Chapter 7 Wrong car

1253 Words
Pagkalabas na pagkalabas ko palang ng restroom habang pinapagpag ko ang pencil skirt na aking uniform ay iba't iba na ang mga naririnig kong kwentuhan o usapan ng mga katrabaho ko. "Gosh! I really can't imagine na makikita ko siya kahit saglit lang!" Halata sa boses nito ang pagkakilig. Napatingala ako at tiningnan ko iyon at nakita kong si Julia ang nagsasabi no'n. Nagkatinginan kami at ngumiti naman kami sa isa't isa. Mabilis niya akong nilapitan at iniban si Angel sa gilid. "I saw Sir Kendrix, Stella! He's so handsome na akala mo ay hindi siya totoo dahil sobrang gwapo niya tapos ang hot niya pa, promise!" masigla niyang kwento sa akin. Ngumiti ako ng matamis. "Yeah, you are right! He's handsome." "Nakita mo na rin siya?!" Nanlaki ang mga mata nito. Tumango-tango naman ako. "Yes, nakita ko na siya and lahat ng chismis ay totoo." Mas lumawak ang ngiti niya. "Oh sige! Ingat sa pag-uwi!" Masigla siyang lumayo sa akin at pinuntahan si Angel at sobrang saya niya. I'm sure hindi pa nakikita ni Angel si Sir Kendrix kaya hindi pa ito masyadong maka-relate at patuloy lang sa pakikinig sa kan'yang kaibigan. "Have you seen the guy looking towards our direction?" "Yeah! He's f*cking hot and handsome! I wanna know his name!" "Paano? Eh parang ang hirap niyang i-approach." Ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Napalingon ako at nakita kong dalawang guests ang nag-uusap sa aking likuran. Magaganda sila at ang lakas din ng dating nila. Ayos din ang kanilang pananamit. Muli na akong lumingon sa harap ko at baka mamaya ay mapansin pa nilang nakikinig ako sa kanilang usapan kahit totoo naman. "Parang untouchable man nga eh. Diretso ang tingin sa paglalakad. Mukhang malabong makuha natin ang atensyon niya because he looks like he's not interested," sabi ng isang babae. "Oh! I just realized it was Kendrix Harrison!" Malakas na boses na sabi ng isang babae. "Have you forgotten that they owned this hotel?" "OMG! You're right! I didn't realize that right away! Wow!" Napa-smirk ako. Sobrang sikat nga ng lalaking iyon. Nasa kan'ya na nga ang lahat kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit napakasikat niya. Hindi na ako magugulat kung gano'n. Tuluyan na nga akong lumabas ng hotel at tumayo muna sandali sa may gilid at nagmamasid sa paligid para makita na ang kotse ni Ashley. Hindi ko nga alam kung nandito na ba siya o wala pa. Kinuha ko na lamang ang cellphone ko at tinawagan ito para malaman niyang hinihintay ko na siya. Habang hinihintay ko siyang sagutin ang tawag ay lumingon lingon ako habang nakakagat sa ibabang labi ko. "Hello?" bungad niyang sabi ng masagot na niya ang tawag. "Where are you? Nandito na ako sa labas," sagot ko habang patuloy pa rin ako sa pagtingin sa paligid. "Nandiyan na ako, hintayin mo ako malapit na," wika nito. "Okay sige." Agad ko nang pinatay ang tawag. Nilagay ko na ang cellphone ko sa paper bag na hawak ko. Tinatamad na kasi akong ilagay pa iyon sa bag ko dahil bubuksan ko na naman tapos isasara. Hindi naman mahuhulog ang cellphone ko rito. Nagmasid masid muli ako sa paligid at nakita ko ang isang makintab na itim na kotse na alam kong kotse na iyon ni Ashley at mas lalo pa akong na kumbinsi nang bumisina ito kaya naman bumaba na ako at saktong huminto sa harap ko. Agad kong binuksan ang pinto sa may passenger seat. "Hay sa wakas naman at dumating na! Mamaya eh maabutan ko pa si Sir Kendrix doon, eh ayaw ko na nga makita iyon ang sungit eh!" Sinasabi ko iyon habang kinakalkal ang bag ko dahil nga magre-retouch ako dahil balak kong i-meet si Xander ngayon sa coffee shop niya. "What did you just say?" Bigla akong napahinto sa kalkal ko sa bag ko nang makarinig ako ng boses ng lalaki at ang kinagulat konpa doon ay familiar ang boses nito sa akin na parang narinig ko lang kanina. S-sir Kendrix?! Pilit kong iniisip na sana ay hindi siya dahil kapag nagkataon ay mas lalo akong mayayari nito. Huminga ako ng malalim sabay pikit ko ng madiin at pagkatapos no'n ay dahan-dahan kong binuksan ang isang bata ko at sinilip ang lalaking nasa may driver seat. Napabalik ako kaagad ng tingin sa bintana nang makitang nakasuot ng suit. F*ck! Bakit naka-suit? Tama ba ang hula ko na si Sir Kendrix nga iyon?! Muli akong tumingin at sa pagkakataon na iyon ay nakita kl siyang nakatingin sa akin ng seryoso na halos magkasalubong na ang dalawa niyang kilay na nakatingin sa akin. Ang isang kamay niya ay nasa manobela at ang isa naman ay nasa likod ng passenger seat. "Ahhhh!" Wala akong magawa kundi ang sumigaw. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang reaksyon ko. "Ang ingay mo! Dati ka bang t*nga?" tanong niya sa akin sa galit na tanong sabay takip niya sa bunganga ko gamit ang palad niya. Tiningnan ko siya kasabay ng paghinto ng sigaw ko. Gano'n pa rin ang hitsura niya parang ang mata niya ay parang gusto na akong tunawin sa init na dalawa nito dahil sa pagkainis niya. Saktong tumunog ang cellphone ko dahilan para mabago ang upo namin dalawa. Mabilis kong kinalkal ang cellphone ko sa paper bag at natataranta na akong binuksan ang pinto at mabuti na lamang ay hindi niya iyon ni-lock. Nahihiya akong lumabas ng kotse at talagang diretso labas na ako sobrang nagmamadali ako. Bakit parang hindi yata ang araw na ito sa akin? Si Sir Kendrix na naman! "Hello?!" inis kong sagot sa tawag ni Ashley. "Baliw ka ba? Parang hindi mo kilala ang kotse ko ah? Bakit diyan ka sumakay?" inis din na tanong ni Ashley sa akin. "Katagal mo!" sambit ko sabay patay ng tawag. Busina si Ashley kung saan ito ay nasa likod lang ng kotse ni Sir Kendrix. Mabilis na akong sumakay. Inis ko itong tiningnan at iyon din ang ginawa niya sa akin. "Kasalanan mo ito e! Kung sinama mo sana ako edi sana hindi ako napasakay sa ibang kotse." "Kasalanan ko pa? Ikaw kasi basta basta ka na lang sumasakay kaya ayan napala mo! Lesson learned, no? Ganda ng araw mo ngayon!" Bigla siyang natawa. "Ewan ko sa'yo!" bulalas ko. Nilagay ko ang cellphone ko sa paper bag at nang marinig ko na parang diretso laglag siya bigla akong nagtaka kasi parang walang laman ang hawak kong paper bag dahil kapag meron naman iyon ay hindi maririnig ang cellphone ko na nilaglag ko lang doon. Napatingin ako kaagad sa paper bag. "Ahhhhhh!" sigaw ko nang makita kong wala doon ang lingerie na binigay sa akin nila Ashley. "Bakit?!" Nanlalaki ang mga mata ni Ashley na napatingin sa akin. Halata sa mukha niya ang pagkagulat nito. "Walang laman ang paper bag!" sagot ko sa kan'ya habang kinakabahan na nakatingin sa kan'ya. Napatakip siya sa bibig at biglang tumingin sa harap kung saan ang kotse ni Sir Kendrix kaya napatingin din ako at mas lalong lumaki ang mata ko. "D-don't tell me, nalaglag doon?" Dahan-dahan kong tanong kay Ashley. "F*ck! What are you doing? Go and get the lingerie inside his car!" natatarantang utos sa akin ni Ashley. Hindi ko alam kung paano ko kukunin iyon pero nagmadali na akong buksan 'yong pinto ng kotse ni Ashley at tumakbo ng mabilis para maabutan ko lang siya dahil baka mamaya ay agad na itong umalis edi hindi ko na nakuha. Nakakahiya pero kailangan ko talagang kunin iyon! Hindi talaga para sa akin ang araw na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD