Ilang beses akong napalunok habang nakikipagsukatan ng tingin sa kanya. "Hindi pa ba malinaw ang lahat sa'yo? Ikakasal ka na pero gusto mo pa manligaw ng iba. Masyado naman atang hindi makatarungan iyon." Kumunot ang noo niya at binuhat ulit ako para ilipat sa backseat. Inuusog niya ako at tumabi sa akin bago isarado ang pinto. "How many times do I have to tell you that I won't marry her? Pera lang ang habol sa akin ng babaeng iyon at isa pa hindi siya ang gusto ko. Bakit ba ipinagtutulakan mo ako sa kanya?" "Siya ang gusto ng mga magulang mo para sa'yo. Bukod pa doon, mas madami na kayong pinagsamahan. Ex mo nga diba? Mas kilala niyo ang isa't isa kaya pwedeng kayong magpakasal." "Where did you get all that information? Kay Papa ba?" "Wala ka ng pakielam kung kanino ko nalaman. Ang

