ILYSB 1: Enzo, Point Of View
"Enzo, malapit na pala yung Open Season Game ano?" sabi ni Bud habang naka tutok sa iPhone niya.
"Oo nga e."
"Anong balak mong salihan?"
"Kailangan pa ba yun?"
"Oo, naman plus grade din yun." sabi nito sabay bulsan ng iPhone niya.
"Eh, ikaw ba anong sasalihan mo?" tanong ko sa kanya.
"Siguro basketball na lang. Mamaya na rin kase try out non." sagot nito.
"Siguro tutulong na lang ako mag abot ng tubig sa mga players." sabi ko sabay tawa naming dalawa.
Ilang sandali pa ay pumasok na si Professor Jane, agad naman nagsi tahimik ang lahat.
"Good morning student." nakangiti nitong sabi.
"Good morning."
"I have a good news, we have no class starting tomorrow until open season game, because we need to prepare for this event." sabi ni Prof. Jane sabay hiyawan naman ng mga kaklase ko.
"Wait, there's more." agad naman kami na tahimik sabay tingin sa kanya.
"We have new transferre student from Abbey Academy. Please come in and introduce yourself." sabi ni Prof. Jane sabay tawag sa estudyanteng nasa labas.
Pumasok naman ka agad ito.
"Hi everyone, I'm Veonice Velazquez, from Sydney, Australia. Nice meeting you all." pakilala nito habang naka ngiti.
"Ang ganda niya." bulong sa akin ni Bud.
"Sakto lang." sagot ko naman sa kanya sabay iling nito sa akin.
"Ganda niya kaya." sabi nito habang naka ngisi.
Hindi ko na lang siya pinansin sabay balik ng tingin ko sa babaeng nasa harapan.
"Okay, Ms. Velasquez sit beside Mr. Enriques. Wait! Mr. Agoncillo go back to your sit." sigaw ni Prof. Jane kay Bud at agad naman tumayo sabay lakad pabalik sa upuan nito.
"Hi." napatingin naman ako sa kanya.
"Ano?" umiling naman ito sabay upo sa tabi ko.
"I'm Veonice, Eonice na lang." sabi nito at napalingon naman ako sa kanya sabay lahad ng kamay niya.
"I know, kakapakilala mo lang right?" napakunot naman noo nito.
"Just call me Enzo." nakipag shake hands naman ako sa kanya.
[School Bell Ring]
"Enzo, pwede bang sumabay kong ayos lang sayo?" tanong nito habang naka ngiti sa akin.
Nagpapacute ba siya saken?
"Sure." tumayo naman agad siya sabay lakad namin palabas.
"Can I ask?" napalingon naman siya sa akin.
"Sure." nakangiting sagot nito.
"Ba't ka pala ng transfer rito sa school namin?" tanong ko habang naglalakad kami papuntang cafeteria.
"Let's say I have a important matter." nakangiti nitong sagot. Kumunot naman ang noo ko.
"Pero second semester na?" lumingon naman siya sa akin.
"Ayos lang kaya ko pa naman yata humabol." pagmamayabang nito sabay ngiti saken.
Pagdating namin sa Cafeteria agad naman kami nag order ni Eonice sabay hanap ng mauupuan.
"So, where did you came from?" tanong ko habang kumakain kami.
"Sydney, I studied there for almost 3 years then I decide to continue my college here in the philippines for good." sagot nito.
"I see, pero ang galing mo mag tagalog." nginitian niya naman ako.
"How about you?" napatingin naman ako sa kanya.
"Anong ako?" gulat kong sabi.
"Ano work ng parents mo?" tanong niya.
"Dad is a doctor and mom is a business woman and both of them aboard." napansin ko naman nalungkot ang mukha nito.
"Are you okay?" I ask. Tumango naman siya.
"Nakakalungot lang kase yung malayo sila sayo." seryoso nitong sabi habang nakatingin sakin.
"Yeah, but I understand them." I said.
"My parents are also workatholic, my mom working here at Philippines but not here in Manila, she's always in the province. While my dad he's always out of town. Nasa Europe kase company namin." napansin kong nalungkot ito bigla.
"Smile ka na ulit." sabi ko pa, napatingin naman siya sa akin.
"Ganito ba." sabay ngiti nito, medyo natawa naman ako sa ginawa niya.
"Hindi, dapat ganito." sabay ngiti ko labas ngipin. Ginaya niya naman ako sabay tawa naming dalawa.
-
"Sino ka sabay mo uuwi mamaya?" tanong ko sa kanya habang nilalagay niya ang mga gamit niya sa bag.
"Ako lang." sagot nito, sabay suot bag niya.
"Kung ayos lang sayo, sabay na lang tayo?" aya ko sa kanya tumango naman ito sabay ngiti sakin.
Habang naglalakad kaming dalawa lumapit naman si Bud sa amin sabay akbay nito sa akin.
"Hey." napatingin naman si Bud kay Eonice at nginitian ito.
"How's the try out?" tumingin naman ito sa akin.
"Okay naman, pasok na agad ako sa team." pagmamayabang nito.
"Congrats!" sabay apir naming dalawa. Napansin ko naman na tahimik lang si Eonice habang naglalakad kaming tatlo.
"Eonice." tumingin naman agad siya sa akin.
"Yes?"
"Si---" hindi ko na tapos sasabihin ko ng biglang sumingit si Bud.
"Brendon Agoncillo, Enzo's childhood bestfriend/buddy but you can call me Babe." pakilala nito kay Eonice at agad naman nakipag kamayan rito.
"Veonice." tipid na sabi nito sabay ngiti.
"Hi Veonice, You wanna know some secrets?." sabi nito habang hawak kamay ni Eonice.
Napakunot naman noo nito.
"I like you.. your smile." sabay kindat nito. Natawa naman si Eonice sa kanya.
"Do you find me attractive?" tanong ulit nito. Tinitigan naman siya nito.
"Yes, you are." sagot nito habang naka ngiti.
Nakangisi naman ang gagu sabay lakad nilang dalawa at iniwan ako.
Lumingon naman si Bud sa akin sabay kindat. Napailing na lang ako habang pinagmamamasdan silang dalawang nag-uusap.
"So, are you single right?" tanong nito.
"Yes."
"That's good." nakangisi lang naman ang bestfriend ko.
Kahit kelan talaga.
"Hey, buddy are you okay there?" tanong ni Gagu saken.
Nilingon din ako ni Eonice sabay ngiti. Nag thumbs up naman ako sabay smile sa kanya.
Hanggang sa maka labas kami ng school patuloy parin sa pakikipag kwentuhan ni Bud kay Eonice, na para bang wala ako sa tabi nila.
"Sumabay ka na lang sa amin." sabi ni Bud kay Eonice.
"Actually, on the way na ang sundo ko." sagot nito.
"Ganon ba? sige, next time na lang." sabay ngiti nito.
"Sure." tipid nitong sagot kay Bud sabay tingin saken.
"Oh, andyan na pala yung sundo ko." sabay turo ni Eonice sa van.
"Mauna na ako sa inyo, ingat kayo." paalam ni Eonice.
"Ikaw den." sabi ni Bud sabay lapit sa akin.
Bago sumakay si Eonice kumaway muna ito sa amin. Kumaway din naman kami pabalik at todo ngisi naman itong si Bud.
"Ang ganda niya talaga tapos napaka bait pa, bagay na bagay sakin." sabi nito habang naka ngisi.
"Ewan ko sayo, tara na nga!" sabi ko sabay batok sa kanya at agad tumakbo.
"Aray! Bumalik ka rito." sigaw nito sabay habol sa akin.
-
Note: This story is a fictional.
The characters, names, places and events is a work of fiction.
Genre: Romance
Status: Complete
Chapters: 01 - 33