Chapter 8 Chasing

1273 Words
Swerte pa rin kahit papaano dahil naabutan ko siya. Maingat akong kumatok sa bintana ng passenger seat niya at hindi ko naman siya makita sa loob dahil black na black ang bintana niya. Dinikit ko na nga ang mukha ko sa bintana para masilip siya pero hindi ko talaga makita. Hindi kk alam kung anong hitsura ko ang nakikita niya pero wala na akong pakialam doon dahil ang gusto ko ay pagbuksan niya ako ng pinto para makuha ko ang kailangang itago. Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang pagbaba ng bintana nito kaya umatras na ako at hinihintay na tuluyan iyon maibaba. Sinalubong niya ako ng isang kilay niyang nakataas. Kahit napakasungit ng tingin niya sa akin hindi ko talagang kayang ipagkaila kung gaano siya kagwapo. "Sir, may kukunin lang po ako," bungad kong sabi. Hindi siya nagsalita at ginalaw lang niya ang ulo niya na parang nagtataka na rin kung ano nga ba ang naiwan ko. Kinagat ko ang lower lip ko ng pasimple nang mahiya akong sabihin kong ano ba ang kukunin ko. Sinilip ko ang upuan sa passenger seat at hindi ko iyon nakita kaya mas inikot ko pa ang paningin ko at sa may paanan ay nakita ko na ang red na lingerie. Hindi ko na pansin na tinataas na pala niya ang bintana kaya napaatras na ako at hindi ko akalain na bigla niyang pinaandar ang kotse niya kaya hindi ako nagdalawang isip na habulin ito kahit na walang kasiguraduhan. Narinig ko ang sigaw ni Ashley. "Stella! Get in!" Hindi ko ito pinansin at patuloy lang sa pagtakbo para mahabol lang si Sir Kendrix dahil may kutob din naman ako na hihinto siya kahit na medyo malabo mangyari. Habang tumatakbo ako ng mabilis hindi ko napansin na pagod na ang mga paa ko kaya naman ay napadapa ako sa hindi ko inaasahan. Nakadikit ako sa semento ngayon at napatingin na lamang ako sa kotse niyang patuloy pa rin sa pag-andar. Nakarinig ako ng busina sa likod ko kaya napatingin ako doon at nakita kong lumabas si Ashley at mabilis akong pinuntahan. Tumingin ako sa harap at nakita kong huminto ang kotse ni Sir Kendrix pero mabilis naman niyang pinandar iyon. Hinayaan ko na lamang at saktong tinayo na ako ni Ashley. "Ang ganda ganda mo, t*nga ka lang," panenermon nito. "Ano na naman ba?" "Pwede ka naman kasi sumakay sa kotse at hinabol natin pero pinili mo pang tumakbo tapos hindi ka naman hinintuan tapos heto! Nadapa ka pa," wika niya nang makasakay na kamai. "Sa tingin mo ba hihintuan ka ni Sir Kendrix? Asa ka! Never niyang gagawin iyon! Parang hindi mo naman alam ang ugali niya." "So paano nga? Paano na iyong lingerie na iyon? Kayo may kasalanan ni Diana eh! Kug hindi niyo ako binigyan no'n edi sana hindi ito mangyayari." Tiningnan niya ako sandali habang nagda-drive siya. "Oh, pinasa mo na naman sa amin! Ikaw lang gumagawa niyan ano. Kung hindi ka sumakay sa ibang kotse edi sana hindi mo nailaglaga." Napahinga na lamang ako ng malalim. "Wala ako sa mood makipagbangayan ngayon.. Hintayin niyo bukas." Tiningnan ko ito ng masama. "Hala! Natakot ako," pang-aasar niya. Inikot ko na lamang ang mata ko sa kan'ya at tumingin na lamang sa bintana. It was really a long day! Sana naman bukas ay okay na.. pero hindi ko alam kung paano ako haharap kay Sir Kendrix bukas nito kaya sana man lang ay hindi niya makita iyon. KINABUKASAN... Maaga akong pumasok sa trabaho ko at pumunta ako kaagad sa may parking lot. Bawat kotse ay tinitingnan ko para lang makumpirma kung nandito na nga ba si Sir Kendrix. "Teka... bakit ko ba ito ginagawa? Pwede namang magtanong," bulong ko sa sarili sabay kamot sa aking ulo. Sumakay ako ng elevator para makapunta sa ground floor. Pagkarating na pagkarating ko doon ay pinuntahan ko kaagad ang guard sa hotel na si Kuya Mark. "Good morning, kuya!" masaya kong bati nang makalapit na ako rito. "Hello Ma'am Stella, good morning!" masayang bati rin nito sa akin. "Umm.. kuya, pumasok na po ba si Sir Kendrix?" tanong ko. "Ang pagkakaalam ko ay hindi pa. Kapag dumadating kasi iyon dumidiretso sa coffee shop dito sa lobby bago siya pumunta sa office niya pero hindi ko pa siya nakikita e. Kanina pa nga ako nandito," sagot niya. "Ah gano'n po ba?" "Bakit mo naman hinahanap si Sir Kendrix? Parang ikaw palang ang empleyado nagtanong sa akin niyan.. mukhang gustong-gusto mo na yata siya makita," natatawang sambit nito. "Ay naku, kuya! Kung alam mo lang.. never! Ayaw ko ngang makita 'yon e." "Bakit naman? Lahat ng empleyado rito at kahit anv ibang guests ay gustong-gusto makita si Sir Kendrix pero ikaw ayaw mo! Napaka-imposible naman na yata no'n." Hindi pa rin nawala ang tawa niya. "Basta! Long story.. Oh sige na po, salamat!" paalam ko. "Sige ma'am." Naglakad ako papunta sa may coffee shop pero wala pa akong makitang Sir Kendrix doon kaya naman bumaba muli ako sa may parking lot at doon na lamang siya hintayin. "Hoy! Ang aga mo ah," nakangiting sabi sa akin ni Julia. "Maaga akong nagising kaya maaga na rin akong pumasok," pagsisinungaling ko sabay ngiti ko sa kan'ya. "Weh? Baka naman gusto mo lang makita si Sir Kendrix katulad ko?" natatawa niyang tanong. Tumawa naman ako. "Never." Sabay seryoso ng mukha. "Oh siya, kita na lang mamaya." "Okay bye!" Ngumiti na lamang ako at sumakay na nga sa elevator. Habang nakasakay ako ay tiningnan ko kung anong oras na sa relo ko at 6am na. Hindi ko nga alam kung anong oras pumapasok ni Sir Kendrix pero talagang inagahan ko na.. siguro mga 5:30 am ay nandito na nga ako. 8 am pa kasi ang oras ng pasok ko kaya naman magtataka talaga sila bakit ang aga ko. Kadalasan kasi iyong mga maagang pumapasok ay ang rason nila ay makita o masilayan kahit saglit si Sir Kendrix. Kaya nilang pumasok ng maaga para makita lang ang senior manager ng hotel na pinagtatrabahuhan namin gano'n siya kalakas! Pagkababa na pagkababa ko sa parking lot ay saktong may paparating na itim na kotse. Nagtago ako sa may poste at parang tuko na dikit na dikit doon habang sinisilip ang kotseng iyon. Hindi ko nga malaman kung si Sir Kendrix na ba iyon dahil hindi ko nga alam ang palatandaan ng kotse niya dagdag pa doon na sobrang dilim ng bintana nito. "Aabangan ko na lang kung sino ang bababa," bulong sa sarili habang pinapanood ito mag-park. Nang makapag-park na ng maayos ay napangiti ako dahil ngayon malalaman ko na kung tama nga bang si Sir Kendrix iyon. Nasa may pinakadulo pa nag-park. Makalipas ang limang minuto, napakamot na ako sa ulo sa inis. "Ano ba 'yan? Wala bang balak lumabas ng kotse 'yan?" Huminga ako ng malalim habang nakatingin pa rin doon. Ilang sandali lang ay bumakas na rin ang pinto sa driver seat kaya naman na buhayan ako. Nang tumayo na siya ay mas lalo akong napangiti nang makita si Sir Kendrix na nakasuot ng white polo na long sleeve na nakatupi at naka-brush up ang buhok. Teka.. hindi ako ngumiti dahil gusto ko siyang makita ah? Ngumiti lang ako dahil sa wakas makukuha ko na ang red lingerie na nalaglag sa kotse niya. "Yeah.." Mukhang may kausap siya sa cellphone at sinara na niya ang pinto ng driver seat. Sa tingin ko good chance ito, good timing! Wala naman talaga akong balak na kausapin siya at sabihing nalaglag ang lingerie na niregalo sa akin ano! No way! Ang naisip kong paraan ay magtago at kunin iyon ng patago. Sana lang ay hindi ako mahuli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD