Umaga pa lang ay hindi ko na maipinta ang mukha ko sa salamin. Iyong mga binili kasi ni Yell na mga damit ay ngayon ko lang nakita at nasukat. Halos hindi aabot sa kalahati ng hita ko ang ibang mga bestida. Iyong iba naman ay hapit sa katawan at masyadong revealing ang bandang dibdib. "Uy Ate! Ang sexy mo diyan! Sana all may boobs. Ako kaya, kailan lalaki ang akin." nakita ko ang pagsalubong ng kilay ni Nichola sa salamin habang tinitignan ang kanyang sarili. Napailing na lang ako at ginulo ang buhok niya. Napatingin ako ulit sa repleksyon ko at halos pamulahan ako ng mukha nang makita ang slit sa gilid. "Labas ka muna, Nichola. Papalit lang ako ng damit." "Bakit naman! Ang ganda nga niyan eh, lakas makaganda. Atsaka diba sabi ni Ate Yell suotin mo daw ngayon iyong binili niya?" Hina

