Chapter 8

1864 Words
CRISTINE “Mine V-neck dress for only 250 pesos mga mhi—--” agad akong napatigil sa aking pagsasalita ng marinig ko ang nagmamadali at sunod sunod na katok sa pinto ni Nay Anissa. I sigh, may problema kaya si nay Anissa? Sa himig kasi nito ay parang may humahabol sa kanya sa bawat katok nito sa labas ng pinto. “Saglit lang mga Mhi, ha.” lumakad ako papunta sa pinto upang buksan iyon na suot pa ang v-neck dress na fini-flex ko sa miners ko. “Nay—-” “Cristine, anak. Gusto ka raw makausap ng asawa mo!” nasa ekspresyon ng mukha ni Nay Anissa ang pangamba. Isang mahaba at malalim na paglunok ang ginawa ko nang makita kong ka-video call ni Nay Anissa si kuya Edriel. Umahon ang kaba sa aking dibdib. Patay, yari ako. Baka naikuwento na ni Nay Anissa kay kuya Edriel ang tungkol sa pagbebenta ko ng ukay. I bit my lower lip. Kung pwede lang hindi ko kausapin si kuya Edriel ay gagawin ko. Pero hindi maaari. Pinagpawisan ako ng malapot nang iharap ni Nay Anissa ang screen ng phone nito sa akin. Ang salubong na mga kilay ni kuya Edriel ang bumungad sa akin. Hinawakan ko ang phone ni Nay Anissa dahil inabot nito iyon sa akin. “Hubarin mo nga ‘yan suot mo, and accept my video call, now!” matigas na utos ni kuya Edriel sa akin. Ito ang unang beses na sigawan niya ako. “O-okay po, k-kuya E-Edriel…” It felt like something was stuck in my throat and my hands trembled as I replied. Mabilis kong binalik kay Nay Anissa ang phone nito. “Sige na po Nay, ako na po ang kakausap sa kanya.” ramdam ko ang pagpipigil ng inis at galit ni kuya Edriel sa kanyang tinig. “Sige, anak.” paalam ni Nay Anissa at naputol na ang pag-uusap ng dalawa. “Kakausapin rin kita mamaya, ha, Cristine.” sabi ni Nay Anissa sa akin bago ito tuluyang lumabas ng kwarto. Pagka-alis ni Nay Anissa. Mabilis akong nagpaalam sa mga viewers na i-end ko na ang live dahil may emergency. In-accept call ko kaagad ang video call ni kuya Edriel sa akin. “Wala na ba kayong makain ni Inay, Cristine? Kaya kung ano ano na lang ang binebenta mo online?” halos mag-echo ang boses ni kuya Edriel dito sa kwarto dala ng galit nito sa akin. Hindi ako naka sagot dahil alam kong galit si kuya. At pakiramdam ko ay nalunok ko ang aking dila kaya hindi ako makapagsalita. “Nalimutan mo na ba ang sinabi ko sa ‘yo, Cristine? Ang sabi ko sa ‘yo, just focus on your studies! Malaking tulong na sa akin ‘yun! Hindi mo ba naisip na baka akalain ng ate Celestine mo, na ginugutom kita kaya ka nagbebenta ng kung ano ano online!” patuloy na sermon ni kuya Edriel sa akin. Napayoko ako at nagbaba ng tingin sa aking mga paa. “Simula ng dumating ka sa bahay namin, hindi kita ginutom, Cristine. Kaya ‘wag mo naman ipakita sa mga tao, especially sa ate mo na ginugutom at kinakawawa kita sa puder ko. ‘Wag mo naman akong ipahiya sa kanya, Cristine. Please lang.” matigas na sabi ni kuya Edriel. “S-sorry po, k-kuya Edriel…” I said softly. He let out a deep breath, problematically, and irritated. Hindi maitatago ng ekspresyon ng mukha nito. “Ito na ang huling beses mong gagawin ang pag-o-online selling mo, Cristine. If you need money, or anything. Just ask me. Please do it, and don’t hesitate to ask me for help. Ayokong isipin ng ate mo na hindi kita kayang buhayin.” may diin na sabi ni kuya Edriel. Si ate Celestine na naman. Palaging si ate Celestine ang iniisip ni kuya Edriel… Piniga ko ang aking palad. Kahit nahihirapan akong ibuka ang aking bibig para magsalita. Sinikap kung sagutin ang sinabi ni kuya Edriel. “O-okay po, kuya Edriel. Sorry po,” mahinang hingi ko ng paumanhin sa kanya. “Uulitin kong sabihin sa ‘yo, Cristine. Ang tanging gusto kong gawin mo. Mag-aral ka ng mabuti. Iyon lang, malaking bagay na sa akin ang sundin mo ‘yon. Dahil habang nandito ako sa abroad, kaya kitang buhayin at bigyan ng marangyang buhay.” “S-sorry po ulit, kuya Edriel. Hindi na po mauulit.” Nalungkot ako. Sayang naman ang puhunan ko sa dalawang bale na binili ko kung hindi ko maibebenta lahat ‘yon. Kahit kinakabahan ako, minabuti ko ng lakasan ang aking loob. “Uh, kuya…” kinakabahan na simula ko. Hindi ako sigurado kung papayagan niya ako sa hihilingin ko. Pera sana pumayag siya. Tahimik lang si kuya Edriel na hinihintay ang karugtong sa sasabihin ko. “Sayang naman po yung pera na pinuhunan ko sa paninda ko, pwede po bang ipaubos ko muna ang mga paninda ko. Promise po, hindi na po ako ulit kukuha ng bale.” malakas ang t***k ng aking puso na sambit. Katahimikan naman ang sinagot ni kuya Edriel. “Sige na po kuya, pumayag na po kayo. Uubusin ko lang po ang mga paninda ko, sayang po kasi talaga…” muling pakiusap ko nang hindi ito sumagot. Napayoko ako. Malalim na nagpakawala ng buntong hininga si kuya Edriel dahil sa pamimilit ko. “Magkano ba ang pinuhunan mo d’yan? I'll triple the amount. Then throw it somewhere else." Bumuka sara ang aking bibig at nagtaas ng paningin sa screen ng phone ko. Napakamot ako sa aking ulo. “P-pero… K-kuya…” hindi naman niya dapat gawin ang bagay na ‘yon. Sayang pa rin ang puhunan ko. Kahit babayaran ako ni kuya Edriel. Still, nauwi sa wala ang 3200 ko. Tapos itatapon ko pa ang mga items. “Wala ng pero-pero, Cristine. Do what I say,” matigas ang boses at seryoso ang mukha na sabi ni kuya. “S-sige po, kuya Edriel. ‘Wag mo na pong bayaran, hindi ko na po ibebenta ang natitira kong paninda.” hindi masasayang ang pera na pinuhunan ko. I just need to call a friend. Si Shiena ang tutulong sa akin! “Okay, matulog ka na. Maaga pa ang pasok mo bukas,” Nanulis na lang ang aking labi ng i-off ni kuya ang video call matapos itong magsalita. Pagkatapos naming mag-usap ni kuya Edriel. Tinawagan ko agad si Shiena at sinabi ko sa kanya ang problema ko. Hindi naman nito tinanggihan ang request ko na ito na ang magbenta ng ukay business ko. *** “Shiena!” masayang tawag ko sa kaibigan ko. Tulad ng sabi nito na pupunta dito sa bahay ngayong sabado, ay dumating nga ito. Nangunot ang noo ko nang bumaba ang mga mata ko sa tiyan nito. “Shiena—----buntis ka?!” hindi makapaniwala na sambit ko. Malabo kasing malaki lang ang tiyan nito. Kaya sure akong buntis si Shiena dahil lumobo rin ng bahagya ang pangangatawan nito. Nakangiti na hinawakan ni Shiena ang tiyan gamit ang dalawang palad. “Yes!” proud na sabi nito. Sa ekspresyon ng mukha nito, masaya siya dahil buntis ito. “S-sino ang ama? Yung boyfriend mo ba?” curious na tanong ko. “Gaga, natural. Siya, yung boyfriend ko!” Napakamot ako sa ulo. Oo nga, ang engot ko naman para itanong pa ang tungkol doon. “Tara, sa loob tayo.” sabay kaming naglakad ni Shiena papasok sa loob ng aking kwarto. Maingat naman na naupo si Shiena sa ibabaw ng kama. “Ilang buwan na ‘yang t’yan mo?” “Four months na,” “Ah. eh, kailan kayo ikakasal ng boyfriend mo?” Gusto kong pagsisihan ang pagtatanong ko kay Shiena. Bigla kasing nagbago ang timpla ng mukha nito. Nawala ang ngiti sa labi at napalitan ng kalungkutan. “Hindi pa kami pwedeng magpakasal,” mahinang sabi nito, ramdam kong mabigat sa kanyang dibdib na sabihin ang bagay na ‘yon. “A-ano? Bakit?” napakurap-kurap kong tanong. Buntis na si Shiena pero hindi pa sila pwedeng magpakasal? “Ayaw pa ng Mommy n’ya. Nag-usap naman ang mga magulang namin ng boyfriend ko. Napag-disisyunan nila na hindi pa kami pwedeng mag-live in dalawa. Susuportahan lang muna nila ang pagbubuntis ko hanggang makapanganak ako. Gusto kasi ng mama ni Elijah, makapagtapos pa siya ng college.” Napatango-tango ako. “Ah.” tipid na sabi ko. Gusto kong pangaralan si Shiena. Ayan kasi. Binigay agad niya ang sarili niya sa boyfriend niya. “Siya nga pala, Cristine. Anong plano mo sa 18th birthday mo? Uuwi ba si kuya Edriel?” Napaisip ako sa tanong ni Shiena. Oo nga pala. Malapit na akong mag 18th birthday. “Hmm… wala pa akong plano sa birthday ko. At hindi ko rin alam kung uuwi si kuya Edriel, bakit?” “Ay, dapat umuwi si kuya. Dapat nandito s’ya sa 18th birthday mo, para si kuya ang first dance mo.” “Pero okay lang naman kahit hindi umuwi si kuya Edriel—--” “Teka nga, Cristine. Bakit ba hanggang ngayon ‘kuya’ ka pa ng ‘kuya’ kay kuya Edriel? Hindi ba dapat alisin mo na yung ‘kuya’ kasi kasal na kayong dalawa. Mag-asawa na kayo kahit ayaw mo.” iritadong sabi ni Shiena sa akin. “Girl, dapat masanay ka ng tawagin na ‘Edriel’ lang si kuya kasi ikaw ang asawa n’ya. At isa pa, Cristine. Pilitin mo si kuya na umuwi sa 18th birthday mo. Dapat umuwi siya, ‘wag na ‘wag kang papayag na hindi uuwi si kuya Edriel, okay?” I looked at Shiena. I was surprised kung bakit ganoon ito kagigil na pauwiin ko si kuya Edriel sa 18th birthday ko. “Okay lang naman sa akin kahit wala si kuya Edriel sa birthday ko—---” “Naaah! Hindi pwede! ‘wag kang papayag na hindi uuwi si kuya sa birthday mo. Kailangan siya ang first dance mo kasi siya ang asawa mo.” My eyes widened. It’s strange for Shiena to act like this. “Eh, bakit ba pinagpipilitan mo na pauwiin ko si kuya Edriel sa birthday ko? Wala naman ako magagawa kung ayaw n’ya umuwi kasi may work sya. At isa pa, sayang ang plane ticket niya pag umuwi siya para lang sa birthday ko.” Hindi rin naman ako sure kung pag-aaksayahan ng oras at pera ni kuya Edriel ang 18th birthday ko. Kinuha ni Shiena ang phone sa loob ng shoulder bag nito. “Because of this,” may gigil na sabi nito. Mabilis akong tumingin sa screen ng phone ni Shiena. Pakiramdam ko. Sandaling tumigil ang pagtibok ng puso ko nang makita ko ang picture sa screen ng phone nito. Sa picture. Si kuya Edriel kasama ng mga katrabaho nito. Nag-eenjoy sa loob-----ng isang bar. Na-pako ang mga mata ko sa katabing babae ni kuya Edriel. Ang kamay ng babae ay naka-abresiete sa braso ni kuya Edriel. Lahat sila ay nakangiti sa harap ng camera. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Pero Isang bagay Lang ang alam ko, kumirot ang puso ko. Seeing kuya Edriel, smiling to that woman, my heart ached...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD