Jassie POV
Unang gabi.
Mag-asawa.
Sa iisang kuwarto.
Dahil wala pa siyang sariling bahay, sa mansion pa rin kami titira. Isang taon na lang graduate na ako. Si Keano naman, full-time na sa opisina ng Daddy niya. Parte sila ng tinatawag na Seven Pillars—samahan daw ng pinakamalalaking negosyante at politiko sa bansa. Hindi ko man maintindihan ang lahat, alam ko lang… napakalayo ng mundo niya sa mundo ko.
“ Sa sahig na lang ako matutulog,” sabi ko habang inilalapag ang bag ko.
Sanay naman ako sa banig. Sa matigas na sahig. Hindi ako maarte.
Baka ayaw din naman niyang may katabi.
“Okay,” malamig niyang sagot habang nagtatanggal ng relo. “You can sleep beside the closet. Doon ka. Huwag dito malapit sa kama ko.”
Tumango lang ako.
Inilagay ko ang malaking bag ko sa sulok. Wala akong balak ilagay ang mga damit ko sa closet niya. Baka mainis pa siya. At saka… mukhang basahan ang mga damit ko kumpara sa mga branded niyang nakasabit doon. Tig-iisang daan lang ang iba kong blouse.
Mas mabuti nang nasa bag na lang.
Inayos ko ang hihigaan ko sa gilid ng closet. May carpet naman. Mas malambot pa kaysa papag.
Tahimik ang buong silid. Maririnig ang mahinang ugong ng aircon.
Kumuha ako ng notebook at libro.
Kailangan kong mag-aral. Dalawang araw akong absent dahil sa biglaang kasal na ’to. Buwisit.
Habang nagsusulat ako ng notes, ramdam ko ang presensya niya sa kabilang side ng kuwarto.
“Ang ingay ng papel mo,” bigla niyang sabi.
Napatingin ako. “Nag-aaral lang ako.”
“Lights off in ten minutes.”
Napapikit ako sandali.
Grabe. Akala mo pagmamay-ari pati oras ko.
Kung hindi ka lang guwapo…
Napailing ako sa isip ko.
Kung hindi lang siya guwapo at matangkad at may boses na parang laging galit pero bagay naman sa kanya,
Napasimangot ako.
Nakakainis.
Makalipas ang ilang minuto, tumayo siya at pinatay ang main light. Lamp na lang sa gilid ng kama ang nakabukas.
Humiga na siya.
Ako naman, nagpatuloy sa pagsusulat.
Jassie bPOV
Tahimik ang buong silid. Tanging mahinang ugong ng aircon ang maririnig.
Nasa sahig ako, nakahiga sa carpet malapit sa closet. Siya naman nasa kama—malayo. Parang may invisible line na hindi dapat tawirin.
Pinatay na niya ang ilaw. Lamp na lang ang bukas.
Pero hindi ako makatulog.
“Keano.”
Walang sagot.
Alam kong gising siya. Ramdam ko.
“Keano,” ulit ko, mas malinaw.
“What?” malamig niyang tugon.
Huminga ako nang malalim bago nagsalita.
“Puwede ka namang tumanggi.”
Tahimik.
Umupo siya sa kama. Kita ko ang silhouette niya sa mahinang ilaw.
“What do you mean?” tanong niya.
“Sa kasal,” sagot ko. “Mas may kapangyarihan ka. Isang salita mo lang, susundin ka nila. Puwede mong sabihing walang nangyari. Puwede mong ipaglaban.”
Tumahimik siya.
“Bakit hindi mo ginawa?” diretso kong tanong.
Ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot.
“You think it’s that simple?”
“Mas simple para sa’yo kaysa sa akin,” sagot ko agad. “Anak ka nila. Parte ka ng Seven Pillars. Ako? Anak lang ng assistant ng mama mo.”
Ramdam ko ang bigat ng sinabi ko.
Hindi siya agad nagsalita.
Tumayo siya at lumapit sa direksyon ko. Hindi kasing lapit kanina. Pero sapat para maramdaman ko ang presensya niya.
“You’re wrong,” mababa niyang sabi.
“Saan?”
“Hindi ako tumanggi… dahil ayokong magmukhang tumatakbo.”
Napakunot ang noo ko. “Tumatakbo saan?”
“Sa responsibilidad,” mariin niyang sagot. “Sa kahit anong posibleng nangyari.”
“Pero wala ngang nangyari,” giit ko.
“Hindi ko maalala.”
“Eh ako naalala ko! Wala!”
Biglang sumikip ang hangin sa pagitan namin.
Tumitig siya sa akin. Hindi galit. Hindi mayabang.
Seryoso.
“You’re not scared?” tanong niya.
“Of what?”
“Of me.”
Natigilan ako.
Dapat ba?
“Hindi,” sagot ko, kahit mabilis ang t***k ng puso ko. “Mas natatakot ako sa ideya na pinili mo ’to.”
Bahagyang nag-iba ang ekspresyon niya.
“Pinili?”
“Oo,” mahina pero malinaw kong sabi. “Kasi kung talagang ayaw mo… hindi ito mangyayari.”
Tahimik.
Mas mabigat kaysa kanina.
“You think I married you because I wanted to?” tanong niya.
“I don’t know,” sagot ko. “Pero hindi mo rin pinigilan.”
Isang hakbang pa ang inilapit niya.
“You talk too much,” bulong niya.
“At least ako nagsasalita,” sagot ko agad.
Saglit kaming nagtitigan.
Walang sigawan.
Walang insulto.
Pero mas delikado ang katahimikan.
Pagkatapos, umatras siya.
“Sleep, Jassie.”
“Good night… husband,” sabi ko, may bahagyang diin.
Sandali siyang natigilan.
“Don’t push your luck,” malamig niyang sagot bago bumalik sa kama.
Humiga ako ulit sa sahig.
Bago natulog.
Jassie POV
Maaaga pa lang ay gising na ako, kahit halos hindi ko tuluyang nakatulog. Bukod sa iniisip ko ang nangyari kagabi, iniisip ko rin kung paano kami ni Keano haharapin ang sitwasyon ngayon.
Napakalamig sa kuwarto niya. Buti pa siya, may makapal at malambot na kumot. Ako? Nagdoble-dobleng damit na lang, pajama, at manipis na kumot. Hindi man lang siya nag-abala na kumutan ako. Napatawa ako sa sarili ko. Pang-Dreame ang ilusyon, mamahalin ako ng mokong na to, mag-aalala, at kukumutan sa malamig na gabi. Hay, nakakakilig…
Pero sa totoo lang, kahit kailan, hindi niya ako nagustuhan. Kahit mag-asawa na kami, alam ko ang limitasyon ko. Nakikita ko pa ang mga girlfriend niya: sobrang ganda, sobrang puti, at tatangkad pa. Ako? Para lang akong alalay sa tabi niya. Hay, ano bang buhay to…
Ngunit may usapan kami ni Keano na magpa-annulled kami pagkatapos ng isang taon. Pero teka… hindi nga pala siya pumayag. Bale baka magulo lang ang isip niya…
Pinikit ko ang mga mata at inalala ang mga nangyari. Siguro kailangan ko lang banggitin uli sa kanya, para malinawan. Pero paano? Sa tuwing tinitingnan ko siya, nararamdaman ko na lang ang init ng katawan niya sa kabilang side ng kama—at parang hindi ko kayang magsimula ng usapan.
Napangiti ako sa sarili ko, kahit papaano. Kahit nakakakilig at nakaka-frustrate, may thrill din ang sitwasyon namin. Isang taon lang, sabi nila. Isang taon para kontrolin ang puso, utak, at pride.
Biglang sumimangot si Keano habang nag-aayos sa kama.
“Jassie,” malamig niyang sabi, “puwede ba wag kang makulit? Hindi ako pumapayag sa idea na isang taon na ‘yan. That’s final, okay?”
Napatingin ako sa kanya, halatang may halo ng pagkairita at pride.
“Okay… fine,” sagot ko, pilit na mahinahon.
“Sabay tayo lumabas,” dagdag niya, na parang walang pakialam sa mga iniisip ko.
Tumabi ako sa kanya habang lumalabas siya ng banyo… at sa isang iglap, nakita ko ang boxer shorts niya.
At… naku.
Talaga, talagang tayong-tayo ang hubog niya kahit nakatago. Hindi ko alam kung anong mas nakaka-shock, ang laki o ang hugis.
Napatingin ako ng hindi sinasadya. At dahil sa gulat, bigla akong napatili sa nakita ko.
“Ahhh—!” napasinghap ako at mabilis na umatras.
Biglang lumabas ako ng kuwarto, tumakbo papunta sa hallway, nagtatakip sa sarili.
Hindi ko alam kung ano ang mas nakakahiya… ang nakita ko o ang ginawa ko.
Pero… narinig ko.
Tawa.
Malalim, mahinang tawa mula sa loob ng kuwarto.
Tila ba sinadya niyang marinig ko iyon.
Napailing ako.
Ang mokong na ‘to. Kahit nakakasakit minsan, kahit nakakainis, hindi ko maiwasang mapangiti.