangat sa buhay. Na hindi lang ako basta si Edriel lang. Hindi ako mabubuhay lang dito sa mundo bilang isang mahirap lang. “Siya nga pala, Anak. 17th birthday ni Cristine bukas, bilan mo siya ng regalo, ha.” marahan akong tinapik ni inay sa akin balikat. “Naku, napakabait ng asawa mo, Anak. Naintindihan naman n’ya na nagtitipid tayo, alam mo ba ang sabi n’ya anak. Masaya na daw siya sa maja blanca, ‘yun daw kasi ang favorite food niya.” Nag-iwas ako ng tingin kay inay dahil wala akong maisatinig na maaari kong isagot sa kanya. Umupo si inay sa katabing silya na kinauupuan ko. “Alam ko Anak nasasaktan ka dahil sa nangyari sa inyo ni Celestine, alam kong mahal na mahal mo siya. At alam ko rin na galit ka kay Cristine. Pero, anak. Sana ‘wag mo naman basta ibunton ang lahat ng galit mo sa asawa mo. Wala rin naman siyang kasalanan. Tulad mo, hindi rin n’ya ginusto ang nangyari. Pareho lang kayong biktima. Pareho kayong nalasing. Kaya hindi patas kung magagalit ka sa kanya at ibibigay mo ang sisi dahil nakatulog siya sa kwarto mo. Nakita mo naman, mabait na bata si Cristine, masunurin pa. Kaya anak, sana pagdating ng araw. Kapag nasa tamang edad na siya, mahalin mo din s’ya tulad ng pagmamahal mo sa ate Celestine n’ya. Hiling ko ‘yan anak, sana gawin mo. Isipin mo na lang, baka kayo talaga ng kapatid ng nobya mo. At kayo talaga ang nilaan ng poon para sa isa’t-isa. “Gabi na, bakit gising ka pa?” tanong ko nang makita ko si Cristine sa hamba ng kusina habang busy ako dito sa lamesa at umiinom ng beer. Kita ko kung paano ito napilitang pumihit paharap sa akin at lumakad papasok sa kusina. “U-uhm. Iinom lang po sana ako ng tubig, kuya Edriel.” garalgal ang tinig dahil sa kaba nito sa akin at hindi makatingin ng diretso sa mukha ko. Ramdam ko ang labis na pagkailang nito sa akin. Kagat ang aking pang-ibang labi na lumapit si Cristine sa fridge, maingat nito na binuksan iyon at kumuha ng malamig na tubig. Umabot ito ng baso at nagsalin ng tubig. Hadalian ang ginagawa nitong pag-inom kaya naman halos masamid na. Kahit sa can beer na iniinom ko ako naka-focus. Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko ang kamay ni Cristine na nanginginig dahil sa presensya ko dito sa kusina. Nang matapos itong uminom, binalik ang pitsel sa loob ng fridge at hinugasan ang baso na pinag-inuman sa sink. “T-tulog na po ako, kuya Edriel.” halos pabulong na sambit ko at mabilis na humakbang palayo sa lamesa. “Sandali, Cristine, may ibibigay pala ako sa ‘yo.” habol na pigil ko sa kanya sa mababang tinig. Agad naman tumigil si Cristine sa paghakbang at humarap sa akin. Bahagyang namilog ang mga mata nito nang makita ang maliit na box na nilapag ko sa ibabaw ng lamesa. Inusad ko ang kulay itim na maliit na box papunta sa kanya. “Gift ko para sa ‘yo,” tumungga ulit ako ng beer at pagkatapos ay tumingin rito ng diretso. “Sana magustuhan mo,” Maliit na lang ang pera ko sa banko, pero nagpasya pa rin ako na bilihan ito ng gold necklace. Mabilis na dinampot ni Cristine ang box sa ibabaw ng lamesa. “S-salamat po, kuya Edriel.” ngiti na pasasalamat nito at pagkatapos ay agad na akong iniwan dito sa kusina. “Tsk! Feel strange! I feel weird ng sandaling magtama ang mga mata namin ni Cristine.” I shook my head. Took another sip of my beer. “I’m not that drunk, right?” tinitigan ko ang hawak kong can beer at pinaikot ikot ito. “Sinira pa rin ng batang ‘yon ang lahat. Nawala sa akin ang ate Celestine n’ya. Worse, naging tatay pa niya ako na nagpapa-aral sa kanya. Habang ang ate Celestine n’ya, hayon, nagpapasarap kasama ng lalaki nito. Ako, heto, nagpapaka-tatay sa kapatid nito. Saklap ng buhay mo, Edriel…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD