Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang mga pagdampi ng mga halik sa katawan ko. Unti-unti akong nagmulat ng mga mata at tumambad sa akin si Zel na halatang sinadya na gisingin ako. "Good Morning, sleepyhead. It's already nine in the morning. We should eat our breakfast." malambing niyang sabi bago ako pinaulanan ng halik sa mukha. Hindi ko maiwasang mapahagikgik dahil nakikiliti ako ng patubo pa lang niya na mga balbas sa baba. Akmang hahalikan niya ako sa labi nang takpan ko ang bibig ko gamit ang kaliwang kamay ko at itinulak siya ng kaunti palayo. Kumunot naman ang noo niya nang dahil sa ginawa ko. "Why?" takang tanong niya habang hinahaplos ang beywang ko. "Hindi pa ko nagtoo-toothbrush. Nakakahiya." mahinang usal ko at sumilay naman ang mapang-akit na ngiti niya sa akin. Hin

