Kabanata 74

2079 Words

NAGING laman pa rin ng kaniyang isipan ang sinabi ni Aristhon sa sakayan ng bus. Paulit-ulit iyong tumatakbo na siyang nagpapagod sa kaniyang ulo. Sa mga naging salita nga naman nito'y nagsasabi iyon ng katotohanang hindi nito inilalahad sa kaniya. Gayunman hindi pa rin naman siya sigurado kung nagbibiro nga lang ba ito. Ang inilalabas ng bibig nito'y mistulang punyal na maaaring makatutulong sa kaniya't makakasugat din nang sabay. Sa paglipas ng mga araw lalo lamang siyang nalilito sa mga nangyayari. Nang hindi pa sila muling nagkita nito hindi siya gaanong pinag-iisipan ang mga bagay-bagay. Ngunit nang sandaling iyon sumusuko na lang ang kaniyang utak. Dahil nga sa hindi rin naman siya makahanap ng sagot sa kaniyang sarili. Ito lamang ang makakaalis sa kaguluhan ng kaniyang isipang hapo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD