bc

True Love’s Kiss

book_age16+
2
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
friends to lovers
independent
sweet
humorous
realistic earth
love at the first sight
passionate
like
intro-logo
Blurb

Si Sofia ay isang dalagang romantiko na naniniwala pa rin sa magic ng *true love’s kiss* — kahit pa sinabihan na siya ng doktor na may stage 2 breast cancer at brain cancer siya. Sa halip na magpa-chemotherapy, pinili niyang hanapin ang isang bagay na mas makapangyarihan para sa kanya: **pag-ibig**.

Kasama ang matalik niyang kaibigang si Jaime Montecillo, nagtungo siya sa Rancho Vancadessa, ang hacienda ng kanyang inang matagal na niyang hindi nakita. Dito nagsimula ang bagong kabanata ng kanyang buhay — puno ng damdamin, sikreto, at kilig.

Habang unti-unti niyang binubuo ang piraso ng kanyang pagkatao, isa-isang sumusulpot ang mga *"prospect"* ng kanyang true love.

Sa gitna ng pagtawa, pambobola, at pang-aasar, napapansin ni Sofia na unti-unting lumalayo si Jaime — ang taong laging nandiyan para sa kanya. Pero bakit nga ba mas affected si Jaime sa mga bagong lalaking dumarating sa buhay niya?

Makakahanap ba si Sofia ng "true love's kiss" bago siya tuluyang mawalan ng oras? O matagal na ba itong nasa tabi niya... hindi niya lang napansin?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE: "Goodbye, Chemo. Hello, Destiny!"
True love's kiss." Malakas na basa ni Sofia. Kanina pa siya nakasalampak sa kaniyang sala habang binabasa ang pambatang librong "Sleeping beauty." Paborito niyang basahin ang librong iyon simula pagkabata. Umiiling na binaba niya ang libro sa lamesa. Pagkatapos ay kinuha rin niya ulit para basahin. "True love, totoo kayang nag-e-exist ka pa as mundong ito?" Tanong niya sa kawalan. Ganun siya kapag mag-isa lang at walang magawa nakatunganga sa harap ng planner niya at kinausap ang sarili. Yun ang version niya ng pagrerelax. "Nag-e-exist pa ako, lumingon ka lang sa tabi mo." Nagulat siya sa biglang pagsulpot ng bestfriend niyang si Jaime. Kilala niya na ito since she was three years old. Ito at si Macey ang klaro niya mula pagkabata. Ito rin lang nagbigay sa kanya ng librong iyon noong siyam na taong gulang pa lang siya. Umayos si Jaime ng upo sa harap niya."Kinakausap mo na naman ang sarili mo. " Anito. Binelatan niya lang ang lalaki. Sanay na ito sa kanya. Bago seryosong tumingin dito. "Sa tingin mo ba mahahanap ko yung true love ko?" "Sofia, How many times do I have to tell you na hindi mo kailangan hanapin ang love. It will come in the right time." "Jaime, wala na akong time na mag-antay pa. Kaya kung ayaw lumapit ng true love sakin ako nalang ang hahanap. Hananapin ko siya kahit saang lupalop pa siya magtago." Kahit sa mars pa yan. Mataman siya nitong tingnan. "You know what? Instead of waisting your time with that. Bakit hindi mo nalang pag-isipan ang pagpapa- chemotherapy. " Binalewala lang niya ang sinabi nito. "Jaime, naniniwala ka bang kayang pagalingin ng true love's kiss ang lahat ng sakit?" Sumeryoso ang anyo nito. "No. Mas naniniwala ako sa kakayahan ng doctor. Wake up, Sofia! You're not in the fairy tale. You need a doctor. " Ibinababa niya ang listahan niya at hinarap ito. "Ilang ulit ko bang sasabihin sa inyo na hindi ako magpapachemo. Sayang lang sa pera yun. At wala akong pera. Period. Tapos ang usapan. " Tumayo na siya at tumalikod dito. Hindi siya titigilan ni Jaime kapag hindi pa siya umalis. Pipilitin lang siya nito ng pipilitin magpachemo. At Hahaba lang ng haba ang usapan pero hindi siya mapipilit nito. Last year nalaman niya na mayroon siyang stage 2 Tumor sa frontal lobe cancer. Ang sabi niya doctor hindi pa ito ganun ka fatal pwede pang madaan sa chemotherapy at operasyon. Jaime and Macey insisted that she take the operation but she refused. Noong una nalungkot siya ng malaman ang tungkol sa sakit niya. Buong araw siyang umiyak at nagkulong sa kwarto dahil palagay niya masyado pa siyang bata para mamatay. She's only twenty three and virgin! Palagay niya marami pa siyang pwedeng gawin sa buhay. Sofia was willing to take risk with that chemotherapy mabuhay lang siya ng mahaba. But everything changes nang magpunta siya sa isang hospital upang humingi sana ng second opinion. Naligaw siya sa isang ward kung saan may batang nakaratay doon at may parehong sakit ng kanya. She saw how the kid close his eyes and how those tears fell from his eyes. Namatay ito na umiiyak, malungkot at nasasaktan. Ayaw niyang maging katulad siya nito. Anong silbi ng mahabang buhay kung mamatay rin naman siyang malungkot sa huli? Ayaw niyang mapako sa kama ng ospital. Ayaw niyang mamatay ng malungkot. She wanted to die happy. At iyon ang hindi maintidihan ng mga kaibigan niya. Pinigilan siya nito sa braso. "Wait. Just give it a try. Wag mong alalahanin ang pera ako ang bahala." Tinaggal niya ang kamay nito sa braso niya. Ang kulit talaga ng isang to. " At sino naman ang magbabayad? Aber? Wag mong sabihin na ikaw. Mr. Jaime Kristobal Montecillo baka nakakakalimutan mo na po wala ka ng pera dahil lumayas ka sa inyo 3 years ago. Dahil ayaw mong hawakan yung company bingo at ayaw mong magkasal sa Marie na yun. Kasi nga mas mahal mo pa ang kalayaan mo kaysa sa kayamanaan ng tatay mo. Kaya ngayon namumulubi ka. At eto pa. Noong isang araw lang natanggal ka sa trabaho dahil sumagot ka sa boss mo at wala ka pang nahahanap na bagong trabaho at savings mo nalang ang ginagamit mo na panggastos." Tumigil siya sandali. " Sandali, pause muna. Naauuhaw ako." Kinuha niya sa lamesa ang basong may laman na juice. Inisang inuman na iyon bago muling bumaling sa binata na nakamasid lang sa kanya. "Asan na nga tayo ulit? " Sa savings ko." "Ahh Tama. Yun na nga. So, saan ka kukuha ng panggastos ng pangchemo? Sa luho mo palang kulang na yang savings mo. Kaya isang malaking NO. Hindi ako mag-pa-pa-che-mo. Understand? Tapos ang usapan. Tulog na ako. May hahanapin pa ako bukas. Ciao." Iniwan na niya ito sa sala. Napagod siya sa paglintaya niya. Mahabahaba rin yung sinabi niya ah. "Wait,Sofia. Just give it a try. Money is not a problem. Kaya kong mahanap kahit magkano pa yan. Please. " Pahabol na sigaw nito "No. Maghahanap nalang ako ng true love's kiss. Libre lang yun." Balik sigaw niya bago tuluyang pumasok sa kwarto niya. "Sigurado ka na ba sa gagawin mo? Pwede ka pang magbago ng isip. " Nag-aalalang tanong sa kay Sofia ng bestfriend niyang si Macey. Paalis siya papuntang Tagaytay upang isakatuparan ang misyon niyang makahanap ng true love's kiss. At doon nga niya sa tagaytay naisip niyang magandang setting upang umpisahan ang kanyang misyon. Especial sa kanya ang lugar bukod kasi sa ito ang setting ng paborito niyang romance novel series ay dito rin nakatira ang tunay niyang ina. At doon siya titira sa loob ng isang buwan. Simula pagkabata alam na niyang hindi siya tunay na anak ni Rolando at Mariel, ang mga kinikilala niyang magulang. Hindi itinago ng mga ito sa kanya ang katotohanan ngunit itinuring pa rin siya ng mga ito na parang tunay na anak. She was sixteen ng unang niyang makita ang tunay niyang ina. Pumunta ito sa bahay nila upang magpakilala sa kanya at kunin siya bagay na mahigit niyang tinutulan. Wala itong karapatan basta nalang siyang kunin sa mga taong nagmahal at nag-aruga sa kanya pagkatapos siya nitong pabayaan at abandunahin. She hated her real mother. Hindi siya nito pinilit na sumama pa pero iniwan nito ang address nito sa tagaytay. Tinago niya iyon ng mahabang panahon. Kahapon naisip niya na hindi siya magiging masaya kung mayroon pa siyang sama ng loob sa puso. Pupunta siya sa tagaytay sa dalawang dahilan para hanapin ang true love's kiss at para bigyan ang pagkakataon ang kanyang ina. Inayos niya ang mga ini-empakeng damit bago isinara at inayos ang pagkakazipper nito. "Wala ng atrasan 'to, Macey. Aja! Fighting. " Desididong aniya dito. Tutol si Macey at Jaime sa gagawin niyang paghahanap sa true love at pagpunta sa tagaytay ngunit walang magawa ang dalawa dahil sadyang ninuno niya si Eva na pinagmanahan niya ng katigasan ng ulo. "Sofia naiintindihan ko yang kabaliwan mo sa true love true love na yan. You're hopeless romantic, virgin and brokenhearted pero ang hindi ko lang maintindihan bakit kailangan sa tagaytay ka pa maghanap pwede naman andito ka lang maghanap. Marami naman lalaki dito." Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay. "Sofia, Hindi mo naman kailangan lumayo pa. I can set you a blind date. Marami akong kakilala." She rolled her eyes. Alam niya kung bakit ayaw siya nitong umalis. Dahil nag-aalala ito sa kondisyon niya. God! She's already twenty four. Kayang-kaya niyang pangalagaan ang sarili niya. "Macey! Napag-usapan na natin to di ba?" Binawi niya ang kamay dito. "At isa hindi ko lang naman sa tagaytay maghanap noh. Mag-i-stay lang ako doon ng mga isang buwan tapos pag hindi ko mahanap doon pupunta naman ako sa Baguio, tapos sa boracay, sa palawan pwede din siguro sa cebu." "Balak mo bang magworld tour?" "Grabeh naman yung world your. Hindi ko afford yun,noh. Hanggang Philippines lang ang beauty ko. Ika nga, Ibigin mo ang pilipinas." "Are you serious? And you're planning to go to those places alone? Alam mo ba kung gaano ka delikado ang gagawin mo?" "Nanay Macey, ano naman po ang gagawin ko tumanganga dito at mag-antay kung kailan ako kukunin ni lord?" Humalukipkip siya. Umamo ang mukha nito. " That's not what I meant. Bakit naman kasi ayaw mong magpachemo kung gastos pwede naman kaming tumulong ni Jaime e. " Wala siyang duda doon. Mani lang dito ang gagastusin para sa pagpapachemo niya. Anak si Macey sa labas ng isang senador habang ang nanay naman nito ay anak ng isang negosyante. Kung pera lang ang pag-uusapan kayang-kaya siyang tulungan nito. Siya lang yata ang dukha sa kanilang magkakaibigan. Kailan ba matatanggap ng mga kaibigan niya na ayaw niyang magpachemo. Kung mamatay na rin naman siya mabuti ng maenjoy niya ang mga huling oras niya kaysa maratay sa kama hanggang matigok siya. Yun ang bagay na hindi niya pinangarap. " Macey, I can take care of myself. Makikita mo pagbalik ko dito may kasama na ako at tinitiyak ko sayo na siya na yung true love ko. " Ginagap niya ang kamay nito. Upang iparating dito na magiging okay siya. "Makakabalik ka pa kaya?" Maluluha nitong wika. Yun ang hindi niya alam. Ngumiti siya ng malungkot. Hindi niya alam kung hanggang kailan aabutin ang paghahanap niya ng true love's kiss o kung mahahanap nga ba niya ito bago tuluyan lumaki ang tumor niya at kumalat ang cancer cell sa katawan niya. Yinakap niya ito ng mahigpit. " Syempre naman. Pwede bang hindi ko balikan ang bestfriend ko?" Gumanti ito ng yakap sa kanya. " Mamimiss kita. Mag-iingat ka dun ha?" "Opo Nanay. " Nakangiting pang-aasar niya dito. Natawa naman ito. Madalas niya itong asarin na nanay dahil daig pa nito ang nanay niya kung magpaalala sa kanila ni Jaime. Palibhasa mas matanda ito ng isang taon sa kanila. "Matagal pa ba kayo dyan?" Ani ni Jaime na nakasilip sa pinto ng kwarto niya. Nakunot ang noo niya. Kanina pa ba ito naghihintay sa labas? Humiwalay si Macey sa pagkakayakap sa kanya at tinulungan siyang buhatin ang bagahe niya pababa sa kama. "Kanina ka pa?" Tanong niya Kay Jaime. "Yup. C'mon let's go baka gabihin pa tayo sa daan. " "Tayo!?"Nagugulahang tanong in Sofia dito. "Yup again. Why do you think hahayaan ka namin na byumahe ng mag-isa? Of course not. Especially not with your condition. " What!!!! Seriouso ba ito? Lumabas siya ng kwarto at an doon nga sa sala ang mga bagahe na sa palagay niya ay kay Jaime. Mabilis siyang bumalik sa kwarto niya. At bumaling kay Jaime. " Dito ka lang. Hindi ka sasama. " aniya Kinuha niya ang mga bagahe niya. Akmang lalabas siya sa kwarto dala ang mga gamit niya nang pigilan siya ng dalawa. "No!!" Magkasabay pa nitong sabi. "Hindi na kayo nakakatuwa. I can take care of myself alone." Ayaw niyang makaistorbo pa ng ibang tao. Alam niyang may sarili ring buhay ang mga kaibigan niya at mas lalong ayaw niyang maging dahilan ang sakit niya. Hindi siya embalido! "No! Hindi ka pwedeng umalis ng hindi mo ako kasama. " Matigas na sabi ni Jaime. Napalunok siya. Minsan niya lang ito makita ng ganito kaseryoso ng mukha. Mas sanay siya na soya lagi ang dito. Nagmamakaawang bumaling siya kay Macey. Nagkibit balikat lang si Macey na para bang sinasabi na na Kay Jaime ang kinabukasan niya. Napadyak siya sa inis. "There is no way that I will leave with you Jaime! " Gigil na sabi niya. "And there is no way you will leave this door without me, Sofia. "

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE DESIGNER’S MUSE

read
2.3K
bc

He Divorced His Precious Wife Now He Regrets It (R18 Tagalog)

read
3.7K
bc

The Probinsyana's Two Husbands

read
29.2K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
115.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
2.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook