"Eos kaya today?" napanguso ako habang inaayos ang mga bulaklak sa shop. "Sabi ko naman kasi sa inyo, hindi na ako sasama. Kaya ko naman dito mag-isa. Sayang din ang kita ngayong araw oh." sabi ko kay Ate Aiora. Kinuha niya sa akin ang hawak kong bulaklak at inilapag iyon sa table. Nameywang pa siya sa harapan ko at tinaasan ako ng kilay. "Hay nako! Magagalit si Yell sa atin sa lagay na iyan. Tingin mo ba kawalan sa babaeng iyon ang isang araw na naka-close ang shop? Barya lang sa kanya iyon! Mas uusok ang tenga ng babaeng iyon kapag hindi tayo nagpunta sa bahay nila kaya dalian mo at ligpitin mo na ang gamit mo. Aalis na tayo." Napakamot ako ng ulo ko at bagsak ang mga balikat na pumasok sa loob ng staff room para kuhanin ang mga gamit ko. Inayos ko din muna ang mga bulaklak doon bago

