Kabanata 75

2062 Words

UMIKOT ang pulang kotse bago ito tuluyang huminto na nakaharap ang unahan sa subdibisyon. Mayamaya'y lumabas mula rito ang sakay nito na isang lalaking nakasuot ng polong asul na mahaba ang manggas. Bumagay sa matingas nitong katawan ang suot kung kaya litaw ang taglay nitong kakisigan. Makakapal ang kilay nitong lumililim sa mga mata nitong mapungay. Higit ding mapapansin ang prominente nitong ilong sa itaas ng mamula-mula nitong mga labi. Pagkatayo nito nang tuwid matapos lumabas habang isinasara ang pinto'y gumuhit kaagad ang pagkadismaya sa mukha nito. Nakilala niya rin naman ito nang pagmasdan niya ito nang tuwid. Hindi rin nagbabago ang ekspresiyon sa mukha ni Aristhon pagtitig nito sa nakatatanda nitong kapatid. Umikot ito patungo sa kanilang kinatatayuan ni Aristhon na pinupukola

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD