Eos's POV Kinabukasan ay ramdam ko ang pamumugto ng mga mata ko. Ayaw ko sanang pumasok dahil bukod sa medyo masama ang pakiramdam ko, mabigat din ang loob ko sa nalaman ko kahapon. Pero kailangan kong magpatuloy dahil ayoko naman na hanggang sa mga huling araw ko sa kompanya eh mas lalo pa na hindi maging maganda ang tingin sa akin ng mga tao. Bagsak ang mga balikat na naglalakad ako papunta sa sakayan nang may bumusina sa gilid ko kaya napatigil ako sa paglalakad at tinignan iyon. Nagbaba ng salamin ang sakay nito at agad kong namukhaan ang sakay nito. "Eos! Tara sumabay ka na sa amin. Papasok ka na ba sa trabaho?" tanong sa akin ni Pia at nakita ko ang pagsilip ng iba pang kasama niya sa loob. Nahiya ako bigla at nanliit sa itsura ko ngayon. Paniguradong halata sa itsura ko ang p

