Eos's POV Mabilis na nagdaan ang araw at Biyernes na. Huling araw ko na sa trabaho. Mas lalo din umingay ang pangalan ko sa kompanya lalo pa at may mga nakakita noong sagutan namin ng mag-ina. Isinawalang bahala ko na lang din naman dahil ano nga ba ang pwede kong gawin? Hindi naman napipigilan ang mga tao na pagchismisan ang buhay ng iba. Abala ako sa pagpupunas ng salamin nang may bigla na lang tumulak sa akin. "Paharang-harang ka kasi dyan." mataray na wika niya. Huminga na lang ako ng malalim at nagtimpi. Simula pa lang noong pumasok kami sa kompanyang 'to ay mainit na ang dugo ng receptionist na iyon sa amin ng mga kaibigan ko. Kung maikli ang pasensya ko ay baka napatulan ko na ang isang 'to. Nakalagpas na siya pero rinig ko pa din ang mga pasaring niya pati na din ng iba niyan

