Chapter 37

997 Words
Jassie POV Hindi ko agad nireplyan ang message niya. Send me your location. Hinayaan kong lumipas ang ilang minuto. Bahala siya. Nasa kalagitnaan kami ng dinner nang biglang tumahimik ang table. “Uy…” bulong ni Abby. Napalingon ako sa entrance. At doon ko siya nakita. Keano. Naka-suit pa rin. Diretso ang tindig. Malamig ang mga mata. Para siyang may sariling spotlight pag pumapasok sa isang lugar. Tumayo si Alvin. “Sir?” Lumapit si Keano sa mesa namin. Pormal ang mukha. Controlled. “Good evening,” sabi niya sa team. “I need to speak with Jassie. Saglit lang.” Tahimik ang lahat. Ramdam ang tensyon. Tumayo ako. “Sir, dinner meeting pa po kami.” “Tapos na ang working hours,” malamig niyang sagot. “This won’t take long.” “Sir,” mahinahong sabi ni Alvin, “may ongoing discussion pa po kami about the Davao presentation.” Napatingin si Keano sa kanya. Isang segundo. Dalawa. “I trust you can continue without her for a few minutes.” May diin ang bawat salita. Napilitan akong sumunod palabas. Paglabas namin ng restaurant, saka ako humarap sa kanya. “Ano ba talaga ang problema mo?” inis kong tanong. “You didn’t send your location.” “Hindi ko obligasyon.” “You’re out late. With him.” “Work trip ’to, Keano!” “And I saw how he looks at you.” Napatawa ako nang hindi masaya. “At paano ba siya tumingin?” Hindi siya agad sumagot. Mas lalong tumigas ang panga niya. “Do you like him?” diretso niyang tanong. Nanlaki ang mata ko. “Excuse me?” “Answer me.” “Bakit? May karapatan ka ba magtanong?” singhal ko. “May Ashley ka!” Lumalim ang hinga niya. “That’s different.” “Talaga? Paano naging different?” taas-noo kong sagot. Isang hakbang ang nilapit niya. “Because I know my boundaries.” Napailing ako. “Hindi mo nga maipakilala kung ano ba talaga ako sa buhay mo.” Natigilan siya sandali. Tama. Hindi niya kayang sabihin sa harap ng iba kung ano ako. Pero ayaw din niya akong pakawalan. “Don’t test me, Jassie,” mababa niyang sabi. “Hindi ako ang sumusubok,” sagot ko. “Ikaw.” Nagtagpo ang mga mata namin. May galit. May selos. At may kung anong mas malalim na pareho naming pilit tinatakasan. “Uuwi ka ba o hindi?” tanong niya sa wakas. “Babalik ako sa loob. May trabaho pa ako.” Tahimik siyang nakatingin sa akin. Pagkatapos, bahagya siyang ngumisi. “Fine.” At tumalikod siya. Pero bago siya tuluyang lumayo, narinig ko ang huling sinabi niya, “Just remember, Jassie… hindi ako sanay na may umaagaw.” Natigilan ako. Umaagaw? Ako ba ang inaagaw, O siya? At habang bumabalik ako sa restaurant, mas lalong gumulo ang isip ko. Hindi niya ako inaamin. Pero ayaw niya rin akong pakawalan. At iyon ang mas delikado. Jassie POV Pagbalik ko sa table, lahat nakatingin sa akin. “Okay ka lang?” maingat na tanong ni Abby. “Yeah,” pilit kong ngiti. “Work stuff lang.” Hindi na sila nangulit, pero ramdam kong may mga tanong sa mga mata nila. Umupo ako sa tabi ni Alvin. “Everything alright?” mahina niyang tanong. “Boss lang,” sagot ko. “Medyo… territorial.” Bahagya siyang ngumiti. “Ganun talaga ang ibang executives.” Hindi ako sumagot. Territorial. Tama ba ’yon? O masyado lang siyang nasanay na kontrolado niya ang lahat, pati ako? Tinuloy namin ang discussion. Pinresent ko ang revised marketing projections, mas naging focused ako kaysa kanina. Kailangan kong patunayan, sa kanila, at sa sarili ko,na hindi ako basta-basta nadidistract. “Impressive,” sabi ni Alvin matapos kong magsalita. “You’re ready for Davao.” “Ready na ready,” sagot ko. Pero sa totoo lang, Mas handa pa yata ako sa laban kay Keano kaysa kay Mr. Perez. Pagkatapos ng dinner, sabay-sabay kaming lumabas ng restaurant. Nagpaalam ang iba. Naiwan kaming dalawa ni Alvin sa parking lot. “Hatid na kita?” alok niya. “Okay lang. May car service ako.” Tumango siya, pero bago ako tuluyang sumakay, nagsalita siya ulit. “Jas.” “Yes, Sir?” “If anything makes you uncomfortable at work… you can tell me.” May kung anong lambing sa tono niya, pero may respeto. Hindi katulad ng kay Keano na laging may kontrol sa bawat salita. “Thank you,” sagot ko. Pagpasok ko sa sasakyan, saka ko lang nakita, May isa pang message si Keano. Text me when you get home. Walang galit. Walang pagbabanta. Simple. Napabuntong-hininga ako. Bakit kapag malamig siya, mas galit ako, Pero kapag ganito siya, mas lalo akong naguguluhan? Pagdating ko sa bahay, bukas ang ilaw sa sala. Nandoon siya. Nakatayo sa may bintana. Tahimik. Parang naghihintay. Napatigil ako sa may pintuan. “Bakit gising ka pa?” tanong ko. Hindi siya agad lumingon. “Safe ka naman pala.” May bahagyang diin. “Inaalagaan ko ang sarili ko.” Dahan-dahan siyang humarap sa akin. “At kung may ibang gustong mag-alaga sa’yo?” Napairap ako. “Workmate ko lang si Alvin.” “Hindi siya tumingin sa’yo na parang workmate lang.” Napatawa ako nang mahina. “At ikaw? Paano ka tumingin sa akin, Keano?” Tumahimik siya. Lumapit siya ng ilang hakbang. Hindi agresibo. Hindi rin malamig. Mas… seryoso. “Hindi mo alam kung gaano ka ka-delikado kapag hindi mo napapansin ang epekto mo sa ibang tao.” Nanlaki ang mata ko. “Ako pa ang delikado?” “Yes.” Isang hakbang pa. “Because you make men want things they shouldn’t want.” Napalunok ako. Biglang naging mabigat ang hangin sa pagitan namin. “Kasama ka ba doon?” mahinang tanong ko. Saglit siyang natahimik. Pagkatapos— “That’s the problem.” Tumigil ang mundo. Hindi ko alam kung ano ang mas malakas, Ang kaba. O ang pag-asa
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD