NAKAHANAP din naman siya ng pangsinding posporo ngunit nahirapan siyang paapuyin dahil matagal na iyong nakatago't mahamog. Hindi nga naman iya ramdam ang lamig ngunit lalo pang nanginign ang kaniyang buong katawan. Kailangan niya nang apoy na siyang magbabalik ng init na nawala sa kaniya. Kung hindi niya gagawin hindi malayong magkasakit siya't manigas sa lumang kubong iyon na walang nakakaalam. Saglit niyang itinigil ang pilit niyang pagsindi upang makailang ulit na huminga nang malalim. Tumingin siya kapagkuwan sa kalangitan kung saan patuloy ang pagkidlat na para bang mahahanap niya roon ang makakatutulong sa kaniya para magka-apoy. Nang ibaba niya ang kaniyang paningin doon na siya muling nagsindi na nanginginig ang mga kamay. Nakahinga lamang siya nang maluwag nang bumisirit ang po

