NAKARINIG siya ng pagragasa ng tubig mula sa shower pagmulat niya ng kaniyang mga mata. Nahanap niya ang kaniyang sarili na nakahiga sa isang kama na napoposasan ang dalawang kamay sa likuran. Sinubukan niya pang pangalawan ang sarili ngunit dahil sa nga posas ang nakalagay sa kaniyang kamay walang nangyari. Napaliguan ang buong kuwarto ng mamula-mulang liwanag ng araw na pumapasok sa salaming dingding sa gawing kaliwa niya. Itinigil niya na lamang ang pagkilos at bumangon na lamang nang paupo. Napako ang kaagad ang kaniyang tingin sa pintuan ng palikuran kung saan lumabas si Aristhon na walang ano mang saplot sa katawan. Kung kaya nga nalantad sa kaniya ang kahubdan nito. Nagpupunas ito ng ulo gamit ang puting towel kaya hinid nito napansin ng gising na siya nang mga sandaling iyon. Natig

