Isang linggo na din ang nakakaraan simula noong opisyal na naging kami ni Zel. Araw-araw niya akong hinahatid sundo sa trabaho kahit medyo malayo sa opisina at bahay niya. "Ang blooming naman ng bebe na 'yan. Ganyan ata nagagawa ng pag-ibig eh." kantyaw sa akin ni Ate Aiora habang nag-aayos kami ng mga order na bulaklak. Namula naman ang magkabilang pisngi ko at napangiti. Nahihiya ako dahil hindi ako sanay na sa ganitong bagay. Unang boyfriend ko si Zel at hindi naman naging maganda ang paraan ng pagkakakilala namin. Ni sa hinagap ay hindi pumasok sa isip ko na magkakaroon kami ng relasyon ni Zel. "Ikaw din naman, Ate. Blooming ka. Parang noong nakaraang linggo lang din nakita ko kayo-" tinakpan niya ang bibig ko at pinandilatan ako. Kaya naman pala. Pumasok kasi si Hendrix sa shop a

