SA PAGLUBOG ng araw pumunta sila sa labas ni Aristhon. Napaliguan ang kalangitan ng mamula-mula't manilaw-nilaw na liwanag. Naupo sila sa dalawang duyan sa ilalim ng puno na ang mga mata ay nakapako sa araw. Kung pagmamasdan sila sa malayo'y tila wala ba silang pinagdadaanang problema. Nagdadala nga rin naman ng kapayapaan ang araw sa pamamahinga nito. Idinuyan niya ang kaniyang sarili nang hindi gaanong kalakasan. Samantalang si Aristhon ay hindi gumagalaw habang hawaka ng cellphone sa tainga nito. Nahinto na lamang siya sa pagduyan nang kausapin nito ang tinawagan. TInapak niya ang kaniyang mga paa sa dumaan nang huminto ang duyan. "Ano bang pinaggagawa niyo't nalusotan kayo?" ang mariin nitong sabi. "Sinabi ko na inyo ang dapat niyong gawin pero pumalpak pa rin kayo. Siguraduhin niyong

