NAILAYO niya ang kaniyang mukha rtio sa pag-aakalang mayroon pa iyong kasunod. Pinagmasdan niya ito nang tuwid kapagkuwan dahil sa ginawa nito. Naisip niya nang mga sandaling iyon na panahon na para linawin niya ang mga ikinikilos nito kapag siya ang kasama. "Sandali nga," panimula niya rito nang bitiwan niya ang kinakaing burger. Napatitig naman ito sa kaniya sa nasabi niya rito. "Mayroon lang akong itatanogn sa iyo?" "Ano naman iyon?" tanong nito pabalik bilang hindi direktang sagot sa kaniyang tanong. Pinagpatuloy lamang nito ang pagkain sa burger na hawak. Mayroon man siyang ideya ngunit gusto niya lang makasigurado nang hindi siya magkamai kaya niya ito usisain. Huminga siya nang malalalim sa paghahanda niya sa kaniyang sarili. "Gusto ko lang linawin. Ano ba talagang dahilan mo k

