Chapter 9 The red lingerie

1287 Words
Sinamantala kong may kausap siya sa telepono. Dahan-dahan akong naglakad at nang humakbang ako ay narinig ko ang tunog ng heels ko kaya naman napatingin ako sa kan'ya para masiguradong hindi niya iyon narinig. Mukhang hindi naman dahil busy siya sa kan'yang kausap at nakatalikod ito kung saan ako nakapwesto ngayon. Mabilis kong tinanggal ang heels ko nang may halong pag-iingat. Hindi naman ako nabigo at natanggal ko iyon na walang ingay. Nagsimula na muli akong naglakad ng dahan-dahan na akala mo ay isang magnanakaw. Habang naglalakad ako nakatingin pa rin ako sa kan'ya nang makapunta na ako sa kotse niya ay napansin kong lilingon siya kaya mabilis akong umupo. Ramdam ko ang hingal ko at kaba ko sa aking ginagawa. "I'm already here at the hotel," rinig kong wika nito. Hinahakbang po ang mga paa ko habang nakaupo ako, hindi ko siya makita pero pakiramdam ko naman ay hindi niya ako makikita. Ginawa ko na ang best ko para mabilisan ko at nang makarating ako sa passenger seat, dahan-dahan kong binuksan ang pinto no'n at hindi naman ako nabigo. Napangiti ako ng malapad. Umangat ako ng kaonti para masilip si Sir Kendrix at nakatalikod pa rin siya sa akin at may kausap pa rin habang nakabulsa ang isa niyang kamay. Hinanap ko na ang lingerie sa paanan pero wala akong makita kung ano ano na ang kinakapa ko at talagang walang lingerie dito. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-flashlight at halos isubsob ko na nga ang mukha ko dito para lang mahanap iyon pero bigo akong makita. Sumakay ako at hinanap sa may driver seat pati na rin sa likod pero hindi ko talaga makita. Bigla na akong kinabahan. "Okay, I'll wait for you at my office." "Hala, nasa'an na ba kasi iyon? I'm sure na dito ko iyon nalaglag dahil bago sa kotse palang ni Ashley ay wala na doon at kahit sa daan," bulong ko sa sarili habang nakatingin sa paanan ng driver seat at todo kapa pa rin doon. "What the hell are you doing here?!" Agad akong napatingala nang marinig ko ang galit na galit na boses ng isang lalaki at malamang si Sir Kendrix iyon. "S-sir.." Pilit akong ngumiti habang nakatingin sa kan'ya. Grabe na ang kaba at takot ko lalo na nang makita ang nanlilisik niyang mga matang nakatingin sa akin na parang gusto akong balatan ng buhay. Magkasalubong ang dalawa niyang kilay at titig na titig siya sa akin. Dahan-dahan kong inangat ang sarili ko habang nakatingin pa rin sa kan'ya. "S-sorry po, may hinahanap lang po ako." "Mukha bang hanapan ang kotse ko?" inis niyang tanong. "Get out of my car kung ayaw mong tanggalin kita sa trabaho mo ngayon din!" Wala na akong gawa at tuluyan na ngang lumabas ng kotse niya pero bago ako makalabas ay sinilip silip ko pa rin ang loob pero wala talaga e. Saan ba na punta 'yon? Dahan-dahan akong naglakad habang iniisip kung saan nga ba iyon napunta. Napatingin ako sa likod nang marinig ko ang pagsara ng pinto ng kotse niya. Napalunok ako nang makita ko kaagad na nakatingin siya sa akin ng masama kaya mabilis akong lumingon ulit sa harap ko. "I already warned you, right?" sabi nito. Hindi ko makuhang lingunin siya sa takot ko. "Bakit ba lagi kang sumisingit sa akin? What do you want?" "May hinahanap lang po ako na nalaglag sa kotse niyo kagabi," sagot ko habang patuloy pa rin sa paglalakad at hindi siya nililingon. "Are you looking for this?" Agad akong napalingon sa kan'ya at huminto sa paglalakad. Paglingon ko sa kan'ya ay may hawak siyang red na tela na alam kong iyon ang niregalo sa akin nila Ashley na red lingerie. "Hmm?" Tinaas niya ang dalawa niyang kilay. Mas niladlad niya iyon para mas kita at iyon nga! Napatinginnako sa paligid at may mga ilang empleyado na ang nandito sa parking lot at napapatingin na rin sa amin. Sa hiya ko ay tumakbo ako papalapit sa kan'ya at sinubukan na agawin iyon sa kan'ya pero mabilis niyang tinaas ang dalawa niyang kamay dahilan para hindi ko iyon maabot pero pinipilit ko pa rin na tumalon at mahablot iyon pero bigo ako dahil ang tangkad niya. "Sir, akina po iyan!" sambit ko. "Okay, follow me." Agad siyang humakbang. Sinundan ko siya katulad ng sinabi niya. Hindinko alam kung anong plano niya pero sinundan ko pa rin siya at mabilis naman niyang tinago iyon sa bulsa ng suit niya. Ano ba ang trip nito? Bigla siyang tumawa at first time ko iyon marinig kaya hindi ko alam kung matutuwa ba ako. Nasa harap ko siya at nasa likod niya ako hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa tawa niya dahil kahit tawa niya ay nakakapanlambot ng tuhod sa sobrang attractive. "I think you didn't surprise your boyfriend last night because you dropped this red lingerie," natatawa niyang wika. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Napurnada ba?" "Excuse lang po ah, mali po ang nasa isip niyo Sir Kendrix. Iniregalo po sa akin iyan ng mga kaibigan ko pero hindi po ibigsabihin no'n ay gagamitin ko siya sa boyfriend ko," inis kong sagot. "Eh saan mo gagamitin? Display?" seryoso niyang tanong at biglang tumawa na may halong pang-aasar. "Hindi ko naman po talaga iyan tinanggap pero pinilit lang nila ako kaya wala akong choice pero hindi ko iyan balak gamitin with my boyfriend." Napansin ko ang pagkibitbalikat niya at mas lalo niyang binilisan ang lakad niya kaya gano'n na lang din ang ginawa ko. Nasa loob na kami ngayon ng hotel kung saan ang floor ng mga empleyado. Halos lahat sila dito aty sinusundan kami ng tingin lalo na sa akin dahil nakasunod ako kay Sir Kendrix baka naman ang isipin nila ay stalker niya ako. Tss never! Madami nang bumabati sa kan'ya pero wala siyang imik at patuloy lang sa paglalakad. Alam ko ang iba dito at first time siyang makita kaya iba na lang ang naging reaksyon nila na talagang hindi sila makapaniwala. Overacting na pero iba kasi ang dating ni Sir Kendrix pero ang pangit ng ugali. Sa kalagitnaan ng paglalakad namin ay napansin kong may kinukuha siya sa bulsa ng coat niya at laking gulat ko nang ilaglag niya ang panty sa sahig habang naglalakad kaya nanlaki ang mga mata ko. Patuloy pa rin ang paglalakad niya na akala mo ay walang nilaglag. Napadapa ako at mabilis na kinuha iyon sa sahig at alam kong may nakakita sa kung anong kinuha ko. Binilisan ko ang lakad ko para mas malapit ako sa kan'ya dahil alam kong anytime ilalaglag niya ang bra. Ang daming tao dito kaya sobrang kahihiyan ang ginagawa niya. Naiinis na ako sa kan'ya ng sobra ang sarap niyang sabunutan. Hindi nga ako nagkakamali nang mabilis din niyang nilalag ang bra na terno ng panty na nasa bag ko na. Agad kong pinulot iyon at iba't ibang bulong na ang naririnig ko. "Stella, ano iyon? Lingerie ba iyon?" tanong ni Jaycee. "Bakit nilalaglag ni Sir Kendrix? Sa'yo ba iyon?" "Bakit may gano'ng eksena? Anong meron?" "Did you do it with Sir Kendrix?!" Sa tanong na iyon ay napasigaw ako sa gulat. "Hell no!" Mas lalong napunta sa akin ang atensyon nila. Napansin kong huminto si Sir Kendrix at humarap sa akin sabay ngisi niya at muling naglakad papalayo. I really hate him so much! Binigyan niya ako ng kahihiyan at hindi ko alam kung ano pa ang iisipin nila sa akin pero wala na akong pakialam doon ang mahalaga ay wala naman akong maling ginawa pero simula ngayong araw na ito ay mas lalo kong iha-hate si Sir Kendrix! Sana man lang ay huling pagkikita na namin ito dahil ayaw ko na siyang makita pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD