Jassie POV Nagfo-focus na lang ako sa school at sa trabaho ko sa café. Hangga’t maaari, umiiwas akong magka-encounter kami ni Keano. Kailangan ko na talaga siyang iwasan habang maaga pa, dahil habang tumatagal, mas lalo lang akong nasasaktan. Alam ko naman ang totoo, hindi siya kailanman magkakagusto sa akin. Hindi ba’t malinaw niyang sinabi? “Never fall in love with me.” Hindi ako katulad ng ibang babae na hahayaang mahulog sa lalaking walang kahit katiting na nararamdaman para sa kanila. Hindi ako gano’n. O… pilit kong sinasabi sa sarili ko na hindi. Malapit na akong grumaduate. Kaunting tiis na lang. Kapag nakatapos na ako, mas magiging madali ang lahat. Mas magiging malinaw ang distansya sa pagitan namin. Ginagawa ko, alas-diyes na ng gabi ako umuuwi para hindi na ako makasabay sa

