Kabanata 34

2550 Words
HINDI naman siya puwedeng maghintay lang kay Aristhon na ilabas siya ng piitan. Magagalit lamang siya sa kaniyang sarili kung wala siyang ginawa kung sakaling hindi nga nito ituloy ang pagtulong sa kaniya. Lumabas nga rin naman itong hindi man lang nagpapaalam sa kaniya kaya hindi na siya sigurado na tutupad nga ito sa kanilang usapan. Mas maganda nga iyong gumawa na rin siya ng paraan nang wala siyang pagsisihan sa huli. Dahil dito tumawag siya sa labas sa telepenong pinapagamit sa kanilang mga preso. Pumuwesto siya sa isa mga telepono't inilagay ang numero niyang dapat tawagan. Umiirit ang bawat buton ng numero sa pagpindot niya ng hintuturo rito. Inilagay niya ang handset sa kaniyang tainga't sa pagtunog ng linya. Napapahawak pa siya sa kahong kinalalagyan ng telepono. Huminga siya nang malalim kasabay ng paglalaro ng kaniyang daliri sa kahon na gumagawa na hindi nagbabagong tunog. Lumipas ang ilang minuto na walang sumasagot sa kaniyang naging tawag na nagpakunot sa kaniyang noo. Naputol na nga lamang ang tawag na hindi nasasagot. Inalis niya ang reciever sa kaniyang tainga't pinakatitigan iyon nang masama na para bang nakalagay doon ang mukha ng kasamahan niyang pulis. Nagsisimula man siyang muling mainis, inilagay niya pa rin naman ang numero. Humugot siya sa ikalawang pagkakataon ng malalim na hininga habang tinatapik-tapik naman ang kanang paa sa sahig. Ngunit katulad ng una tumutunog lamang ang linya, wala pa ring tumatanggap sa kaniyang tawag. Hindi niya napigilan ang sarili na tuluyang sumabog sa inis. Pinaghahampas niya ang handset sa kahon at pinakawalan na siyang naging dahilan kaya bumitin iyon. Ikinapit niya ang kaniyang dalawang kamay sa kahon ng telepeno habang nakayuko. Ang kaniyang isipan ay naglalakbay, maraming dahilan ang naglalaro sa kaniya kung bakit hindi sinasagot ng kasamahan niya ang tawag. Posibleng abala lang ang kasamahan niya puli. Hindi naman kaya ay naiwan ang telepono. Ang hindi magandang naiisip niya'y tinanggal ang task force na sinalihan niya. Masaklap pa kung sinadya ng mga ito na huwag siyang sagutin dahil nga sa pinabayaan na siya sa loob, wala na nga talagang ilabas siya roon ng kaniyang kasamahan. Hindi maganda ang bagay na iyon lalo na't siya ang gumagawa ng lahat, plano lamang ang naambag ng mga kasamahan niya. Matapos nga siyang magamit pinabayaan lamang siya ere nang masaktan sya sa pagkahulog at maibaon ang sarili sa hukay nang buhay. Gayunman ang tumatakbo sa kaniyang isipan mas pinili niyang hawalan ulit ang handset ng telepono bago man maubos ang kaniyang oras para magamit ang telepono. Mabigat ang naging paghinga niya sa huling pagkakataon na inilalagay niya ang numero. Sa puntong iyon naputol kaagad ang naririnig niyang pag-ring nang mayroon na ring sumagot sa kaniyang tawag. Nasabi niya tuloy na abala nga lang marahil ang mga kasamahan niya sa task force. Hindi siya kaagad nakapagsalita nang maunang magsalita ang kasamahan niyang pulis sa kabilang linya. "Sino ito?' ang tanong ng kaniyang kasamahan na si Yugo mula sa kabilang linya. Ang taong bumibisita sa kaniya sa piitan na iyon. Tumuwid siya sa kaniyang pagkaupo habang humihigpit ang kapit ng kaniyang kamay sa reciever ng telepono. "Ako ito," ang sagong niya naman dito. Narinig niyang bumulong ito sa kabilang linya para sa taong kasama nito sa mga sandaling iyon. Makalipas ang ilang segundo kinausap na siya nito. "Napatawag ka?" ang mahina nitong tanong. Napansin niya ang pagkabigla sa boses nito. Hindi nga ito dapat nagtatanong nang ganito dahil alam naman ng mga ito na darating ang araw na siya ay tatawag. "Mayroon bang nangyari sa iyo na hindi maganda?" ang dugtong nito. Kumilos ito na naririnig niya sa ingay ng upuan nitong inalisan. Nagkamot siya siya sa kaniyang kanang kilay na lumililim sa malalim niyang mata. "Wala namang nangyari sa akin," sabi niya rito. Wala naman talagang nangyari sa kaniyang hindi maganda nitong mga nakaraang araw. Maliban sa madalas niyang mapanaginipan si Aristhon na paulit-ulit siya nitong pinapasok sa likuran niyang lagusan. "Ano bang sasabihin mo? Sandali lang. Lalabas lang ako," ani nito kapagkuwan ay muli itong bumulong sa kabilang linya. Napapabuntonghininga na lamang siya nang malalim. Hindi naman nito kailangang bumulong kung ang mga kasama nito nang sandaling iyon ay ang iba nilang kasamahan. Hindi naman niya narinig na naglakad ito kundi pagpitik lang ng teklado ng kompyuter. Nagsalubong na lamang ang dalawa niyang kilay, sapagkat pakiramdam niya ay mayroong tinatago ito sa kaniya. Hindi niya gustong isipin na tungkol sa kaniyang ina kunga tama nga siya sa kaniyang hinala. "Bakit kailan mo pang lumabas?" ang naisipan niyang itanong nang mahuli niya ito sa sariling bitag. "Baka makita akong kausap ka," sagot naman nito na kaniya lamang pinagtaka. Hindi niya maintindihan kung bakit ba patago pa itong makipagusap sa kaniya kung iyon nga ang ginagawa nito. Hindi niya maiwasang isipin na marahil nga ay mayroong nangyari sa kaniyang mga kasamahan habang nasa loob siya ng piitan. "Ano bang nangyayari riyan?" ang naitanong niya nang makasigurado siya kung hindi siya nagkakamali sa mga naiisip. Inalis niya ang pagkabutones ng suot na polo dahil nagsisimula nang makaramdam siya ng init sa pananatali niya sa silid na kinalalgyan ng mga telepono. "Wala namang problema rito," sagot naman nito. Nahahalata niya rin namang nagsisinungaling nga ito sa kaniya. Bumababa nang bumababa ang kaniyang kamay sa pagtanggal sa butones. "Sige nga kung wala, kakausapin ko si Chief," pagbibigay alam niya rito. Bumitiw siya sa kaniyang suot na polo nang maalis na niya ang huling butones nito. Bumagsak ang polo matapos ngang hinayaan niyang nakabukas iyon. "Hindi mo siya puwedeng kausapin," ang nagmamadali nitong sabi dahil sa kabang nararamdaman. Nagsalubong ang dalawa niyang kilay na ikinakunot ng kaniyang noo sa narinig mula rito. "Bakit naman hindi? Siya ang nag-utos sa akin pumunta rito," paalala niya sa kasamahan niyang si Yugo. Sigurado siyang matutulungan siya ng kaniyang chief gayong ito ng rin naman ang lider nila. Naging buo ang tiwala nito sa kaniya na magagawa niya ang misyon kaya nga siya ang inilagay nito sa gawain na iyon. Hindi niya nakakalimutan ang mga naging salita nito sa kaniya sa unang araw niya pa lang sa task force. Dahil nga sa kakaiba siya sa karamihan na mga pulis sa presinto na kaniyang pinagtratrabahuan madalas siyang husgahan ng mga kasamahan niya. Nagbago nga lang nang kunin siya ng kaniyang chief para sumali sa task force. Hindi naman siya tumanggi dahil nga sa kailangan niya nga rin naman iyon. Sa trabaho niya nga task force hindi niya kailangang madalas na pumunta sa tanggapan ng mga pulis. Kung kaya nga nagugulat siya sa pinagsasabi ni Yugo na para bang ibang tao na siya sa mga mata nito. Mas lalo pa siyang nagulat sa sumunod nitong sinabi sa kaniya. "Pinagbabawalan kaming sagutin ang tawag mo," pagbibigay alam nito sa kaniya. Humigpit pa lalo ang kapit niya sa handset ng telepono. Nahuhulaan niyang walang patutunguhan ang pagtawag niya nang araw na iyon, masasayang lamang ang pakiusap niya sa warden na makatawag. "Anong pinagbabawal? Hindi ako naniniwala sa sinabi mo," aniya nang magsinungaling siya sa kaniyang sarili na maayos pa nga ang lahat. "Ano bang itinawag mo?" ang tanong nito nang makaiwas sa pag-usisa niya rito. "Nagawa mo na ba ang inutos sa iyo? Napatay mo na ba si Gustavo?" Bumuntonghininga siya nang malalim upang kumalma. Hindi siya puwedeng magalit dahil nga baka mamaya niyan ay hindi nga siya tulunga ng mga ito na makalabas sa piitan na iyon. "Oo. Kaya ilabas niyo na ako rito nang walang na akong maging problema." "Iyan nga ang problema," sabi naman ni Yugo sa mahinang boses. "Hindi ko gusto ang narinig ko mula sa iyo," ang mariin niyang sabi rito. "Ano ang ibig mong sabihin?" Hindi na nga niya nagawang kumalma. Nagsisimula namang kumulo ang kaniyang dugo dahil sa inis na kung hindi mapigilan tuluyan siyang sasabog sa galit. Gusto niyang marinig mula rito na nagbibiro lang ito kaya hinintay niya itong magsalita bago niya muling ibuka ang kaniyang bibig. "Huwag kang mabibigla," pagsisimula nito sa balitang naisip na nga niyang mangyayari. "Hindi ka na makakalabas pa." Inasahan na nga niyang maririnig niya iyon mula kay Yugo ngunit mistula pa ring naging bomba iyon sa kaniyang bibig. Nagsilabasan ang ugat sa kaniyang kamay sa higpit ng kapit niya sa handset ng telepono. Ang mga mata niya ay nag-aapoy sa galit habang tiim ang bagang. "Sinabi ko na nga bang mangyayari ito," ang nasabi na rin naman niya. "Hindi na dapat ako sumunod. Pero, bakit hindi? Ipaliwanag mo." Hindi man naging mataas ang kaniyang mga salita mayroon namang diin na iyon. Malalaman dito ng kausap niyang su Yugo kahit hindi siya nito nakikita na nagagalit na siya sa kabilang linya. Maririnig ang paghugot ng hininga ni Yugo. "Nalaman ng head natin ang ginagawa ng task force," panimula nito sa paliwanag nito sa kaniya. "Ito pa lang chief natin iba ang sinabi niyang magiging trabaho natin. Kaya nang makarating sa kaniya ang mga nangyari sumugod siya kaagad sa hideout natin. Pinasara niya ang hideout at kinumpiska ang mga nakuha nating ebidensiya't impormasyon sa lahat ng mga taong inembistigahan ng task force. Nagkainit pa nga ng ulo ang chief natin at ang head ng department. Sinabi ng head na kung gusto naming manatili sa trabaho kailangang ipapasan sa iyo ang lahat dahil nga ikaw rin naman ang pumatay at nang maging maayos ang lahat. Sinubukan naming kausapin ang head kaso hindi kami pinangkinggan. Sabi pa nga niya ginamit pa natin ang pagiging pulis para lang pumatay ng mga tao. Hindi niya maintindihan na puro kriminal lang ang pinupunterya natin. Kaya asahan mong sa susunod na mga araw na pananatili mo sa piitan madagdagan ang mga kaso mo. Hindi malayong makukulong ka habang bubay. Ang masaklap pa ay kung papatawan ka ng kamatayan." Nasuntok niya ang kahon sa katapusan ng mga nasabi nito. Umingay na lamang iyon sa nagawa niya. "Ano naman ang ginawa ni Chief? Huwag mong sabihing hinayaan niya lang ang head sa gusto nito." "Pinilit din namang pinaintindi ni Chief kung ano talaga ang tunay na layunin ng task force. Nakuha niya pa ngang lumuhod sa harapan ng head. Kaso wala talagang nangyari. Itinuloy pa rin ng head ang naging desisyun nito. Wala na ngang nagawa si Chief kundi sumunod na lamang. Huwag kang magagalit sa amin, ginawan naman namin ang lahat." "Huwag kang mag-aalala, hindi ako nagagalit," pagsisinungaling niya rito na tiim ang bagang. Kailangan niya pang makausap ang chief. Hindi malayong kapag sigawan niya si Yugo ibaba nito kaagad ang tawag kaya kailangan niya pa ring kontrolin ang kaniyang sarili. "Gusto ko na lang kausapin si Chief. Gusto kong sa kaniyang bibig ko talaga marinig na hindi na nga talaga ako makalalabas." "Hindi mo nga siya puwedeng kausapin. Maniwala ka sa akin. Baka pati mapagalitan. Matatanggal pa ako sa trabaho." Nagpakawala siya nang mainit na hininga. Sa narinig niya mula sa kasamahang si Yugo napagtanto niyanh sarili lang nito ang iniisip. Wala talaga itong pakialam sa kalagayan niya loob ng piitan. "Sige. Huwag na. Wala ka man lang naitulong sa akin ngayon samantalang kapag kailangan mo tulong ko hindi ako nagdadalawang-isip na tulungan ka," ang nasabi niya rito nang kahit papaano ay makonsensiya naman ito. Iniba na lamang ang usapa dahil iisang bagay lang naman ang mahalaga sa kaniyang buhay. "Kumusta naman ang ina ko?" dugtong niya nang malaman ang kasalukuyang kalagayan ng kaniyang ina sa ospital. "Lalong naging maganda ang kalagayan niya. Ang sabi pa nga ng doktor ano mang oras ay posibleng magigising na siya. Huwag kang mag-aala riyan," sabi nito. "Kailangan ko nang bumalik sa loob baka hinahanap ako." Hindi na siya nakapagsalita pa nang walang sabi-sabing pinutol na nga ito ang tawag. Naalis niya ang handset sa kaniyang tainga't pinagmasdan iyon nang masama. Sa galit niyang nararamdaman, malakas niyang ibinalik iyon sa receiver. Kapagkuwan ay pinagsusuntok niya ang receiver kahit gawa iyon sa bakal. Doon niya naibuntot ang sama ng nangyayari sa kaniya nang sandaling iyon. Pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya ng kaniyang mga kasamahan sa trabaho. Napapasigaw na lamang siya dahil mukhang hindi na siya makakalabas sa piitan na iyon maliban na lang kung tumakas siya o hindi naman kaya ay balikan siya ni Aristhon. Natigil lang siya nang bumukas ang pinto. Tinulak iyon ng guwardiyang nagbabantay sa kanilang selda. Pinagmasdan siya nito nang tuwid kapagkuwan inilipat sa telepono, lumalaylay ang handsent niyon. Sa nakita pumasok nga ito nang tuluyan kapagkuwan ay ibinalik sa ayos ang handset. "Ano ang nangyayari sa iyo?" ang naitanong pa sa kaniya ng guwardiya nang ibalik nito ang atensiyon sa kaniya. Sinalubong niya ang mga mata. Wala naman siyang balak na sabihin dito kung ano ang dahilan kaya siya sumabog. "Wala naman," tugon niya lamang dito. Pinanliitan siya nito nang tingin. "Sigurado ka? Matutulungan kita kung makakaya ko," ang nasabi nito. Nahiwagaan siya sa narinig mula rito. "Anong nakain mo? Bakit pakiramdam ko ay nagpapakabait ka sa harapan ko," ang hindi niya napigilang sabihin dito. "Hindi ka naman ganiyan." "Gusto ko lang. Bakit masama ba? Dapat nga matuwa ka pa na mayroong gustong tumulong sa iyo." "Iyon lang, hindi ka makatutulong sa akin," ang nasabi niya naman dito. "Paano mo naman nasabi gayong hindi ko pa naman alam kung ano ang problema mo? Ano bang kailangan mo?" Sinalubong niya ang mga mata nito, mukha namang nagsasabi ito ng totoo kaya pinag-isipan niya. Sa huli ay nakapagdesisyun din naman siya. Kahit alam naman niyang wala naman talaga itong maitutulong nakuha niya pa ring sabihin dito. "Ilabas mo ako rito sa piitan," wika niya na ikinanlaki ng mata nito. "Makakalabas ka lang rito kung makapangyarihan ka katulad ni Aristhon," paalala naman niya rito. "Sabi ko ngang wala kang maitutulong. Nagtanong ka pa." "Guwardiya lang ako. Hindi ko kayang ibigay ang hinihingi mo," paliwanag naman nito na kaniya namang ikinabuntonghininga nang malalim. Itinikom na lamang niya ang kaniyang bibig kaya pinagpatuloy nito ang pagsasalita. "Kakausapin ka ng warden." "Bakit naman daw?" aniya dahil pakiramdam niya ay tungkol naman iyon sa pagkamatay ni Gustavo. Palagay niya ay gagamitin ng warden ang bagay na iyon para mahawakan siya sa leeg. "Hindi ko alam," sambit nito. "Hindi mo dapat ako tinatanong." "Akala ko ay sinasabi sa iyo," ang makahulugan niyang sabi rito. Sumagi sa isipan niya ang nangyari rito't sa warden. Natigil siya sa pag-iisip nang mapagtantong baka pati iyon ay panaginip lang din katulad ng naganap sa pagitan nila ni Aristhon. Humawak ito sa suot na sinturon. "Ano ang akala mo sa akin? Guwardiya lang ako rito." "Malay ko namang madaldal siya't nasabi nga sa iyo. Inutusan ka nga, hindi ba?" "Inutusan niya ako dahil warden siya rito. Sumusunod ako sa utos na hindi kailangang magtanong kung ano ang dahilan." Inalis na lamang nito ang kamay sa sinturon sa inis na naramdaman. "Sige. Iyan ang sabi mo. Baka mamaya nagpapanggap ka lang na wala ka talagang ideya." Inayos niya ang kaniyang suot na polo. Binutones niya lamanf ang nasa gitna. Sumama ang mukha ng guwardiya sa kaniya. "Basta sumunod ka na lang. Dapat kang pumunta sa kaniya kaagad nang hindi ka mapag-initan ng ulo. Alalahanin mong wala nang magproprotekta sa iyo. Wala na si Aristhon." Humakbang na ito patungo sa nakabukas na pinto. Sumunod din naman siya kaagad sa likuran nito. "Hindi ko naman kailangan ng preteksiyon," ang nasabi niya na lamang dito na walang naging halaga para rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD