NANG GABI ring iyon nakatanggap siya ng maliit na sulat mula sa kaniyang chief. Palihim na ibinigay iyon sa kaniya ng isang nurse. Habang wala pa rin sin Aristhon sa kuwartong kinalalagyan ng kaniyang bumaba na siya sa unang palapag at umalis ng ospital. Nagtungo si Aristhon kasama si Mikal sa doktor para mapatingnan ang tahi sa tagiliran nito. Nagtungo siya sa kalye sa gilid ng establisiyemento't lumapit sa itim na sasakyang nakaparada roon. Hindi gaanong mapapansin ang sasakyan dahil sa nakatago ito sa dilim at hindi gaanong umaabot ang liwanag ng poste dito. Hindi pa man siya nakalalapit sa itim na kotse, bumaba na ang salaming bintana sa likurang upuan. Sa loob niyon naksakay ang chief nila sa task force na mayroong katabaan. Lumalaki na ang mukha nito sa kakain. Hindi na makita ang l

