Jassie POV Sobra ang kaba ko nang makarating kami ni Sharon sa office ni Keano. “Grabe…” napatingala si Sharon. “Ang laki ng building. Nakakalula!” Tahimik lang akong tumingin sa harapan ng napaka-modernong gusali. Ten years old pa ako nang minsang naisama ako ni Mama rito. Isang beses lang ‘yon. Pero ngayon… mas moderno, mas elegante, mas imposing ang buong Ishikawa building. Pakiramdam ko, hindi ako bagay dito. Sa receptionist, kinuha ang IDs namin at pinaakyat kami sa executive floor. Pagbukas pa lang ng elevator, parang ibang mundo na agad. Tahimik, carpeted ang sahig, at amoy mamahalin ang paligid. At doon ko nakita ang secretary ni Keano. Maganda. Makinis. Matangkad. Parang model. Samantalang ako? Payat. Mukhang estudyante pa rin. Neneng pa sa paningin ng iba. Twenty-one pa

