NAPUTOL lamang ang kanilang pag-uusap sa pagdating ng alalay ni Aristhon. Dala ni MIkal sa isang kamay nito ang isang basong tubig habang sa kabila namay ay ang nakasupot na puting gamot. Pagkapasok nito sa pinto na walang pagkatok, dumiretso na ito sa kinalalagyan nilang kama. Naging mabilis ang paglalakad nito kung kaya mistulang nag-uunahan ang mga paa nito. Sa hindi nito pagtigil sa paghakbang nakarating na nga ito sa kanilang dalawa ni Aristhon. Hindi niya ibinaling ang atensiyon sa pagpikit niya ng kaniyang mga mata samantalnang si Aristhon ay ibinaling dito ang tingin. Nagkasalubong ang mga mata ng dalawa. "Ito na ang gamot, Boss," pagbibigay alam pa nito kahit nakikita namang hawak nga nito. Inilagay nito sa maliit na mesa sa gilid ang mga dala. Ibinaling kapagkuwan ang tingin sa

