Jassie POV
Maaga akong pumasok para ma-brief ang Marketing Supervisor naming si Alvin Ramos tungkol sa Davao trip.
“Sir, confirmed na po. Kailangan nating puntahan si Mr. Perez personally. Gusto raw niya face-to-face presentation,” sabi ko habang inaabot ang proposal draft.
Tumango si Alvin. Bata pa siya, halos kaedad lang ni Keano. Mestiso, maayos manamit, at laging kalmado.
“Okay. I’ll go with you. Mas maganda full team para solid ang dating,” sagot niya.
Napangiti ako. “Thank you, Sir.”
Alam ko namang trabaho lang ’to, pero aminado akong magaan katrabaho si Alvin. Mabait. Supportive. Hindi intimidating.
“Jas,” nakangiti niyang sabi, “let’s take a break muna. Kailangan mo rin magpahinga.”
“Puwede bang sumabay sa’yo kumain sa canteen?” dagdag niya.
Bago pa ako makasagot—
“Uy!” sabay-sabay na tukso ng mga ka-team ko.
“Bagay kayo!” sigaw ni Abby.
“Oo nga, Sir, ligawan mo na!” sabat ni Sharon.
Napatawa ako. “Uy, baka magalit si Sir,” biro ko, pero may kung anong kumirot sa dibdib ko.
Hindi naman nila alam na may asawa ako.
At mas lalong hindi nila alam kung gaano kagulo ang sitwasyon ko.
Nasa kalagitnaan kami ng tawanan nang biglang tumahimik ang paligid.
Isang malamig na boses ang pumutol sa ingay.
“Is that appropriate? You’re in the office. Hindi ito playground para magtuksuhan na parang teenagers.”
Parang may yelong bumuhos sa likod ko.
Keano.
Nakatayo siya ilang hakbang mula sa amin. Nakaayos, seryoso, at halatang hindi natuwa sa nakita.
“Sorry, Sir,” mahinahong sagot ni Alvin. “Break time naman po. Nagkakatuwaan lang.”
Tinitigan siya ni Keano nang ilang segundo.
Parang may silent tension sa pagitan nila.
Sasagot pa sana si Keano nang biglang may pamilyar na boses na sumingit.
“Ang sungit naman ni boss,” malambing na sabi ni Ashley sabay pulupot sa braso ni Keano.
Parang may kumurot sa dibdib ko.
Pero ang mas lalong nagpatigil sa paghinga ko,
Pasimpleng inalis ni Keano ang braso ni Ashley.
Hindi dramatic. Hindi halata sa iba.
Pero nakita ko.
At tumingin siya sa akin.
Isang segundo lang.
Pero sapat para magulo ang isip ko.
Kahit maingay ang paligid, parang kami lang ang nagkakaintindihan sa tingin na ’yon.
Walang ngiti. Walang paliwanag.
May kung anong hindi masabi.
Pagkatapos,
Tumalikod siya.
At sumunod si Ashley, halatang hindi natuwa.
Tahimik ang grupo namin ilang segundo bago muling nag-ingay.
“Grabe si boss,” bulong ni Abby.
Pero ako—
Hindi ako nakasabay sa tawanan.
Kasi hindi ko alam kung bakit mas tumatak sa akin ang pag-alis niya ng braso ni Ashley,
Kaysa sa presensya ni Alvin sa tabi ko.
At mas hindi ko maintindihan,
Bakit parang may kakaibang kirot sa dibdib ko nang makita ko silang magkasama.
Pagkaalis nila, pilit kong ibinalik ang ngiti ko.
“Okay guys, balik na tayo sa trabaho,” sabi ko, kunwari walang nangyari.
Pero hindi na ako makapag-focus.
Paulit-ulit sa isip ko ’yung eksena.
Yung pagkapulupot ni Ashley sa braso niya.
Yung pag-alis ni Keano.
Yung tingin niya sa akin bago siya tumalikod.
Ano ’yon?
Guilt?
Warning?
O—
Selos?
“Jas?” tawag ni Alvin.
Napatingin ako sa kanya. “Sir?”
“Are you okay? Bigla kang natahimik.”
“I’m fine,” mabilis kong sagot.
Pero hindi ako fine.
Lunch time, sumabay ako kay Alvin pababa ng canteen. Tahimik lang ako habang siya nagsasalita tungkol sa presentation strategy sa Davao.
“Si Mr. Perez mahilig sa detailed projections. Ikaw na bahala sa market analysis part. You’re good at that,” sabi niya.
Napangiti ako nang bahagya. “Thank you, Sir.”
Pagkaupo namin—
“Pwede ba akong sumama?”
Halos malaglag ang kutsara ko.
Keano.
Nakatayo siya sa tabi ng mesa namin.
Tahimik ang canteen pero ramdam ko ang tensyon.
Alvin tumayo agad. “Of course, Sir.”
Umupo si Keano sa harap ko.
Diretso ang tingin niya sa akin.
“Davao trip,” sabi niya, business tone. “You’ll leave Saturday.”
“Yes, Sir.”
“Make sure you’re prepared.”
“Always.”
Sandaling katahimikan.
Pagkatapos, parang wala lang niyang tinanong—
“Magkasama kayo sa flight?”
Napatingin si Alvin. “Yes, Sir. Mas efficient po kung team.”
Tumango si Keano.
Pero ang panga niya—mahigpit.
“So you’ll be together the whole trip?” diretso niyang tanong, pero kalmado ang boses.
“Work trip, Sir,” sagot ni Alvin.
Hindi ako nagsalita.
Tinitigan lang ako ni Keano.
At doon ko naramdaman,
Hindi siya galit dahil sa office etiquette.
Hindi siya naiinis dahil sa tuksuhan.
May iba.
“Good,” sabi niya sa wakas. “Just remember boundaries.”
Napataas ang kilay ko.
“Of course, Sir,” sagot ko, bahagyang diin sa Sir.
Nagtagpo ang mga mata namin.
At sa pagkakataong iyon,
Ako ang unang ngumiti.
Isang maliit. Mapanghamon.
Parang sinasabi kong,
Hindi lang ikaw ang marunong magselos.
Tumayo si Keano.
“Alvin.”
“Yes, Sir?”
“Make sure she’s safe.”
Bahagya akong natigilan.
Pagkatapos, tumalikod siya at umalis.
Tahimik kami ni Alvin sandali.
“Boss mo ba talaga siya?” tanong niya nang pabiro.
Napangiti ako nang pilit.
“Unfortunately.”
Pero sa loob ko—
Bakit parang mas lalong umiinit ang laban?
Davao.
Project.
Divorce.
At ngayon—
Selos.
Hindi ko alam kung sino ang mas delikado.
Si Mr. Perez.
O si Keano na may kakaibang kinikilos.
Kakagaling lang namin sa meeting nang mag-vibrate ang phone ko.
Keano: Sabay na tayo umuwi.
Simple. Walang emoji. Walang paliwanag.
Tinitigan ko ang screen sandali bago ako nag-reply.
Me: Sorry. We have a dinner meeting with the team.
Ilang segundo lang,
Nag-pop up ulit ang message niya.
Keano: Masaya ka naman kasama mo ang mestisong hilaw na ’yon.
Make sure lang na huwag kang gagawa ng kalokohan.
You don’t know me.
Napahigpit ang hawak ko sa phone.
May pagbabanta sa bawat salita.
Agad akong nag-type.
Me: Hindi ako katulad mo!
Nang ma-send ko, saka ko lang naramdaman ang bigat sa dibdib ko.
Hindi ako katulad niya.
Hindi ako ‘yung may Ashley.
Hindi ako ‘yung may babaeng biglang sumusulpot at pumupulupot sa braso.
“Jas? You good?” tanong ni Alvin mula sa tapat ko sa conference table.
“Yeah,” mabilis kong sagot. “Let’s go. Baka ma-late tayo sa reservation.”
Sa restaurant, maingay ang team. Tawanan, brainstorming, light teasing.
Katabi ko si Alvin. Professional ang usapan, puro tungkol sa Davao presentation.
Pero kahit anong pilit kong makisabay sa usapan,
Ramdam ko pa rin ang bigat ng huling message ni Keano.
You don’t know me.
Ano ba ang hindi ko alam?
Na kaya niyang magselos?
Na kaya niyang magbanta?
Habang tumatawa ang mga kasama ko, nag-vibrate ulit ang phone ko.
Isang message.
Keano: Send me your location.
Napakagat ako sa labi.
Controlling.
Possessive.
At nakakainis.
Pero bakit sa ilalim ng inis ko,
May kakaibang kilig na pilit kong itinatanggi?
Agad kong tinabi ang phone ko sa mesa, nakaharap pababa.
Hindi ko siya sasagutin agad.
Kung kaya niyang magbanta,
Kaya ko ring ipakita na hindi ako basta-basta.
Pero sa totoo lang,
Habang mas lalo siyang nagiging possessive,
Mas lalo akong natatakot.
Kasi baka sa huli,
Hindi divorce ang maghiwalay sa amin.
Kundi damdaming na laging nagtatalo.