Kabanata 35

2571 Words
NAKAUPO ang warden sa ilalim ng lilim ng malaking payong sa tabi ng malawak na bakanteng lupa. Sa kalayuan ay matatanaw ang paglubog ng araw na siyang nagtatapon ng manilaw-nilaw at mapula-pulang liwanag sa buong paligid. Sa harapan nito ay nagkalat ang mga presong hindi pa natatapos sa pagbungkal ng lupa na tatamnan ng mais. Nakatayo sa likuran nito ang dalawang guwardiya at ang iba naman ay nagbabantay sa mga preso. Hindi pa man sila nakakalapit ng guwardiyang kasama niya kinalalagyan ng warden mayroon itong nasabi sa kaniya. "Alam mo na rin naman siguro kung ano gusto ng warden, hindi ba?" sabi nito sa kaniya. Tiningnan niya ito dahil sa nasabi nitong iyon. "Iyong nakikipaglaro siya ng apoy sa mga preso?" paniniguro niya rito dahil sa narinig niya nga rin namang nakipagtalik ito sa warden. "Oo," sagot naman nito sa kaniya. "Gusto mo rin naman ang ganoon. Tipo mo ang mga lalaki." "Nagkakamali ka naiisip mo," pagtama niya rito sa patuloy nilang paglalakad. "Paanong nagkakamali ako samantalang mayroong nangyari sa inyo ni Aristhon," paalala nito sa gabing hindi niya nakakalimutan na inakala niya nga rin namang isang panaginip lamang katulad ng mga pagdalaw sa kaniya ni Aristhon habang siya ay natutulog. "Ibig mong sabihin, totoong mayroong nangyari talaga sa amin ni Aristhon," pag-usisa niya rito. "Oo. Ngayong alam mo na ang totoo huwag ka na ring magulat sa gustong mangyari ng warden." Hindi na nasundan pa ang kanilang pag-uusap nang makarating na sila sa gawing kanan ng warden. Lumingon ito sa kanila't tinutok ang mata sa kaniya. Gumuhit kaagad ang matalim na ngisi sa labi nito pagkatanggal nito sa makapal na tabako sa bibig. "Narito ka na," ang nasabi nito na hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Sinalubong niya ang mga mata nito sa kaniyang pagbuntong-hininga nang malalim. "Ano bang kailangan mo?" ang wala niyang buhay na tanong. Iba ang naging tunog ng nasabi niya sa warden. Sa tainga nito ay mayroon iyong iritasyon. Sabi nito, "Hindi mo ako dapat kinakausap nang ganiyan. Ako na ngayon ang mayroong hawak sa buhay mo. Sa isang salita ko lang puwede ka nang mamatay." Itinuro nito ang hawak na tabako sa kaniya't humithit nang matagal. Pinuno nito ang baga ng usok niyon. Napabuga na lamang siya nang mainit na hangin. Hindi niya talaga nagugustuhan ang kausapin ang warden. "Nananaginip ka nang gising," pagsalungat niya rito. Agarang sumama ang mukha ng warden sa huling nasabi niya. Nagsalubong ang dalawang kilay nito na ikinakunot ng noo nito. Nadagdagan pa ang kulubot ng mga pisngi nito sa pagtiim nito ng bagang. Marahas nitong inalis ang makapal na tabako sa bibig. Binuga kapagkuwan ang usok. Hindi ito nagsalita nang isenyas nito ang ulo sa dalawang guwadriyang nakatayo sa kaniyang kaliwa. Walang pagdadawalang-isip na sumunod ang dalawang guwardiya sa warden. Nilapitan siya ng mga ito't walang sabi-sabing sinikmuruan siya nang magkasabay. Nagkunwari siyang namimilit siy sa sakit kay lumubod siya matapos maalis ng dalawang guwardiya ang kamao ng mga ito. Iniyuko niya pa ang kaniyang ulo nang mas maging kapanipaniwala na nakakaramdam siya ng sakiy. Sinapo pa niya ang kaniyang tiyan habang nilulukot ang mukha. Hindi na nakakakilos ang guwardiyang nagbabantay sa kanilang selda. Wala nga rin itong magagawa para mapigilan ang warden kahit gustuhin man nito. Sa pagwasiwas ng warden sa kaliwang kamay na mayroong hawak sa tabako lumayo nang ilang hakbang sa kaniya ang dalawang guwardiyang sumuntok sa kaniya. Umalis sa kinauupuan ang warden kapagkuwan ay lumapit sa kaniya. "Mula ngayon mo ayusin mo ang pagsasalita mo." Sinabunotan siya nito sa humahaba na niyang buhok sa likod ng kaniyang ulo na siyang dahilan kaya naiingat niya ang kaniyang mukha. "Gawin mo nang hindi ka mahirapan. Madali lang naman akong kausap. Magiging maayos ang pananatili mo rito basta makinig ka lang sa lahat ng sasabihin ko't susundin mo ang gusto kong ipagawa sa iyo." Naamoy niya ang mabaho nitong hininga dahil sa naghalong amoy ng tabako at ng huling kinain nitong inihaw na isda. Puno man ng pagbabanta ang mga naging salita nito ngunit wala naman iyong naging epekto sa kaniya. Nakaya niya ngang hindi matakot kapag kaharap si Aristhon. Hindi siya magpapatibag sa warden na makapangyarihan lang naman dahil sa posisyon nito. Kung mawawala ito sa piitan magiging ipis lamang ito na kung saan-saan gumagala. "Hindi mangyayari ang gusto mo," ang matigas niyang sabi na tiim ang bagang. Tumalim ang tingin nito sa kaniya kasabay ng paghigpit ng kapit nito sa kaniyang buhok. "Kung ganoon mamatay ka talaga rito!" sigaw nito. Sa lapit ng bibig nito sa kaniya tumaginting iyon sa kaniyang taing. "Hindi ka na makalalabas pa rito nang buhay katulad ng ginawa mo kay Gustavo. Malabo ka nang matulungan ni Aristhon ngayon. Kinalimutan ka na. Akala mo siguro ay isasama ka niya sa paglabas niya. Nagkamali ka. Walang iniisip na iba ang taong iyon kundi sarili niya lamang. Naiintindihan mo? Mag-isa ka na lang ngayon. Isang dumi ka lang na maari kong linisin ano mang oras." "Hindi ko siya kailangan," ang matapang niyang sabi. "Makakaya kong makalabas dito." Magagawa niya nga rin namang kung kinakailangan. Kahit tumakas siya ay gagawin niya makalaya lamang siya sa piitan na iyon. Ilang araw na rin niyang iniisip kung paano niya mangyayari iyon. "Tingnan natin kung magagawa mo." Gumuhit sa ikalawang pagkalataon ang ngisi sa labi nito. "Sa palagay ko ay hindi ka tatagal dito kung ganiyan ang pinapakita mo sa akin. Pero bago pa mangyari iyon pagsasawaan muna kita. Luluhod ka rin sa harapan ko." Nakuha pa siya nitong dilaan sa kaniyang pisngi. Nandiri siya sa ginawa nito malayo kapag si Aristhon ang gumawa niyon. Mainit ang dila nito gawa ng paninigarilyo nito na umabot sa ibaba ng talukap ng kaniyang kaliwang mata. Pagkatigil nito'y walang takot niyang dinuraan ito sa mukha. Naipikit na lamang nito ang mga mata sa pagkagulat. Muling tumiim ang bagang nito nang alisin nito ang laway niya sa pisngi sa pagpunas ng likod ng sleeve ng suot nitong uniporme. Nakuha pa nitong pagmasdan ang basa. Pagbalik nito ng tingin sa kaniya malakas siya nitong sinampal. Sa lakas ng paghampas nito ng palad tumabingi ang kaniyang mukha. Hindi pa rin siya nagpatinag dito kahit nasaktan na siya nito. Sinamaan niya ito nang tingin nang ibalik niya ang atensiyon dito. "Kahit ano pang gawin mong pananakit mo sa akin, hindi pa rin ako luluhod sa harapan mo," ang matapang niyang sabi. 'Manigas ka." Sa galit nito sa kaniya'y nasuntok naman siya nito na ikinaputok ng kaniyang pisngi. "Humanda ka," sabi nito nang maalis ang tingin niya rito. Tumayo ito't ibinaling ang tingin sa dalawang guwardiyang nakatayo sa kaniyang tabi. "Hubaran niyo," utos nito. Kumilos nga ang dalawang guwardiya kaya hindi na siya nagulat nang hawakan siya ng isang guwardiya mula sa likod. Inipit nito ang kaniyang dalawang kamay nang maitayo siya. Samantalang ang isa ay hinubad ang kaniyang suot na pantalon. Wala itong iniwan sa kaniya kahit na ang salwal. Nabalandra nga sa lahat ng mga matabg naroon ang masilan niyang bahagi ng katawan. Sinubukan niya pang kumawala ngunit hindi naman siya nakalaya dahil sa pagtutok ng warden sa kaniyang ulo ng baril na kuwarenta ey singko na inilabas nito mula sa tagiliran ng suot nitong uniporme. "Ano pang hinintay mo?" paghahamon niya rito. Inalis nito ang tingin sa kaniya't sinulyapan ang dalawang guwardiya. Naintindihan naman ng dalawang guwardiya kung ano ang gustong mangyari nito kaya binitiwan siya ng mayroong hawak sa kaniya. Sa nangyari napaluhod na lamang siya ulit. "Huwag mo akong subukan." Idinikit nito ang malamig na nguso ng baril sa kaniyang noo. "Alisin mo ang natitira mong suot kung ayaw mong pasabugin ko ang bungo mo." "Nakalimutan mo kaagad na hindi ako makikinig sa iyo," paalala niya rito. Nadagdagan ang init ng ulo sa narinig mula sa kaniya. Binaril nito ang kaniyang tainga. Nadaplisan siya niyon na siyang naging dahilan ng labis na pagkirot. Hindi rin nawala ang kaniyang pagbingi sa kapit ng baril. Nagdurugo na lamang ang tainga niya dahil sa sugat. Tumulo ang dugo niyon sa kaniyang balikat. Hinawakan niya iyo nang tingnan niya ang warden sabay tinitigan ang palad na nagdurugo. Nang iangat niya ang tingin mula sa kaniyang palad sumama na ang kaniyang mukha sa galit niyang nararamdaman para sa warden. Muli nitong idinikit sa kaniya ang nguso ng baril. Sa pagkakataon na iyon sa kaniya namang mga mata. "Gawin mo na ang pinapagawa ko sa iyo," mariin nitong utos sa kaniya. Tiningnan niya lamang ito nang tuwid na hindi kumikilos. Sa huli ay hindi na ito nakatiis kaya binaril nito ang kaniyang hita. Napatitig na lamang siya sa pagdurugo niyon. Hindi pa rin siya nagpatinag sa warden na siyang naging dahilan ng paghampas nito ng baril sa kaniyang ulo na kaniyang ikinayuko. Binubutas ng sakit ang kaniyang hita na kapag mayroon siyang sensasyon pihadong manghihina siya sa sakit. Hindi nagtapos doon ang pagpapahirap nito sa kaniya sapagkat sinipa siya nito sa kaniyang balikat. Naging dahilan niyon ang kaniyang pagbagsak sa lupa. Sinundan nito kaagad iyon ng isang sipa pa ang kaniyang tagiliran. Gumuhit ang pagtataka sa mukha nito nang mapagtanto nito wala man siyang nagiging reaksiyon sa pananakit nito sa kaniya. Lalo lamang itong sinakluban ng galit dahil wala man lang nakukuhang ano mang pagdaing mula sa kaniya. Hindi ito tumigil sa pagsipa sa kaniyang katawan na nagsimula nang magkaroon ng mga pasa. Napapangiwi na lamang ang guwrdiyang nagbabantay sa kanilang selda na nakatingin sa kaniya. Samantalang ang dalawang guwardiyang kasama ng warden ay labis ang tuwa na makakita ng pinapahirapang preso. Nakaguhit sa mga labi ng mga ito ang matatalim na pagngiti. Sa hindi nito paghinto nanghina na ang kaniyang katawan. Nakatingin lamang siya sa kawalan dahil wala rin namang saysay na magreklamo siya. Inisip niya na lang kung paano siya makakaganti sa warden habang naroon siya sa piitan na iyon. Hinayaan niya lang ang warden sa pagsipa sa kaniya. Huminto lamang ito nang makaranas na ito ng pagkahingal. "Hubaran niyo't itali niyo sa upuan," utos nito sa dalawang guwardiya na habol ang hininga. Atubiling sumunod nga ang dalawa. Hinila ng isang guwardiya ang upuan mula sa ilalim na malaking payong. Ang isa naman ay hinubad na ang pang-itaas niyang suot na puno na ng dumi. Pinunit lamang nito ang uniporme para maalis. Tuluyan nga siyang naging hubo't hubad sa paningin ng ibang tao. Maging ang ilang mga presong nagbubungkal ng lupa ay napapalingon na rin sa nangyayari. Hindi rin naman humihinto ang mga ito sa gawain. Binitiwan lamang ng guwardiya ang hinubad niyang nahuhuling damit na pinulot naman ng guwardiyang nagbabantay sa kanila. "Siguraduhin niyong igapos nang mabuti para hindi makakilos," ang nasabi ng warden sa paglapit ng guwardiya sa kaniya dala ang upuan at ang lubid na gagamiting pangtali sa kaniyang mga kamay. Ibinalik nito ang baril sa kaluban nito na nasa tagiliran. Pinagtulungan nga siyang iupo ng dalawang guwardiya na walang kung ano siyang sinasabi sa mga ito. Mahigpit na itinali ng mga ito ang kaniyang dalawang kamay sa likod. Pinagmasdan niya lamang ang warden nang mapalingon siya rito. Sinalubong nito ang tingin niya kapagkuwan ay hinila ang sandigan ng upuang kinatatalian niya. Dinila siya nito patungo sa mga presong nagbubungkal ng lupa kaya napapatingin na lang din sa kanila ang mga ito. Iniharap pa nga siya ng warden sa mga preso't doon na ito nagsalita. "Paliguan niyo siya ng mga ihi niyo!" ang sigaw nito. "Ang sino mang makakagawa niyon ay bibigyan ko ng gantimpala! Kung mayroon pa kayong ibang magagawa sa kaniya, mas maganda!" Nagtinginan ang mga preso sa narinig. Hindi naghintay ang warden na mayroong sumunod dito. Iniwan na lamang siya nito't bumalik ito sa lilim ng malaking payong. Pagkaupo nito sa upuan doon pa lamang mayroong lumapit sa kaniya na presong nakahunad baro. Basang-basa ng pawis ang katawan nitong kayumanggi ang kulay. Ngumisi pa ito sa kaniyang harapan nang ibaba nito ang suot na pantalon. "Ang suwerte mo. Hindi pa ako nakakaihi. Maliligo ka ngayon," ang nakakalokong sabi ng preso sa kaniya. Binalewala niya lamang ang narinig mula rito. Hindi na nga ito nag-aksaya ng mga sandali't hinawakan na nito ang p*********i nitong makapal ang buhok sa puno. Maitim ang ulo balat at ulo niyon sa hindi nito madalas ng pagligo. Hindi na naalis ang matalim nitong ngisi sa labi nang itutok nito ang p*********i sa kaniyang mukha. Wala pa rin siyang naging reaksiyon nang mga sandaling iyon. Nais niyang ipakit sa warden na kahit anong gawin nito sa kaniya hindi pa rin siya susuko. Mayamaya nga'y bumisirit mula sa ulo ng paglalaki ng preso ang madilaw na ihi. Tumama ang kaagad iyon sa kaniyang mukha kaya amoy na amoy niya ang panghi niyon. Nakuha pa nitong ilipat ang pagkatutok ng ihi. Ikinalat nito sa buo niyang mukha kaya napapapikit na lamang siya ng kaniyang mga mata nang hindi mapasukan ng ihi. Sa hindi nga nito pagtigil dumaloy paibaba ng kaniyang katawan ang ihit nitong masama ang amoy. "Mukhang gustong-gusto mo ang ganito," ang komento ng preso sa nangyayari sa kaniya. Binuksan na lamang ang kaniyang mata na walang lumalabas sa kaniyang bibig. Huminto sa ito sa pag-ihi't lumapit ito sa gilid ng upuan. Tinaktak nito ang p*********i sa kaniyang pisngi habang nakangiting aso. Iniwan lamang siya nito nang sumunod na ang iba pang mga preso. Nagsabay pa ang ilan kaya basang-basa nga siya ng mga ihi. Nagtatawanan pa ang ibang inihihian siya sa nakikitang pagpapahirap sa kaniya. Iyon nga rin naman ang bagay na nagpapasaya sa mga ito habang nasa piitan. Hindi na umalis sa harapan niya ang mga presong pumaikot sa kaniya. Hinila ng mga ito papasok sa ginawang bilog ng mga ito ang isa pang preso na kaagad niyang nakilala. Ang presong dating mamahayag nahihinang kay Aristhon. Tinulak ito ng isang preso papalapit sa kaniy kaya nagkasalubong ang kanilang mga tingin. "Gumanti ka sa kaniya. Matagal mo na rin siyang gustong pahirapan, hindi ba?" ang nasabi ng presong tumulak dito. Lumingon pa ang dating mamahayag sa nagsalita't bago nito inilagay ang buong atensiyon sa kaniya. Hindi na nga ito nagdalawang isip na lumapit sa kaniya't pinisil ang sugat sa kaniyang hita. Isinuksok na nito lahat-lahat ang hinlalaki ngunit wala pa rin itong nakukuhang reasiyon mula sa kaniya. Nanatili namang nanonod ang iba pang mga preso sa ginagawa nito. Napatitig na lamang ito sa kaniyang mukha nang mapagtanto nito ang isang bagay. "Sumuko ka na ba? Tulala ka na riyan," ang nasabi pa nito nang alisin nito ang daliri sa kaniyang sugat sa hita. "Kahit ano pang ganti mo sa akin wala pa ring mababago," ang nasabi niya rito. "Hindi ka pa rin mapapansin ni Aristhon." Gumuhit ang galit sa mukha nito sa sinabi niyang iyon. "Kasalanan mo kaya hindi na ako tinitingnan ni Aristhon!' ang puno ng galit na sabi nito sa kaniya. "Nasisiraan ka na nga ng ulo. Kung anu-ano ang naiisip mo. Imahinasyon mo lang na tinitingnan ka ni Aristhon," aniya nang matauhan na ito sa kahibingan nito sa taong wala na ring sa piitang iyon. Hindi na nakapagpigil pa ang mamahayag. Pinagsusuntok na lamang siya nito sa mukha nang walanv tigil. Lalo pa itong ginanahan sa pagbugbog sa kaniya sa udyok ng ibang mga presong nakapaikot sa kanila nang mga sandaling iyon. Sa pagtama ng kamao nito sa kaniya'y lalo lamang siya tinatamad na tumingin dito. Hindi naman malakas ang pagsuntok nito. Kahit magkaroon siya ng pakiramdam matitiis niya pa rin ang ginagawa nito sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD